Miss you like crazy

6.2K 55 0
                                    

Two days.. Two days pa lang nang umalis si Matteo papunta sa U.S. but God knows how I missed him. Im on my way to ABS now for ASAP. I was looking out my car window while holding our couple bracelet on my right arm.

"You should be here." I whispered.

"Nak, okay ka lang ba? May problema ba?", tanong ng Mommy niya.

"Wala, My." matipid niyang sagot.

Pagdating niya sa hallway, maraming tao ang nakangiti sa kanya at nagsasabi ng "Congrats, Sarah." Naalala niya, inamin na nga pala niya sa public na boyfriend niya na si Matteo. Halos nangalay siya ng kakatango at kaka-smile kanina sa paglalakad. Nakahinga lang siya pagdating niya sa dressing room niya.

Ewan ko ba, twice a month na lang siya nag-a-ASAP, pero ang ASAP Staff make sure na may sarili siyang DR. Nakahinga siya nang maluwag nang nakapasok na sila sa DR.

"Wow! Updated sila huh?", sabi niya kay Beyonce na nakaupo sa tabi niya.

"Syempre naman, noh? Nagtaka ka pa girl. Nung di ka pa naamin, ganon na sila. Ngayon pa kaya na umamin na?", sagot ni Beyonce na may kasamang tili. "Imagine, Popstar Royalty, may jowa na.. Sa wakas!", dagdag pa niya.

"Sira ka talaga! Correction, boyfriend ho, hindi jowa.", pagtatama niya kay Beyonce.

"O di boyfriend. Sus!", at tumawa na lang ito.

Naiiling na lang ako kay Beyonce, habang nilalagay ko sa tenga ko ang earphones ng iPad ko. Alam ko kasing mamaya lang tatawagin na ko for rehearsals. Kaya may time pa ko na practice-in mga songs ko para sa tatlo kong prod.

Kumakanta ako ng malakas at di ko namalayang tumatawag na pala si Matteo. Kaya kinulbit ako ni Beyonce.

"O, tumatawag na siya.", sabi ni Beyonce sabay abot ng phone niya.

Nagsmile ako kay Beyonce kaya dali-dali kong inalis ang earphone ko at sinagot.

"Yes, pogi?"

"Tagal naman. Busy ka noh, kaya ang tagal.", pagpapaawa nito kay Sarah.

"Hindi, pinapractice ko lang songs ko. Live kasi today, saka tatlo prod ko."

"What? Kung kelan ako wala? Mahal, galingan mo, este galingan mo lalo. Nakalimutan ko, ikaw ang pinaka magaling na performer!"

"Sus, nambola ka pa! Dedicated sayo lahat yun."

"Aw. I miss you. And nga pala, tell Beyonce, Ms. L, and Sir B na picture-an ka, ah? Para naman makita ko kung gano ka kaganda."

"Hay naku, kung mambola ka, sobra! Don't worry, magkukusa na ko magpicture, ipa-upload ko na lang. Okay?"

"Okay! I love you."

"I love you too.", naramdaman ko sa boses niya na nalulungkot siya kaya nakaramdam din ako bigla ng lungkot. Nang biglang dumating si Teacher G.

"Hi Mommy! Hi Sars!", saka bumeso samin ni Mommy. "Let's go? Rehearse na tayo?"

Binalikan ko si Matteo, "Mahal, magrehearse na daw kami. Ba-bye na, okay? Ingat dyan. I love you."

"I love you too, Mahal."

"Tara na, Teacher?", yaya nito kay Teacher G.

Inuna na muna ang opening number, sunod yung solo prod ko. Nakakapanibago na wala yung makulit kong boyfriend sa gilid na ikinaka-tense ko lagi tuwing nanonood na magrehearse ako. Pasalamat na lang talaga kasi nung hindi ko pa umaamin na kami na, never kaming pinangunahan ng mga staff sa tuwing makikita nila su Matteo kahit wala naman itong guesting. "How I missed you, Matt."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon