Since 2007

3.8K 66 8
                                    

"Nak, andito na sina B and Ms.L", sabi ng Mommy niya habang kumakatok sa pinto ng room niya.

"Sige po, My. Saglit na lang to."

"Sige, nak. Bumaba ka na lang after."

"Okay, My."

Buti pa tawagan ko na si Matteo. Sabi niya, mga 4pm andito na siya. Kaya kinuha ko ang fone ko sa bag saka tinawagan si Matteo.

Pababa na siya nang hagdan, habang tinatawagan si Matteo pero hindi ito sinasagot. "Tsk. Asan na ba yun. Hindi pa sagutin ang tawag ko e."

Tatawagan na sana niya ulit si Matteo nang may narinig silang nagtatawanan sa may Dining area niya. Kaya naglakad na siya papunta don. Nakita niya sina B at Ms.L na kumakain. "Good afternoon, Ms. L and B."

"Hi, Sars! Wait lang ha, pinakain kami ni Mommy mo e. Eh, alam mo namang hindi namin matatanggihan ang masarap na luto ng Mommy mo."

"Okay lang po, and isa pa wala pa si Matteo. Wait lang po ha, kain lang kayo dyan, tatawagan ko lang." Ida-dial na sana niya ulit ang number ni Matteo nang lumabas ito galing sa kitchen na may hawak na pitcher ng juice.

"Love. Kain ka muna.", sabi ni Matteo. Binaba ang pitcher saka lumapit sakin at humalik sa pisngi ko.

Nahampas ko naman siya sa braso. "Andito ka na pala, e tinatawagan kita kanina hindi mo ako sinasagot."

"Love, sorry. Nasa van ko kasi yung fone ko. Hindi ko na binalikan kasi sabi ni Tita, pababa ka na rin naman.", sabi nito habang hawak ang braso na hinampas ko.

"Ewan ko sayo.", saka binalik ang fone ko sa bag ko. Habang sina Ms.L naman e, napapangiti saming dalawa.

"Sorry na nga. Kain muna tayo. Sarap ng pansit e."

"Di na, sige lang, kain kayo. Okay lang ako."

"You sure?"

"Oo, sure ako. Kumain ka na, kasi baka ma-traffic tayo."

"Okay. Mabilis lang to, Love.", pagkasabi niya ay tinanguan ko ito.

Matteo's POV

Sumakay sila Ms.L at Beyonce sa Van ni Sarah. And syempre, kasama ko si Sarah dito sa Van.

"Love?", it's Sarah.

"Yes, Love?"

"Ang laki ng Van mo, pero parang two-sitter lang to kung makadikit ka sakin.", natatawang sabi ni Sarah.

"Hahaha! And so? Alam mo namang gusto ko laging nasa tabi mo.", then I hugged her from my side.

"Clingy boyfriend."

"Inaamin ko, clingy ako. Lalo na't ikaw ang girlfriend ko."

"Sus."

"Why? Totoo yun ha."

"Oo na. Alam ko naman yun. Saka ako rin naman. Busy nga lang tayo madalas.", then she lean on my chest.

"Alam ko rin, kasi 2007 pa lang pala eh, crush mo na ko. Di ba? Di ba?", told her while smiling.

"What? Hindi noh! Kapal mo talaga!", lumayo siya ng konti and tumingin sa window.

"Hahaha! Aminin. Crush mo na pala ko nung 2007, nung nagka-Kart Racing pa ako.", saka ako tumawa.

"Nakakainis ang kayabangan mo, eh, wala ka namang proof!"

"Hmm. Di ka sure.", then I grabbed my fone and go to Twitter. Sa favorites ko hinanap yung post ng isang SG fan. I saw it kasi some of them posting some throwback about Me and Sarah, how we started as friends. "Here." then, inabot ko sa kanya ang fone ko para mabasa niya yung proof na crush niya na ko since 2007, care of Alex Gonzaga.

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon