Clingy

4K 86 10
                                    

First of all, sorry po kung ngayon lang nakapag-update. Busy lang, plus, nakakainis na biglang nawala yung mga UD ko dahil sa pag-a-updateng Wattpad App ko dito sa fone ko.

Nakakatuwa na may nakakamiss pala sa story na to. So, sana po, magustuhan niyo tong UD ko. Bawi ako next UD.

-----------------------------------------

"Napapadalas yata yang concert date niyo ni Matt, Anak."

Yan ang morning spiel ni Mommy. Andito kami sa garden habang pinapanood sina Daddy na nililiguan yung mga dogs namin.

"My. Pumayag na po kayo. Ngayon lang ako mag-a-unwind after The Voice e. Tsaka, alam niyo naman na gusto ko talaga yung mga concert na ganito. Syempre, di ba, iba yung experience na ako yung audience. Ed Sheeran yun, My."

"Wala namang problema dun. Kaya lang, napapansin namin ni Daddy mo na kapag may ganyan kayong lakad ni Matt, lumalabas yang pagiging PDA niyo."

Eto na naman kami sa bagay na yan. Alam ko, alam rin ni Mommy ang isasagot. At mas alam ko, na kapag sinabi ko pa yun ulit. Mas hahaba ang usapan na to. Kaya mabuti pang hindi na lang ako magcomment.

Pero dahil siguro napansin ni Mommy nauminom na lang ako ng juice, napatingin na lang siya sakin.

"Di ka na nagsalita diyan."

"My naman. Pumayag na si Dy."

"So, dapat pumayag na rin ako, ganon ba?", sabi ni Mommy, saka ako inabutan ng muffin. "Di ba dapat baliktad?"

"My, please."

Tumingin si Mommy kay Daddy.

"Sinabi ko na sa inyo to. Ayoko lang na pinagpyepyestahan kayo ng media. Okay lang sana kung ma-repory na nanood kayo ng concert, nagdate kayo. Kaso yung mga pictures. Magkayakap, di mapaghiwalay kamay, magkadikit ang mukha."

"My, mahal ko si Matteo. Gusto ko lang po na ipakita at maramdaman niya yun. Yung mga pagkukulang ko bilang girlfriend niya, nakaka-guilty, My. Kaya hangga't maaari, kapag kasama ko siya, gusto kong sulitin lahat."

Wala na munang nagsalita sa aming dalawa ni Mommy. Gang sa naramdaman ko na lang yung pagbuntong hininga niya.

"Alam kong mahal mo si Matt. Pero, marami pa siyang dapat patunayan. Kung okay man siya sa Daddy mo, hindi mo pa rin maaalis sakin ang magalala araw araw na baka masaktan ka na naman, Anak. Ipinagdarasal ko kayo palagi.", saka tumingin sakin si Mommy. "Sa nakikita ko sayo, magagawa mo na ang lahat para sa kanya."

Hinawakan ko yung kamay ni Mommy.

"My, masaya ako. Sobrang saya ko. Naniniwala ako, na balang araw, makikita niyo yung nakita ko kay Matteo. Sana po, patuloy niyo pa rin akong pagkatiwalaan. Alam ko po yung ginagawa ko."

Ngumiti si Mommy sakin.

"Pero, Nak. Bawasan naman yung, ano ba yun, pagka-clingy ba? Narinig ko sa Ate mo mo minsan. Nasa paligid lang ang tukso. Di ko pa nga napagsasbihan yang si Matt."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon