Chapter 61

444 13 1
                                    


Chapter 61
Tammy's POV

"Yiiie! Excited na ako! Manunuod kasi kami ng boyfriend ko bukas. In fairness, bagay sila no?"

"Oo nga eh!"

Saka pa naghagikgikan yung dalawang babae. Nilapag ko yung inorder ni GD na cake at kape saka kami nag-ilingan.

"Nah, mas bagay kami."

"True."  Nagtawanan kaming dalawa saka ako umupo. Pinanuod namin yung commercial tungkol sa showing ng movie nila Imaw dito sa tv na nakasabit sa resto saka kami nagkwentuhan.

"Ano? Musta?"

"Tss, buti naisipan mong mangamusta? Mukhang kinalimutan na ako para kay Nicole, ha?"

"Oy, hindi ha. Nagtatampo yung bestfriend ko."

"Nako, tigil-tigilan mo ako!"

Tumawa lang sya saka nilabas yung laptop nya at nagsuot ng salamin.

"In fairness, bagay sayo ha?"

"Bagay naman sakin lahat eh, sa gwapo kong to?"

"Mas gwapo pa rin yung boyfriend ko sayo, wag kang ano dyan."  Tumawa lang sya ulit ng hindi tinatanggal ang tingin sa laptop nya.

"Hoy, hindi coffee shop tong restaurant ko, ha? Wag kang mag feeling na nasa Starbucks ka!"

"Eh, sayang naman yung libreng wifi kung ganon. Pakinabangan nalang tutal all in one naman na yata tong resto nyo."  Saka ulit sya tumawa. Kasi naman, restaurant lang talaga dapat sya hanggang sa may samu't saring cakes na, may catering service, wifi at nagmukha na ring coffee shop. At sino pa ba may kagagawan ng mga pakulong yan? Syempre si mommy at tita Saab lang naman.

Tinignan ko lang sya na seryosong seryoso sa ginagawa nya, may mga papel pa syang tinitignan.

"Bakit ba dito mo dinala yang trabaho mo?"

"Ayoko kasing pumunta ng office, dad won't let go of me again. Pipilitin lang nya akong mag stay doon."

"Lagi mo naman kasing tinatakasan yang daddy mo. Dapat lang na ikulong ka nya doon no."

"May lakad kami ni Nicole ngayon. Kaya hindi pwede."

Natahimik nalang ako. Napansin nya yata yun kaya natigil sya sa ginagawa nya, binaba nya yung salamin nya saka timingin sakin.

"Oh?"

Napakalumbaba ako. Simula ng February, hindi pa ulit kami nagkikita ni Imaw. Text lang at paminsang tawag. Natapos na nila yung movie kaya balik trabaho na ako. Mas naging busy naman sila sa promotions at mga guesting. Lagi syang wala. Kung nandoon man, tulog naman buong araw. Sanay naman na ako sa set up tutal ilang taon naman na akong nakikihati sa oras nya sa career nya. Kaso nga lang, nakakalungkot pa rin.

"Wala naman."  Mahina kong sabi.

Humigop muna sya ng kape bago lumapit ng kaunti sakin.  "Mahirap talaga pag busy'ng tao ang boyfriend mo no?"

"Bakit si Nicole? Busy rin naman sya pero nakakapagkita pa rin naman kayong dalawa. Hindi pa kayo nyan ha."

Nagkibit balikat sya.  "You can never tell. You know what, madalas nga kaming magkita pero hindi rin naman kami gaanong nakakapag enjoy. Minsan nakakatulog sya, minsan naman tahimik na at halatang pagod na pagod na. I always end up sending her home."

Napabuntong hininga nalang kaming dalawa.  "Mag bestfriend nga siguro talaga tayong dalawa. Dati, parehas lang tayo ng naging problema tapos ngayon parehas pa rin!"  Nagtawanan kaming dalawa. Bakit kaya ano?

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Where stories live. Discover now