18

27K 416 16
                                    

LINDSAY'S original plan was to go to the office after visiting Henry. Pero nagbago ang isip niya. She realized she could not face Jared just yet. Wala siyang ideya kung ano ang sasabihin niya dito kapag nagkasalubong sila.

Alam ni Lindsay na hindi naman niya puwedeng pagtaguan si Jared nang matagal. Kakailanganin niyang pumasok. But not today. Sa Lunes na siya papasok. She had three days to let the 'incident' cool down a bit.

Yes, incident. Iyon lang ang dapat na itawag sa pangyayaring 'yon.

Bahala na si Jared na isipin ang gusto nitong isipin pero walang pakialam si Lindsay. She did not have any plans of facing the issue head on, anyway. Not ever. She will let the incident die a natural death.

Nakababa na si Lindsay ng sasakyan nang maalala na hindi pa pala niya nasasabihan si Lena na wala siyang balak pumasok. Inilabas niya ang iPhone niya.

"Good morning, Ma'am," agad na wika ni Lena sa kabilang linya.

"Cancel my one o'clock and three o'clock appointments today. Hindi ako papasok."

"Yes, ma'am," wika ni Lena.

"May naghanap ba sa akin?"

"Si Sir Jared lang po, Ma'am."

Napahugot ng malalim na hininga si Lindsay. "Bakit daw?"

"Wala naman pong sinabi. May ipapasabi po ba kayo?"

"Wala," aniya. "If it's important he can just call me." Alam niyang hindi siya maiilang kapag sa telepono sila nag-usap ni Jared. Ang hindi lang niya kaya ay ang makaharap ito. Not yet. "Anything else?"

"Wala na po, Ma'am."

Itinulak ni Lindsay ang pintuan ng coffeeshop, pumasok at dumiretso sa counter. Agad siyang binati ng isang barista.

"Lindsay? Lindsay Lagdameo?"

Natigilan si Lindsay sa akmang pagbibigay ng order sa cashier. Lumingon siya at ganoon na lang ang gulat nang makita kung sino ang nasa likuran niya.

"Samuel?" It had been years since the last time she saw him. Kaklase niya ito noong high school.

Lumapit sa kanya si Samuel. He opened his arms. "Kumusta ka na?"

The warmth of Samuel's bear hug felt good. "I'm good."

Binitawan siya ni Samuel. Ngumiti. "Mabuti naman. Sorry, hindi ako nakapunta no'ng... you know... when your husband..." He let his voice trail off.

Alam ni Lindsay ang ibig nitong sabihin. "I understand. Nasa malayo ka naman," wika niya. Ngumiti. "Oh, you're looking good, ha." Hindi na siya magtataka kung sasabihin ni Samuel na araw-araw itong nagdyi-gym. Guwapo na noon si Samuel pero mas guwapo ngayon. Mas na-emphasize na ang pagkamestiso nito dahil sa well-toned physique.

"Naligo lang ng konti," wika ni Samuel. "Ikaw din. Lalo kang gumaganda."

Tumawa si Lindsay. "Thank you. Papaniwalaan ko, 'yan."

Lumuwag ang ngiti ni Samuel. "You really should, it's true. Wait, what are you having? Let's order and then we can catch up. You're not in a hurry, are you?"

Umiling si Lindsay. "I'm not. Sige. I'll have a café mocha."

Nang makapagbayad si Samuel ay naglakad na sila palapit sa isang maliit na lamesa. Naupo.

"What are you doing here, Samuel?"

Ngumiti si Samuel. Tiningnan siya nito nang pailalim. "Ah, magkakape?"

Sinimagutan ito ni Lindsay. "I mean here in Manila. Akala ko sa Cebu ka naka-base." Ang pamilya ni Samuel ang may-ari ng isa sa pinakamalaking construction firm sa Visayas.

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now