RIOminder

5.1K 82 25
                                    


I heard a knock on my door. I was busy sa pagiisip sa susunod na round ng competition for The Voice Kids at kung paano ko pa ihahanda yung mga young artists ko.

So, nagsalita na lang ako, enough para marinig kung sino man yung kumakatok sa pinto ko.

And then pumasok si Mommy. I noticed na may hawak siyang envelope. I think alam ko na kung ano to. Kaya napabuntong hininga na lang ako hangang makaupo si Mommy sa kama ko.

"My..."

Inabot ni Mommy yung hawak niya sakin. At tama nga ako. Billing statememt ng credit card ko. Pero bakit ngayon lang.

"Ngayon ko lang naalalang dalhin sayo."

Napapikit ako saka nagsalita.

"My, about this, ginamit ko sa birthday gift ko kay Matt, di ko agad nasabi kasi---"

"Wag ka nang magexplain. Its your money, Anak. You can buy whatever you want from your hard-earned money."

Napatingin na lang ako kay Mommy na nakangiti.

"Akala ko pa naman--- Ganon na lang yun, My?", hirit ko pa kay Mommy na nakurot ako ng slight sa tagiliran.

"Ikaw talaga. Andito ako para kausapin ka tungkol sa ibang bagay hindi diyan sa billing statement mo."

Dun ako nagayos ng upo. Nilapag ko muna yung notebook ko saka tumingin kay Mommy.

"Nagusap kami ni Daddy mo. Napanood namin yung ibang interviews mo at statements.."

"And??", pagpapatuloy ko kay Mommy.

"Anak, sabihin mo nga sa akin. Gusto mo na bang magpakasal kay Matt? Handa ka na ba talaga?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Mommy. Saan naman nanggaling yun? Gusto kong matawa, pero seryoso yung mukha ni Mommy kaya napailing na lang ako bago sagutin tanong ni Mommy.

"Mommy.. Saan pa ba nanggaling yun? Bakit niyo po tinatanong sakin yan?"

This time, siya naman ang umiling saka huminga ng malalim.

"Ayaw lang namin ng Daddy mo na ma-misinterpret ka ng ibang tao sa mga sagot mo. Marami na ring nagtatanong sa amin kung may pahaging na ba itong si Matteo tungkol sa pagpapakasal niyo. Hindi naman namin masagot dahil nga sa napapanood nila sa mga interviews mo. Ano bang nararamdaman mo anak, may mga pahaging na bang ganon si Matteo sayo? Napapagusapan niyo na ba talaga ang kasal?"

Hindi ako nakasagot agad. I'm trying to recall all my previous statements and short interviews. Well, hindi ko naman kasi hawak ang mga pagiisip ng press people whenever they ask me. Hindi ko rin kasi maintindihan why they kept on asking me about settling down. Of course, given na yung fact na I'm on the right age. Ideal na nga raw to sa pagpapakasal, but I really don't know.

Tiningnan ko ulit si Mommy na seryoso pa rin yung mukha na naghihintay ng sagot ko. Hinawakan ko yung kamay niya bago nagsalita.

"My, wala po. Inaamin ko, napapagusapan namin ni Matt, pero hindi yung seryoso talaga, na yung tipong sasabihin na, Yes! Handa na talaga tayo. Wala pa sa ganoong stage, My. And besides, I know Matteo well, I'm sure kung may mga pahaging na siya, kayo yung unang makakalam non aside from his family. Alam niyo naman po how much Matteo respects our family. Lalo na kayo ni Daddy."

"Yun nga ang sabi rin ni Daddy. Pero hindi namin nagugustuhan na parang ikaw yung lumalabas na atat magpakasal, Anak. May mga interviews ka na maaaring iba ang tingin ng mga tao. Ang sa amin lang ng Daddy mo, Anak, ingat sa pagbitiw ng salita. Hindi lahat ng tao may malawak na pangunawa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon