Chapter 8

34.9K 786 42
                                    

Chapter 8

Francine


"I'm gonna go na Mommy, I love you!"

Naalimpungatan ako ng humalik sa akin si Clyde. Mabilis akong bumangon at tumingin sa wallclock.

"Oh my gosh I overslept!"

Napasama ata ang biglang pagbangon ko at parang nahilo ako!. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil umiikot ang paningin ko.

"Mommy, are you sick? Do you want me to get some medicines?"

Nalusaw naman ang puso ko! Ang bait naman ng anak ko! Pinilit ko na lang bumangon para hindi mag-alala si Clyde.

"No baby, I'm not sick. Look." tumayo na ako. " I'm healthy and strong!" Binuhat ko si Clyde at pinagkikikiliti. Tuwang tuwa naman yung bata.

Karga-karga ko pa din sya nung lamabas kami ng kwarto at naghihintay na doon si Maria.

"Ate, aalis na po kami, naghihintay na yung service ni Clyde." Ibinaba ko na yung bata.

"Goodbye baby, I love you! Be a good boy, ok? "

"Yes mommy. I'll have lots of stars again when I get home! remember mommy...."
Sabay kaming nagsalita.. "A price for a star!"

"Ok Clyde, make your mommy proud!"

Hinalikan nya ako sa pisngi at masayang sumama kay Maria. It's very fortunate that he liked his new school at excited sya palaging pumasok.

Hinatid ko sila sa elevator at ng makasakay na sila ay bumalik na ako sa unit. I crawled back to my bed and tried to go back to sleep. Antok na antok pa ako dahil halos mag-uumaga na nung nakatulog ako. Usually ako ang nag-p-prepare ng breakfast namin at sabay kaming kumakain ni Clyde at Maria tuwing umaga. First time ko atang naka-miss ng morning ritual naming mag-ina. Palagi kasing nag-re-replay sa utak ang lahat ng nangyari kagabi.

I touched my lips as my mind wandered to the man who kissed me. Nagtataka talaga ako. He's a stranger and yet he's so familiar! Parang magkakilala na kami dati and yet hindi ko man lang maalala kung naging bagahi ba sya ng buhay ko.

Stupid memory! Sobra ba talaga akong nad-trauma sa sunog na yon? Bakit yung ibang mga tao naman nasusunugan pero carry lang nila? Namamatay pero hindi nag-b-break down. I always prided myself for being brave, kaya nakakapgtaka kung bakit ako sinukuan ng utak ko sa mga masasamang pangyayari ng buhay ko. O baka naman feeling ko lang matapang ako pero hindi naman pala.

I was already drifting off to sleep when suddenly the doorbell rang.

Huh? bakit walang pasabi ang lobby na may aakyat pala dito. Baka naman naligaw lang. Mare-realize din non na mali ang pinto na dono-doorbellan nya.

Pero ilang minuto na ang nakakalipas at diretso pa din ang pag-doorbell ang taong walang puso, kaluluwa at isaw! Wala man lang konsiderasyon sa mga taong gustong matulog!

Padabog na pumunta ako sa front door at bubulyawan ko sana ang taong makulit ng parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang taong nasa kabila ng pinto!

Isasara ko sana ulit at pinto pero ihinarang nya ang katawan nya at hindi ko na masara ito.

"Sab.. Please let's just talk."

"Sir Spencer, ayoko ng gulo. Kaya please, umalis na lang kayo."

"Hindi ako aalis dito ng hindi tayo nagkakausap. "

Napakunot ako ng noo. Anong gagawin ko? Baka kung pinapasok ko 'to at may makaalam, baka bigla na lang akong sugurin ng fiance nya! Ayoko ng eskandalo! Nananahimik ang buhay ko, lumipat lang ako ng Manila, naging komplikado na!

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon