All is well!

4.8K 31 0
                                    

Matteo's POV

He's trying to comfort himself para hindi na niya damdamin at isipin na galit sa kanya ang girlfriend niya. Titiisin na lang niya hangang sa dumating yung time na maipakita niya rito kung ano bang inayos at hinanda niya para rito.

Iiling iling na kinuha niya ang fone niya. Malungkot na malamang natiis na siya ni Sarah na hindi itext o magpaalam man lang na matutulog na ito.

Pero ang mga text messages na nababasa niya ngayon e nagpangiti kahit papano sa malungkot niyang mood.

"Matteo, pare! Salamat sa invitation. I'll be there! Basta para kay Sars.", galing kay Christian.

"Hey, Matt! I'll be there, that's for sure!", galing naman kay Nikki.

"Matteo, what can I say. You will make her happy talaga. See you!", from Sir Louie.

What a relief! Sabi niya sa sarili. Halos lahat ng close friends ni Sarah, nagconfirm. Enough na to para at least makatulog siya. "This' all for you, My Sarah.".

Sarah's POV

Nagising siya ng 6am. Nag-alarm na siya para sigurado not to be late sa call time niya for her photo shoot for another endorsement.

Ipinikit niya mga mata nya para magdasal. Ito ang hindi niya nalilimutang gawin. After non, chineck niya fone niya,  may text message si Matteo.

"Love, Good morning! Training today with Coach Neo and Ivan. You didn't update me sa schedule mo today, bit it's okay. Just take care, Love. I love you."

Sinadya niyang hindi ito ipaalam kahapon dahil sa inis niya. Pero pinilit niyang i-set aside yung tampuhan nila ngayon. Para rin sa magandang mood niya sa photo shoot later. Nagsimula na siyang magreply rito.

"Good morning. You too, take care. I love you too."

First cold text message for the day. Sinadya niyang wag lagyan ng endearment ang reply niya. Iniwan niya amg fone niya sa kwarto saka nagtungo sa CR bago bumaba.

"Nak, buti naman gising ka na. Ready na breakfast. Kumain ka na.", bungad ng Mommy niya.

"Good morning, My.", sabay halik sa pisngu ng Ina. "My, san si Daddy?", tanong niya dito.

"Ipinapasyal si Betty anak. Ilang beses mo na atang hindi naipapasyal e."

Oo nga. Grabe kasi schedules niya. Hindi na niya mahawakan at malaro ang favorite niyang alaga.

"Oo nga, My. Tara kain na po tayo, sabayan niyo na po ako."

"Sige na, Nak. Kayo na lang ng Ate mo muna magsabay. Ayan na naman, gising na rin ang kapatid mo."

"Good morning, My. Good morning, Pot.", bati ng kapatid niya.

"Sige na, sabayan mo na si Sarah. May photo shoot pa yan."

"Psst. Pot, tahimik mo ata. Wala sa mood?", sita nito kay Sarah.

"Issue ka, Ate. Wala. Kumain ka na lang. Bakit nga pala ang aga mo magising?"

"Di ba nasabi ni Mommy sayo? Ako kasama mo sa photo shoot today e. May lakad daw na importante sina Mommy at Daddy today."

"Ah, kaya pala. Nakakapanibago na maaga kang nagising today.", sabay tawa nitong nangaasar.

"Pot, tigilan mo ko. If I know, LQ kayo ni Matt.", bawi naman niya dito.

Tiningnan siya ni Sarah ng may pagtataka. "Hinanap na naman niya ko sayo?", umiiling na tanong niya sa kapatid.

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon