Cute Jealousy & Special Visit

3.6K 73 5
                                    

It was a typical monday for her.  Ito siya ngayon, nasa garden, nakikipaglaro kay Betty. Pero hindi maalis ang pagkairita niya sa nabasa sa twitter.

Hindi siya ganon ka-active sa twitter. Actually, hinahayaan niyang gamitin ito ng management to promote shows and endorsements niya pag minsan.

Hindi nga lang niya alam kung bakit naisipan niyang mahcheck ng twitter. Sa dami niyang mentions and notifications, hindi na niya ma-check lahat. Hindi rin kasi siya matiyaga e.

Pero nainis nang makita niya ang sunod sunod na mention sa kanya na about kay Matteo, na may kapalitan ng tweet?

"Ang tagal pa talaga niya ha.", she thought.

Hinihintay niya kasi si Matteo. Gaya ng dati, dahil wala silang work pareho, ito yung time na pwede silang magdate or lumabas with friends.

"Mam Sarah, andito na po si Sir Matteo. Kausap lang po siya ng Mommy niyo.", sabi ni Ate Rona.

"Sige, Ate Rona. Thank you."

"Hay naku, Betty. Naiinis talaga ako.", nasabi niya sa alaga niya saka umupo sa outdoor bench nila sa garden.

"Hi, Love.", bati ni Matteo, sabay kiss sa pisngi.

"Oh, bakit ka andito?", cold na bati niya sa boyfriend.

"Huh? Anong bakit? QT natin today."

"Ah, talaga. Nakalimutan ko e.", sabay baling ang tingin kay Betty.

"Love?"

"Bakit?"

"Bakit? What's with the face na ganyan? Gusto mo ba ng kiss?"

"Anong ganyan? Anong kiss?"

"Eh, nakasimangot ka kasi, tsaka kanina ka pa naka-pout oh. Pwede mo namang sabihin kung gusto mo ng kiss e.", nangingiting sabi ni Matteo.

"Hindi no! Kapal lang talaga.", saka niya inirapan si Matteo, ngayon naman unconsciously niyang nakagat ang lower lip niya.

"Oh, ngayon naman, you're teasing me. Told you, kawawa lower lip mo."

"Pwede ba, Matteo. Tigilan mo ko."

"Teka nga, bakit ba kasi, Love? May nagawa ba kong masama?", Matteo said saka hinawakan ang kamay ko na kanina ko pa pinanghahaplos kay Betty.

"Meron nga ba?" balik na tanong niya kay Matteo.

"Syempre, wala."

"Okay, kung wala, e di wala."

"Ito naman, bakit ka ba ganyan. Wait, may ipapakita ako sayo.", sabay kuha niya sa fone niya at nagpunta sa twitter.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Wait lang, Love. May hinahanap lang ako dito sa twitter."

"Twitter? Twitter na naman, fine. Diyan ka na lang, dumayo ka pa para magtwitter.", saka tumayo at lalakad na sana palayo nang mahawakan ni Matteo ang braso niya.

"Oops. Love, teka lang. Bakit ba kasi ganyan ka? Nagti-twitter ako kasi may gusto akong ipakita sayo."

Humarap siya kay Matteo. "Hindi ako interesado."

"Love, ano ba. Ngayon lang tayo magkaka-QT, ganito pa tayo."

"Bakit hindi ka na lang kasi makipagpalitan ng tweet sa babae mong friend? Sabihin mi lang, at para di kita maistorbo."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon