Chapter 14

30.8K 696 34
                                    

Date uploaded : 11-28-14

Chapter 14

Aldrin

".....By next year we will dominate the Asian market." Nagpalakpakan ang mga executives sa loob ng conference room. Everybody looks optimistic, and that it a good sign na maabot namin ang bagong goal ng kompanyang ito. Nasa board meeting ako ng newly acquired company ng mga Altamerano, another acquisition of the fastest growing company in Asia. I looked confident enough at naboost naman ang morale ng bawat isa, but deep inside I'm such a mess.

Kamuntik ko na talagang makalimitan itong mahalagang meeting na 'to. Nadagdagan ng triple ang trabaho ko simula ng ma-i-turn over sa akin ni Spencer ang pagiging CEO, and the worst part is, wala si Francine para ayusin ang mga schedule ko. Ngayon ko sobrang naapreciate ang efficiency nya. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay ayos na ayos na ang schedule ko. Kung minsan nga ay pinagdedesisyonan na nya ang ilang mga bagay para hindi na ako maabala pa at ang mga importanteng mga bagay na lang ang mga pinagtutuunan ko ng pansin. But now, everything seems to be blowing out of proportion!

I missed Francine. I need her beside me. Hindi lang para mag-ayos ng schedule ko, but her mere presence and continues encouragements, boosts a lot of my confidence. Hindi nya alam, but I owe a lot of my success to her. Sya talaga ang inspirasyon ko, to do better, to strive harder, to be more than the man I am today. becuase I want her to be proud of me.

Habang palabas ako ng conference room ay maraming nag-co-congratulate sa akin. Gusto pa sana nilang makipag-chit-chat but I'm not in the mood right now. Kung hindi tungkol sa negosyo ay mas mabuti pang umalis na ako para naman mas mapapakinabangan ang oras ko. Gumawa na lang ako ng excuse at umalis na ako.

I was driving my way back to Altamerano Towers when I suddenly spotted Francine! Pinikit pikit ko pa ang mata ko baka namamalik-mata lang ako. Naglalakad sya sa side walk na parang tulala. May nakabangga pa syang babae at tinarayan sya ng husto! Kumunot ang noo ko.

"What's she doing here?"

Mabilis na ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng kinatatayuan nya. Alam kong no parking dito. Bahala na! Pinapagalitan pa sya nung nakabunggo niyang babae nang bumaba ako sa sasakyan at hinila sya papasok ng kotse ko. Gulat na gulat sya sa pagkakakita sa akin, pero walang imik na sumunod na lang sya sa direksyon ko.

"Mukhang old maid yung binangga mo a, ang init ng ulo."

Pinilit nyang ngumiti. "Oo nga. " Iyon lang ang sinabi nya at tumingin sa labas ng bintana at nanahimik na sya. What's goin on with that pretty little head of hers? Nakikita ko sa ikinikilos nya na may problema na naman sya.

"Frans... hey.. Frans... "

"Hmmmm? "

"Problem?"

Umiling-iling sya. " A ... e... wala."

Using my free hand, kinuha ko ang kamay nya at pinisil ito. "You know that you can tell me everything. Pero kung hindi ka pa handang magsalita, I just want you to know that you can always come to me. Wag na wag kang mag-he-hesitate na lumapit sa akin."

Nangingilid ang mga luha nya ng lumingon sya sa akin. Parang piniga ang puso ko ng pilit nyang ngumiti. "Wala ito. Kaya ko 'to."

Ayaw na naman nya akong pag-alalahin. Kahit alam kong ang bigat bigat ng dinadala nya ngayon. If only I can embrace her and tell her that everything's going to be fine. If only I can take away all her pain and all that's troubling her mind. She doesn't deserve all this crap! Talagang nagsisisi ako kung bakit ko sya sinama dito sa Manila. Nananahimik na sya doon, hindi sana nangyari ang mga bagay na ito. Pero sa kabilang banda, kung hindi naman nangyari kito, hindi namin matutuklasan ang totoong pagkatao nya.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon