21

22.4K 479 26
                                    


HINDI na napigilan ni Lindsay ang mapasimangot habang tinitingnan ang damit na nakalatag sa ibabaw ng kama sa hotel room niya. It was a white, halter-necked dress made of light cotton. Walang problema sa haba ng damit dahil aabot iyon sa baba ng tuhod niya. Napapasimangot lang siya dahil alam niyang kapag isinuot niya iyon ay medyo nakikita ang side boobs niya.

Naisuot na iyon minsan ni Lindsay sa Balesin. Perfect talaga iyon para sa pool party ngayon gabi. However, it was not something that she would choose to wear to a party full of people she was not really close to.

But Lindsay did not have any other choice. Iyon lang kasi ang nahalungkat niya sa trunk ng kotse maliban sa ilang jeans at mga T-shirt. At hindi naman puwedeng pumunta siya sa pool party nang jeans ang suot. Baka sabihin ng mga nasa pharmaceutical industry na hindi siya marunong sumunod sa dress code.

Kung bakit ba naman kasi hindi man lang sila sinabihan ng organizers na may acquaintance party pala. Nalaman lang iyon ni Lindsay sa mga kasama nila sa lamesa nang excited na nagkukuwentuhan ang mga ito ng isusuot.

Ayon sa isa, slightly see-through flagpole caftan daw ang isusuot nito para makita ang isusuot nito sa loob na pink and white gingnam print two-piece. Ang isa naman ay magsa-sarong na lang daw at tank-top na puti.

Everyone seemed to be taking the theme seriously. At kung ang pipiliin ni Lindsay na isuot ay ang jeans at oversized shirt niya, siguradong maa-out of place siya. Lalo namang hindi niya puwedeng isuot ang isa sa dalawang business suit na pagpipilian niyang isusuot sa Day Two ng conference bukas.

Ang totoo, ayaw sanang magpunta ni Lindsay sa pool party. Alam kasi niya na mahihirapan na siyang iwasan doon si Jared. Sa seminar kasi kanina ay hindi niya ito kailangang kausapin nang matagal dahil nakakapagkunwari siya na nakikinig sa mga speaker. Kapag coffee break naman ay kung sinu-sino ang nilalapitan ni Lindsay para kausapin. Ni hindi nga sila nagkausap habang nagla-lunch dahil ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan ang isang opisyal ng PDEA at iyon ang katabi niya.

Pero sa acquaintance party ngayong gabi, hindi na malayong magkasama sila ni Jared.

Sa naisip ay natigilan si Lindsay. Bakit nga ba kasi niya iniisip na gustung-gusto rin siyang makasama ni Jared? Lumipas nga ang maghapon kanina na hindi ito gumawa ng effort para makasama siya. At malay ba naman niya kung ayaw din talagang pumunta ni Jared sa pool party. Napipilitan lang ito.

Because it was a party they could not afford to miss. All the important people in the industry would be there. Pati na rin ang ilang mga opisyal daw ng Food and Drug Administration. It would be to their advantage if they rubbed elbows with those high-ranking officials.

Inabot ni Lindsay ang seamless panties at isinuot. Kasunod niyon ay inilagay ang nipple pasties sa dibdib. It was good a thing that she always kept a pair in handy. Inabot na niya ang damit at agad nang isinuot iyon.

Sumulyap si Lindsay sa bedside table. She had fifteen minutes before the party started. Lumapit siya sa may pintuan para tingnan ang sarili sa floor to ceiling mirror na nandoon. Napangiti siya. Hindi naman pala masyadong kita ang side boobs kapag itinali niya nang mas mahigpit ang leeg. Hindi rin kita ang cleavage. Inilapit niya ang mukha sa salamin. Her barely-there make-up looked nice.

Lumapit si Lindsay sa kama. Naupo sa gilid niyon at isinuot ang gold thong sandals. Nang maitali ang ankle straps ay tumayo na siya. Inabot ang pabango at nag-spray. Napuno ang kuwarto ng amoy ng red roses.

Muling tumingin si Lindsay sa bedside table. She had ten minutes. Inabot na niya ang phone at purse. Tinungo na niya ang pintuan.

Hinila ni Lindsay pabukas ang pintuan. Walang katau-tao sa hallway. Napatingin siya sa katabing pintuan. It was the door to Jared's room. Noong mag-book si Lena, magkatabing kuwarto sa fifth floor ang kinuha nito para sa kanila.

Nang maipinid ni Lindsay ang pintuan ay siya namang pagbukas ng pintuan ni Jared. Lumabas ito at nagtama ang mga mata nila.

Agad siyang nginitian ni Jared. Halatang bagong ligo si Jared. Kita pa ang dinaanan ng suklay sa basang buhok nito. He was wearing a pair of knee-length khaki shorts and light blue long-sleeved button-down shirt. Nakatupi ang sleeves niyon hanggang siko at nakabukas ang limang butones kaya kitang-kita ang puting undershirt nito. Oo, bilang na bilang ni Lindsay ang hindi nakasarang butones. Brown slip ons ang sapin nito sa paa. "Bababa ka na?"

Sinuklian ni Lindsay ang ngiti nito. Tipid. Alam niyang makikita niya si Jared pero hindi ganito kaaga. Hindi pa niya naihanda ang sarili niya. "Yeah. You?"

Tumango ito. "Sabay na tayo."

Siyempre hindi naman niya puwedeng sabihing ayaw niya. "Tara," aniya. Naglakad na sila palapit sa elevator. Agad na bumukas iyon nang pindutin ni Jared ang down button.

"Informative ang seminar 'no?" wika ni Jared nang makapasok sila at muli nang sumara ang pintuan.

Tumingin si Lindsay kay Jared. "Oo," maiksing sagot niya.

"Iyon isang speaker lang ang medyo nakakaantok," anito.

Ikiniling ni Lindsay ang ulo niya. "Which one? The German?"

Tumawa si Jared. "Yeah, that one. Siya lang 'ata ang nakakaintindi sa sinasabi niya, eh."

Iyon din ang mismong naisip kanina ni Lindsay. Tumigil ang elevator sa third floor. Bumukas iyon at at nakita niya ang ilang mga kasama nila sa seminar.

Dahil marami ang mga ito, umusod sila ni Jared. Sa dami ng mga ito ay hindi na nakasakay ang dalawa pang kasama ng mga ito.

Hindi magkamayaw ang mga kasabay nila. Noong una ay nasa gilid si Lindsay, pero dahil nasiksik ng mga kasakay nila si Jared, napunta na ang kalahati ng katawan niya sa medyo harapan nito. Alam ni Lindsay na hindi naman sila magkadikit pero ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Jared.

Sumara ang pintuan ng elevator at nagsimula na iyong bumaba. Iyong nasa harapan ni Lindsay, bigla na lang humakbang paatras. Sa gulat ni Lindsay ay napaatras din siya at kasabay niyon ay nanlaki ang mga mata niya. Sigurado kasi siyang mapapasandal siya sa katawan ni Jared.

Pero hindi nangyari ang inaasahan ni Lindsay. Hindi nagkadikit ang mga katawan nila ni Jared. Maagap kasi siya nitong nahawakan. "Easy," wika pa nito.

She did not know if that was good news, though.

Because Jared's left hand landed on her side boob. 

****

Question abangers: tatanggalin ba agad ni JAred ang kamay niya sa boobs? hihihi

Coming up... Jared's POV on the elevator scene.

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now