Sudden Change

3.7K 66 14
                                    

"Nak, ang ikli ng suot mo kanina."

Bungad ni Mommy pagdating ko ng bahay. Nakita ko silang nasa sala nina Daddy at Ate Jo.

"My, may stockings naman po. Kaya okay lang.", saka ako humalik sa kanila.

"Hay naku, Pot. Kung nakita mo lang reaction ni Mommy kanina, lalo na nung part na nakabukaka ka na nakaharap pa mismo sa camera.", natatawang sabi ni Ate Jo.

"Tumigil ka nga, Jo. Totoo naman.", saway ng Mommy niya.

"Nak, bakit nga naman kasi may pagbukaka ka pa? At yung camera man naman talaga, aba loko.", sabi ni Daddy.

"Dy. Ibinagay ko lang yung choreography dun sa kanta. Kaya naging ganon ang kinalabasan.", paliwanag ko.

"Kahit na, Nak. Alam mo naman kami, hindi kami sanay nang nakikita kang ganon.", sabi ulit ng Daddy niya.

Napabuntong-hininga na lang siya saka lumapit sa Mommy at Daddy niya saka humalik sa pisngi. "Sorry po kung di niyo nagustuhan."

"Ayan, pinalungkot niyo naman si Pot, My at Dy. Eh, 26 years old na yan e.", sabi ng Ate Jo niya.

"Jo, tumigil ka dyan!", saway ulit ng Mommy niya sa Ate Jo. "Halika na, Nak. Kumain ka na muna."

Nakatungong sumunod siya sa Mommy niya.

"Kumain ka na, Nak. Tapos magpahinga ka. Magsimba tayo mamayang 6pm.", sabi ng Mommy niya.

"Sige po, My."

Habang kumakain, hindi ko maiwasang isipin na hind nga kaya maganda yung ginawa ko? O dahil conservative lang talaga kami kaya ganon ang reaction nina Mommy at Daddy?

Pero bakit naman si Matteo, okay lang sa kanya?

Pagkatapos kong kumain, naglakad-lakad muna ako sa garden habang hawak si Betty. Pero umakyat din agad ako sa kwarto nang makaramdam ng pagod at saka tumulog.

*tok *tok *tok

Nagising ako nang may kumatok sa pintuan ng room ko. "Po? Come in."

"Nak, magready ka na dyan. Magsisimba tayo.", and Mommy niya. Pero tumalikod din agad ito nang nakitang tumango siya.

Napailing na lang siya. "I'm so Fancy!!", kanta niya. Na parang LSS pa siya sa prod niya kanina. "I'm so Lagot na!!", dugtong pa niya habang papunta sa bathroom niya para magshower.

After niyang magbihis, bumaba na agad ito. Nakita niyang ready na ang Mommy at Daddy niya, pati na rin Ate Jo niya.

"Oh, ayan na pala si Pot.", sabi ng Ate Jo niya.

Tumayo ang Daddy niya para tawagin si Kuya Raul.

"O, tara na. At baka ma-traffic pa tayo.", sabi ng Mommy niya.

Sinenyasan naman siya ng Ate Jo with matching "lagot ka". "Ang cold ng dalawa, ano Pot?"

"Ate naman e. Lalo mo kong pinapa-guilty e.", sabi niya sa kapatid habang palabas sila ng bahay.

"Hayaan mo na, Pot. Nagulat lang sila.", sabi ni Ate Jo.

Hindi na nila naituloy ang usapan nila nang sumakay na sila sa sasakyan.


After nilang magsimba, nagDinner na lang sila sa labas. Nagkayayaan namang manood ng movie after ng Dinner.

"Pot, Annabelle panoorin natin, dali!"

"Huh? Wag naman yun Ate. Wala na bang iba?"

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon