Unexpected Birthday Greeting

4K 37 3
                                    

"Hey, kaya mo pa?", tanong nito kay Matteo. Napansin niya na marami na silang nainom ng Daddy niya. "Pwede namang tumigil na, Love."

"Im fine, Love. Nageenjoy ako.", sagot nito sa kanya.

"Nak, dito mo na patulugin yang si Matteo at baka mapano pa sa daan yan. Ipinahanda ko na yung guest room sa taas.", sabi ng Mommy niya. "Iaakyat ko na tong Daddy mo, mabuti pa, ihatid mo na si Matteo sa taas.", dagdag pa nito. "Shine, tulungan mo kapatid mo paghahatid kay Matteo sa taas."

"Love, kaya mo pang tumayo?", tanong ni Sarah kay Matteo.

"Oo naman, Love.", pagkasabi ay tumayo ito nang dahan-dahan.

Inalalayan ni Sarah ito hangang makarating ng guest room. Sumunod naman si Ate Shine na may dalang towel na basa.

"Pot, punasan mo muna. Para at least makatulog ng maayos. Masyado kasing kinareer ang pakikipagbonding kay Daddy e. Yan tuloy."

"Ate Shine, kaya ko pa naman. Tsaka, di ko papalampasin yung mga ganitong klaseng chance para mas mapalapit sa inyo.", sagot naman ni Matteo kay Shine.

"Sshh. Oo na, ikaw na talaga, Love. Humiga ka na, para makatulog ka na. Good night na.", then Sarah gave Matteo a peck on his lips.

"Good night, Love. I love you."

"I love you too."

Saka tumayo lumabas kasama ang Ate Shine niya ng guest room.

"Wow! Iba ka na, Pot. Normal na sa inyo yung kiss na ganon a.", pangaasar niya sa kapatid.

"Ate, boyfriend ko si Matteo. Im sure, ginagawa niyo na ni Rob yun. Hahaha!", bawi naman niya sa kapatid. "Uhm, Ate? Favor?"

"Anything, Pot."

"Tabi tayong matulog. Namiss kita e.", paglalambing bigla.

"Sus, akala ko naman kung ano. Syempre naman, Pot. Ikaw pa, e miss rin kita."

Sabay silang nagpunta sa kwarto ng Ate Shine niya. Kinuha niya ang fone niya, pero namatay na ito sa sobrang lobat. Kaya ichinarge na niya ito at saka binuhay.

Nagulat silang dalawa ng Ate niya nang tumunog sunod sunod ang fone niya. Flooded ng text messages. Nasa loob ako ng banyo para magwash up, nang narinig kong nagsalita si Ate Shine.

"Pot, dami mong messages. Nakakarindi."

Paglabas ko, kinuha ko fone ko at nahiga sa tabi ni Ate Shine. Puro birthday greetings. Galing sa mga friends ko, kina Ate Juday, KC, Nikki, Sir Martin, Sir Gary, The Voice Artists at napakarami pa nila. Pero nang mabasa namin ni Ate ang isang mesaage pa ay nagkatinginan kaming dalawa.

"Baby Girl, Happy happy Birthday. I know, hindi na kita dapat tawaging Baby Girl. But I can't help it. Hope you had a good celebration. I miss you, so badly. -Gege"

"Pot, nagtetext pa rin kayo?", nanlalaki ang mga mata nito sa pagtatanong kay Sarah.

"Syempre, hinda na Ate. Hindi nga naka-save number di ba? Ayoko na rin kasing pansinin."

"Tama yan, Pot. Dedma na lang."

"Yun na nga ginawa ko. Simula nung kausapin niya ko sa hallway ng ABS during ASAP, na-wiwirduhan na ko."

"What? Nagusap kayo?", bakit. "Pot, marami ka atang ikwekwento."

"Ate, wala naman. Kasi sinabihan ko naman na siya na wala naman ata kaming dapat pagusapan. Tapos, sinabi lang niya, DO YOU REALLY LOVE HIM?, sinagot ko siya ng YES I DO. After non, tinalikuran ko siya."

"Alam ni, Matt?"

"Yeah, nakita niya kasi yung flowers na ipinadala ni Gerald sa dressing room ko, that same e."

"Now, there's flowers? You know what, Pot. I can sense him, he's not over you yet."

"You think so? Pero ang alam namin, he's happy with Maja now."

"Pot, hindi mo pa rin gets? Been telling you before, sa bilis ng pangyayari sa kanila ni Maja, I know, may feelings pa rin siya sayo."

"Pero matagal na yun, Ate. And besides, wala na kong maramdaman na bitterness kahit konti."

"Sayo, wala na. Sa kanya, hindi natin masisiguro na wala na nga. So, anong ginawa ni Matt nung nalaman?"

"Nasa states siya. Pero, alam ko at sinabi rin naman niya na hindi niya guato yung move ni Gerald."

"Pot, natural. Boyfriend mo yung tao. Magagalit yun."

"Ate, sa kanya na lahat ng pagmamahal ko. Kaya hindi na siya dapat magworry."

"Tama yan, Pot. Ilagay mo na yung fone mo sa table, hayaan mong magcharge at matulog na tayo."

"Okay, Ate. Good night."

"Good night, Pot. Hug na tayo. Na-miss kita e."

----------------------------------

Hey guys!! Im planning to insert some AshRald on the next updates. But I'm thinking, parang mas exciting kung AshLloyd na lang?

Feel free to comment and state your suggestions.

Thank you! ❤

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon