Infinity

4.6K 41 8
                                    

Kahapon, niyaya niya si Matteo for a date. Yes! Him for a date.

Gusto niyang bumawi dito kaya naginvite siya na lumabas.

Ready na siya. Blouse then jeans then her YSL Mocassin flats na favorite niya. Light lipstick and a cheek tint, okay na. Simple lang. Kaya nagugulat ang mga tao kapag nakikita siya. Ibang iba sa nakikita nila sa TV.

Movie and Dinner date ang naging plan nila. Inaayos niya ang bag niya nang kumatok ang Mommy niya.

"Nak, andito na si Matteo sa baba."

"Sige po, My. Bababa na po ako."

Agad silang nagpaalam sa Mommy niya. At saka umalis. Pinapayagan na silang dalawa na lang yung lumabas. Simula nang may nangyari noon, ay naibalik naman ni Matteo ang tiwala ng magulang niya.

Nang makasakay na sila sa sasakyan, humarap si Matteo sa kanya at hinawakan ang kamay niya, "Love, thank you for askin me out. Pero dapat sinundo mo na ko sa bahay."

Hinampas niya ito sa braso. "Tse! Tigilan mo ko ha, ikaw na nga tong niyaya e.", sabay bawi niya sa kamay niya.

"Ito naman, para nakikipagkulitan lang e.", at nagsimulang paandarin ang kotse. "Love, I love to see you like that. That simple. Blouse, jeans and flats. Lalo kang maganda sa mga mata ko.", sabay abot ulit ng kamay niya.

"Sus! Bola. Triathlete ka, hindi basketball player.", natatawang sabi ni Sarah.

Tumawa na lang ito at napailing.

Nang makarating sila sa Trinoma,pinili nilang mag early dinner. Kaya dumeretso na sila sa restaurant, nagpauna ng wine si Matteo habang umoorder si Sarah for them.

Matteo's POV

Kung nakakatunaw talaga ang mga titig, malamang tunaw na ang Sarah niya sa harapan niya. Simple but, Ghad!! Very beautiful, Oozing with charm and sex appeal. Kaya nahihirapan din siya pag minsan.

Napapailing siya at napangiti na saktong napansn ni Sarah.

"Love, what is it?", tanong niya kay Matteo.

"Hmm? Nothing. Nageenjoy lang ako na tingnan how beautiful you are."

"Tse! Ikaw talaga.", sinusubukang itago ang kilig sa sinabi ni Matteo na ramdam niyang ikina-blush niya ng konti. Kaya tumungo na lang siya at ipinagpatuloy ang pag-order.

Nang matapos si Sarah umorder, hinawakan niya ang kamay nito. At sinabing, "I love you, I love you, I love you. You're my all."

"And I love you more, Love.", sabay pisil sa kamay ni Matteo.

Nagkwentuhan sila about sa mga next projects nila. Kwentuhan at tawanan. Just like the old days na nililigawan pa lang niya si Sarah.

Kahit na na-iserve na ang food nila, hindi pa rin nawawala yung tatawa at ngingiti, magtititigan.

After nilang kumain, kinuha ni Matteo sa bulsa niya ang isang pahaba na box. Cartier box. Binuksan niya ito at kinuha ang isang pink infinity bracelet. Kung titingnan ay simple lang ito, unless hindi ka talaga aware na may diamonds ito sa paligid ng ceramic na nagdudugtong dito. Inabot niya ang kanang kamay ni Sarah at isinuot ito sa kanya.

"Love, sana nagustuhan mo. Magkapareho tayo o.", ipinakita niya ang suot niyang black na infinity bracelet sa kanang kamay rin nito.

"Thank you, ang ganda.", habang hinahawakan ang infinity bracelet.

"Couple bracelet yan, Love. Sana masuot mo lagi gat maaari."

"Oo naman. Susuotin kito lagi. Pero love pag may mga shoot or shows na hindi bagay sa suot ko, please understand,ha?"

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon