46

20.7K 439 62
                                    

pati tong isang to, ieedit din kapag isasubmit na for evaluation.

baka tanggalin din.


*************************

MALINIS naman ang washroom para sa mga guest, pero mas madilim at amoy usok iyon. May dinatnan doon si Lindsay na limang babae. Busy ang dalawa sa pagri-retouch ng lipstick. Ang tatlo naman ay nakapila sa tatlong cubicle na nandoon.

"What's taking you so long, Hyacinth?"

Sa narinig na pangalan ay napatingin si Lindsay sa nagsalita. It was the girl on the farthest side of the room.

"Nagpapalit nga ako ng pads, 'di ba?" wika naman ng nasa isa sa mga cubicle. Obviously, the girl in one of the cubicles was the one named Hyacinth.

Hyacinth. Kung hindi nagkakamali si Lindsay, ganoon ang pangalan ng sinasabi ni Jared na ex-girlfriend nito. Pero hindi naman exclusive dito ang pangalan na iyon. At ano naman kung nandito sa Vivid ang ex ni Jared?

Bumukas ang pintuan at lumabas ang isang babaeng hindi katangkaran pero maganda ang mukha. She was fully made-up. She was sexy. Lumapit ito sa vanity countertop at inilapit ang mukha. "How do I look?" tanong nito sa kasama nito.

"You look perfect," wika naman ng kasama nito.

"Perfect enough to get him back?"

"Oo. I'm sure hindi matatapos ang gabing ito na hindi kayo nagkakabalikan. 'Tsaka three weeks pa lang naman since maghiwalay kayo. At sabi mo nga, he's not seeing anybody else. May pag-asa pa."

"Hindi naman kasi, girl, basta-basta ganoon kadaling itapon ang one year 'di ba?"

Inaamin ni Lindsay na ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya sa narinig. Hindi niya maiwasang isipin na ito nga si Hyacinth na ex ni Jared at may balak ito na balikan si Jared ngayong gabi.

"Right. Kaso, girl, meron ka ngayon," wika ng kasama nito. Pabulong pero rinig.

"Oo nga, eh," wika naman nito. "But I'm a girl of many talents." Naghagikhikan na ang mga ito. "Let's go? I'm sure he's still at the VIP room," wika nito at lumabas na ng banyo.

If it was woman's intuition, Lindsay did not know. Pero napakabilis na ng tibok ng puso niya. Tigas ng kakapigil niya sa sarili na lumabas na para puntahan agad si Jared. Ilang lalaki ang nasa Vivid ngayon ang ang ex na Hyacinth ang pangalan?

Tantya ni Lindsay ay ni hindi umabot ang dalawang minuto ang itinagal niya sa cubicle kasama ang paghugas niya ng kamay. Lumabas na siya ng washroom.

Jared was still standing where she left him. Pero may kausap na itong babae. And yes, it was the Hyacinth at the bathroom.

Nakahawak ang babae sa braso ni Jared. Nakangiti. Hindi niya makita ang hitsura ni Jared dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero hindi maiwasang isipin ni Lindsay na gusto ni Jared ang pagkakahawak ng babaeng iyon sa braso nito. Dahil kung hindi, tinanggal na nito dapat iyon.

Lindsay's first instinct was to approach the two and just pull Jared away from the girl. Pero malamang eskandalo ang labas niyon. And she did not have any right to do that.

Noon biglang lumingon si Jared sa kinatatayuan ni Lindsay at nagtama ang mga mata nila. Hindi mukhang nagulat si Jared pero pasimple nitong tinanggal ang pagkakahawak ng Hyacinth na iyon sa braso nito.

Lumapit si Lindsay. Tumikhim siya. Sa kabila ng lahat ng nararamdaman niya, pinilit niyang ngumiti. Nginitian din niya pati ang babae. "I'll go ahead, Jared," wika niya. "It was really nice bumping into you."

Kumunot ang noo ni Jared. "Pa'no ka... pa'no ka pala uuwi?"

Sa totoo lang, gustung-gusto nang sumigaw ni Lindsay. Hindi na kasi siya sigurado kung seryoso ba si Jared at pinapauwi na talaga siya nito nang mag-isa. "Oh, Escobar is waiting for me downstairs. Kanina pa nga text nang text, eh. I'll see you around." Hindi na niya hinintay pa na sumagot si Jared. Pumihit na siya at naglakad na palayo.

She hated herself for doing that. She hated herself for showing weakness. Pero kung hindi niya gagawin iyon ay maiiyak siya sa harap ni Jared.

Her hormones be damned for being seriously out of whack!

Gustung-gusto nang lumingon ni Lindsay para tingnan kung sumunod ba sa kanya si Jared pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang malaman na hindi. Kaya dire-diretso na siyang naglakad pababa ng mezzanine. Palabas ng Vivid.

Nang nasa sidewalk na si Lindsay ay tsaka lang niya pinakawalan niya ang malalim na hininga. Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin gumaan ang dibdib niya.

She was about to take another deep breath when someone grabbed her hand. Napasinghap tuloy si Lindsay. Awtomatiko siyang napalingon. It was Jared.

"Bakit mo ako nilayasan?"

She sighed. "Eh, busy ka pa, eh."

Ikiniling ni Jared ang ulo nito. "Have I told you that you look sexier when you're jealous?

Pinandilatan niya ito. "I'm not jealous!"

Pero parang hindi siya narinig ni Jared. "Ah, oo, nasabi ko na. Sa Tagaytay. And we ended up fucking our brains out with you pinned to the wall."

Pinaikot ni Lindsay ang mga mata niya. "Si Hyacinth 'yon 'di ba?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

Tumango si Jared. "Kaya ka umalis?" Nakangiti ito. She could tell he was teasing her.

Ikiniling ni Lindsay ang ulo. Tinitigan niya si Jared. "Ayoko lang na nagmumukha akong tanga, Jared."

Jared sighed. "Okay," anito. Hinawakan nito ang kamay niya. Hinila siya nito sa isang tabi. "Hyacinth and I... we're over."

Umiling si Lindsay. "I overheard her at the banyo talking to her friend. She said she was planning to give you a head tonight just to get you back."

Tumawa si Jared. "Who says I want her mouth? I only want yours."

Tiningnan niya ito nang masama. "Huwag kang magpa-cute. Seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko ngayon. If we're going to do this, Jared, kailangang dalawa lang tayo."

Pinaikot ni Jared ang mga mata nito. "At 'yan mga kaibigan ay sabi ng isang bata na ang kasabay daw na uuwi ay si Escobar."

Tinampal ni Lindsay ang dibdib ni Jared. "Sabi ko lang 'yon para hindi makahalata ang ex mo. Nakakaawa ka naman kung hindi ka babalikan dahil sa 'kin."

Lumabi si Jared. "Excuses, excuses. Napopogian ka lang siguro talaga kay Escobar."

Kung tutuusin guwapo din naman talaga 'yong si Escobar. Pero sa paningin ni Lindsay, mayroong ibang mas guwapo. "'Di ako napopogian sa kanya." Muli niyang itinulak si Jared.

Pero hinawakan ni Jared ang kamay ni Lindsay na nasa dibdib nito. Kahit nang hinihila na iyon ni Lindsay ay hindi nito iyon binitawan. Bahagya itong dumukwang. "Eh, sino lang ang pogi?"

Pinandilatan niya ito. She knew where he was getting at. "Wala!"

Muling lumabi si Jared. "Sabi mo sa 'kin kanina, 'hi, pogi,' eh."

Sa sinabi nitong iyon ay napatawa na si Lindsay. "Oo na, pogi ka na."

Ngumiti si Jared. "Thank you."

Pinaikot ni Lindsay ang mga mata. "So can we go home now?"

Tumango si Jared. "Yeah, let's do that," anito. Hinila na siya nito.

She pulled him back. "My car is this way." Itinuro pa niya ang kaliwa nila.

Pero umiling si Jared. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila. Ngumiti. Lumapit sa kanya. "Your car is too small for what I have in mind, baby," he whispered then brushed his thumb sensually on the center of her palm.

Pakiramdam ni Lindsay ay tumayo na ang lahat ng balahibo niya.

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now