Sweetness Overload

4.6K 34 0
                                    


Matteo's POV

I can't believe na naging successful lahat nang pinaghirapan niya. Ang dahilan kung bakit pinili niyang wag munang makita at makasama si Sarah.

Picture dito, Picture doon. Tawanan. Kwentuhan. Lahat nang yun, nakakataba ng puso. Seeing her Sarah na naka-smile all night kasama ang mga taong malalapit sa buhay niya.

"Best boyfriend ever! Bakit ka andyan? Dun tayo."

Hindi niya namalayang nakalapit na si Sarah sa kinatatayuan niya. "Sana napasaya kita, Love. I love you.", pagkasabi nito at hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Sobra! Sobrang saya ko. And hindi enough yung Thank you para ma-express ko kung gano ako kasaya sa lahat nang ito. I love you too, Love."

"You deserve all these, Love."

"Thank you. Pero, halika na, puntahan natin sila. Gusto din nilang magpapicture sa Best Boyfriend Ever ko.", kinindatan niya ito at isinama sa kinaroroonan ng mga bisita.

"Guys, ehem! Sorry to interrupt our non-stop picture-an and chikahan. Pero, 15minutes na lang e, 26 years old na ang pinakamamahal nating si Sarah. Kantahin naman natin siya ng Happy Birthday. At dahil talent mo to, Teacher G, ikaw na ang maglead.", pagkasabi ni Jimmy ay nagtawanan ang lahat. "Chos! Ako na pala at baka magfront leg si Teacher G nang wala sa oras! Oh, ready. Sing!"

Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Dear Sarah! Happy Birthday to you!"

"Love, make a wish, then blow your candles na."

Tiningnan ni Sarah ang Heart-shaped 3 layered cake niya saka nag wish.

"Lord, thank you for another year. Sa blessings. Ganoon pa rin po. Kung iblebless mo pa po ako sa tuloy tuloy na nararanasan ko ngayon at nang pamilya ko, ay patuloy at wala pong sawang pasasalamatan kita. Good health sa akin at sa pamilya ko. Happiness sa akin, sa amin ni Matteo at sa pamilya ko."

Pagka-blow niya ng candles, ay nagpalakpakan ang lahat.

"So, let's party!", announce ni Jimmy sa lahat.

2am na nang matapos ang party. Pagkasakay nila ng sasakyan ay hindi napigilan ni Sarah ang luha niya sa pagpatak. Pinunasan niya agad ito pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Matteo.

Itinigil ni Matteo ang kotse at hinawakan niya ang mukha nito.

"Why, Love? Please, don't cry."

"Hindi ko lang napigilan, Love. Sobra yung saya ko sa ginawa mo."

"Sshhh. Di ba sabi ko sayo, gusto kong maging masaya ka.", nilapit niya ito sa kanya at niyakap. "Stop crying, Love."

"I love you, Love. Thank you for making my birthday more special."

"Marami pang birthdays na pasasayahin kita. Di ba? Umpisa pa lang to, Love.", tiningnan niya ito sa mata at pinahid ang mga luha. "Tama na, okay?"

Pagkasabi nito ay pinaandar na ang kotse para maihatid na si Sarah sa bahay nito.

After 15minutes, nasa tapat na sila ng bahay nina Sarah.

Nagdoorbell si Sarah at maya maya pa ay nagbukas na ang gate ng mga ito. Si Daddy Delfin ang nagbukas.

"Hi, Daddy.", sabay halik nito sa pisngi nito.

"Nagenjoy ba kay, Nak?", tanong nito.

"Sobra po, Daddy.", sagot ni Sarah.

"Matteo, salamat sa paghatid at pagpapasaya mo sa anak ko. Pasok na muna tayo."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon