Chapter 9

32.9K 767 42
                                    

Chapter 9

Shaun

"This is where she lives? All this time nandito lang sya?" Nagtataray na naman si Kirsten habang papasok kami sa parking lot ng condo ni Aldrin. Masakit pa rin ang panga ko dahil sa suntok nya kanina. Nahilo talaga ako don, napapailing na lang ako kapag naaalala ko. Nakakaihiya sa pagkalalake ko na sa isang babae lang nahilo ako! I underestimated her. I only wanted to tease her dahil alam kong saksakan ng pikon ng nakababatang kapatid ni Ysabelle. Hindi na lang pala pikon 'to, mala-amazona na at hindi man lang nakuhang mag-sorry!

"FYI, she only moved in a few weeks ago. Malalaman naman siguro natin kung nandito lang sya sa paligid-ligid. Mas lalo na ikaw sa sobrang gala. Logic my dear. "

"Ang yabang mo a! Anong gusto mong palabasin boba ako! Hindi ako kasing genius mo pero may utak din naman ako!"

Nginsisian ko sya.

"Ang sarap mo talagang pikunin. Mas lalo kang gumaganda."

Namula ng husto si Kirsten.

"You are sooooo impossible and immature! Hindi ko alam kung paano ka naging kaibigan ng ate ko! Kung hindi lang talaga may kailangan ako sa 'yo, nakuuuuuu!!! Hindi lang talaga suntok ang aabutin mo sa 'kin"

Fortunate pa pala ako sa lagay na yon?! At ako pa pala ang immature dito? Napailing na lang ako. Gumanda, sumexy at lumakas nga ang appeal nya, pero taong gubat pa din kung umasal. Walang manliligaw dito. Tatandang dalaga 'to.

"Enough of those, dahil alam naman talaga nating dalawa kung sino sa atin ang immature. Let's just focus on Ysabelle for now. Saka mo na lang ako ligawan kapag na-solve na natin ang tungkol sa ate mo. " Bubulyawan pa sana nya ako pero inunahan ko na syang magsalita. "According to Aldrin, Francine was his assistant for the past three years in Cebu. Pero ang sabi ni Aldrin, she told him that she lived in Cebu all her life."

"Francince? Sinong Francine? Akala ko ba Focus tayo kay ate, bakit ipinapasok mo sa usapan ang mga babae mo?"

I looked at her incredulously. Gugulo mundo ko sa babaeng ito! Nakatirintas siguro ang utak nito. Baka kailangan ko munang ideretso!

Nag-park muna ako ng sasakyan bago ko sya kinausap ulit. Humarap ako sa kanya at nagpaka-seryoso ng mukha kahit na gustong gusto ko syang ngisian ulit at asarin. Mukhang hindi kasi ako sine-seryoso nitong babaeng ito.

"Kirsten, you have to understand that we have a situation here. Ysabelle doesn't know who she really is. She think that her name is Francine and she lives in Cebu all her life. Ngayon, naiintindihan mo na ba? "

"ANO! Paanong nangyari yon?"

Nagkibit balikat ako. "Malay ko? Bakit ka sa kin nagtatanong ng ganyan, kagabi ko lang din sya nakita."

"Wala kang silbi."

Wow! Ako pa talaga ang walang silbi ngayon. Halos wala pa nga akong tulog sa kakaisip kung anong pwedeng gawin sa sitwasyon ni Ysabelle.

"Kung ako walang silbi, Ikaw naman, pampagulo."

Nainis na naman. I really can't help myself but smirk. Mas lalo talaga syang gumaganda kapag nagagalit. 'Wag lang mananapak ulit, ibang usapan na yon.

"Hoy! FYI din, ako ang kapatid dito. Ako na lang natitira nyang pamilya kaya ako lang ang natatanging may karapatan sa kapatid ko! "

"Ego trip?"

"AAAAARRRRRGGGGG!!!! PWEDE BANG SAMAHAN MO NA LANG AKO PARA MAIUWI KO NA ANG ATE KO! MABABALIW AKO SA YO!"

Lumabas na sya ng kotse at dire-diretso sa loob ng building. Walang paki-alam kung pinagtitinginan sya ng mga tao nag halatang kababangon lang ng kama at gusot-gusot pa ang buhok.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon