Popster Boyfriend

4.3K 31 1
                                    

2am na nang natapos yung family bonding nila slash Birthday party ni Sarah kaya napahaba ang tulog nila. Maliban kay Matteo.

Nagising na siya ng 6:30am. Bumaba ito at dinatnan sa baba ang Mommy ni Sarah.

"Tita, Good morning po.", bati niya sa Mommy ni Sarah. "Uuwi na po ako. Hindi ko na po hihintayin si Sarah magising kasi may taping po kasi ako today. So I need to go home and fix my things."

"Ganon ba, Iho? Bakit hindi ka muna magcoffee at magalmusal muna bago ka umuwi?"

"Salamat na lang po, Tita. Pero sa bahay na lang po siguro."

"O sige, magiingat ka. Ako na lang magsabi kay Sarah na umuwi ka na."

"Ahm, Tita. Okay lang po ba na magiwan ako ng note sa bedside table niya?"

"Sige, walang problema. Hindi naka-lock yun, sinilip ko sila ni Shine kanina e. Akyat ka na lang."

"Salamat po, Tita." pagkatapos ay pumasok siya sa kwarto nito. Tiningnan niya saglit ang itsura nito habang natutulog. "Kahit sa pagtulog, ang ganda-ganda mo, Love.", bulong niya rito bago hinalikan niya ito sa noo at iniwan ang note nito sa ibabaw ng fone nito at saka lumabas ng kwarto.

Nagpaalam na siya sa Mommy ni Sarah. "Tita, thank you po. ALis na po ako."

"Ingat ka."

----------------------------------

Sarah's POV

Pagot at puyat pa siya sa halos 2days na celebration ng birthday niya. Pero kailangan niyang ibalik ang focus niya sa trabaho. Bukas na ang finals ng The Voice Kids kaya buong araw ang rehearsals nila.

May mga commitments na rin si Matt. Kailangan na nilang tapusin yung taping ng movie nila, plus training niya for Ironman, kasi sa September 8 na ito.

Nagpaalam na ito sa note na iniwan niya kanina sa bedside table ko,

"Love, hindi na kita nahintay magising. Need to go home na kasi for my 8am call time. Just want you to know , na nagenjoy ako last night with your family. Good luck sa The Voice Kids Finale. I know, tight ang schedules mo, that's why, I'll miss you, Love. Call, text, facetime na naman tayo nito. I love you. -the One who will give you everything, Matteo"

Napangiti siya nang maalala ang laman ng note nito para sa kanya. Nagstart na silang magrehearse. May kaba, hindi mawawala yun. Pero yung tiwala niya sa talent ng dalawa niyang artists, nadodoon.

Maya-maya pa ay may nagdeliver ng pizza at pasta na kasya para sa lahat. Then her fone rings.

"Hello?"

"I believe andyan na yung pina-deliver ko para sa inyong lahat.", sabi ng taong nasa kabilang linya.

"Yes, Love. And thank you. Baka mamaya, binubusog mo ko, pero ikaw nagugutom diyan ha."

"Kakatapos lang naming kumain nina Luis and Billy. So don't worry, Love. So how's rehearsals? Doing good?"

"Oo, Love. Kinakabahan ako for tomorrow."

"Don't be. You're an awesome coach. And you have an awesome two artists too."

"I know, magaling sila. Thank you sa suporta, Love."

"Anything for you, Love. So, bye for now, Love. Chineck ko lang to make sure na okay ka. Miss you already, Love. I love you."

"I love you too."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon