11

26.5K 499 2
                                    


PAULIT-ULIT ang dasal ng pasasalamat ni Lindsay habang pinapanood ang mga bumberong abala pa din sa pag-check sa bahaging pinangyarihan ng pagsabog. Maliban sa ilang mga gamit na nasunog wala namang malaking damage. Nagkataon din na walang kinukumpuning sasakyan. At ang mas importante, walang nasaktan.

Malaking bagay ang mabilis na pag-responde ng mga fire volunteer. Mabuti na lang din at nasa dulo ng compound ang motorpool area, kundi ay posibleng madamay ang iba pang istruktura.

Like the administration office and the Producion Area.

Napahugot ng malalim na hininga si Lindsay pero kasabay niyon ay nanginig siya. Not because the weather was cold, but because of the terrible things that could have happened. Ang totoo, kanina pa niya nararamdaman ang hindi makontrol na panginginig niya. Kaya kanina pa siya nakahalukipkip at yakap ang sarili.

Isipin pa lang ni Lindsay na maa-abo ang kabuhayan nila ay hinang-hina na siya. Isipin pa lang niyang-

Napapitlag siya nang maramdaman ang telang pumatong sa balikat niya. Nakatayo si Jared sa likod niya. At ito ang nagpatong ng itim na jacket sa likod niya.

"Kausap ko 'yong imbestigador at 'yong Kapitan, napansin kong parang giniginaw ka."

Nginitian ni Lindsay si Jared. "Thank you. What did the fire fighters say?"

"Puwede ka na daw huminga nang maluwag," wika ni Jared. "They're just making sure they won't miss anything. Puwede na nga daw tayong umuwi, eh."

"Are you sure?"

Tumango si Jared. "It's two in the morning. Kailangan mong magpahinga," wika ni Jared. "Don't worry, pagbabantayin ko dito ang buong maintenance team natin. Okay na ba 'yon sa 'yo?"

Ikiniling ni Lindsay ang ulo niya. It was not as if she could do anything if something went wrong. Isa pa, alam niyang hindi papayag si Jared na umalis doon hangga't hindi ito sigurado na maayos na ang sitwasyon. "Then let's go home."

"Wait, have you had dinner?"

After what happened, food was the last thing on her mind. Pero alam niyang hindi siya titigilan ni Jared kapag sinabi niyang hindi pa. "Kumain na ako," wika niya. "Gusto ko nang magpahinga." Pagdating na lang siguro niya sa bahay, kakain na lang siya ng kung ano ang nandoon kapag nagutom siya.

Tiningnan siya ni Jared na para bang inaalam kung totoo ang sinasabi niya. "Then let's get you home."

Tumango si Lindsay. Nagpaalam lang sila sa mga nandoon at naglakad na sila pabalik sa sasakyan nito.

Nang ilang metro na lang ang layo nila sa sasakyan, tumigil sa paglakad si Lindsay. Tumingin siya kay Jared. "Thank you, Jared."

Bahagyang kumunot ang noo ni Jared. "Sa?"

Nagkibit ng balikat si Lindsay. "You know, for being here. Kung wala ka dito, hindi ko alam ang gagawin ko." That was true. She did not have to worry about anything because Jared was beside her.

Lumabi si Jared. "Kung wala ako, kaya mo din 'yon."

Umiling si Lindsay. "No. Really. You asked the right questions. You gave specific and very detailed instructions. You took care of everything. And you're even taking care of me." Sa lahat ng iyon, labis ang tuwang nararamdaman ni Lindsay. His thoughtfulness was heartwarming. Napakasarap sa pakiramdam ang may masasandalan na tulad ni Jared. He really was very reliable and dependable.

Ngumiti si Jared. "Let's get you home." Hinawakan nito ang siko ni Lindsay at iginiya na siya palapit sa sasakyan. He opened the car door for her. "'Pasok na," wika nito.

Agad pumasok si Lindsay sa sasakyan. Isinuot niya ang seatbelt nang makaupo. Sumandal siya. Pumikit. Kahit nang maramdaman niyang buhayin ni Jared ang makina ay hindi siya nagmulat.

"Ayos ka lang ba?" Binuhay nito ang makina.

"Parang ngayon ko naramdaman ang pagod."

"Must be the adrenaline wearing off," wika ni Jared.

"Baka nga."

"Are you sure you don't want to eat?" tanong uli ni Jared.

"Okay lang ako. How about you? Nakapag-dinner ka ba?"

"Kakatapos ko lang din kanina."

Nagmulat si Lindsay. Noon niya nakitang hindi pa pala pumapasok ng sasakyan si Jared. Kung bakit, hindi niya alam. "Hindi pa tayo aalis?"

"May kukunin lang ako sa glove compartment," wika nito.

She moved her legs to the right. Clutch bag ang inilabas ni Jared. Naglabas ito doon ng ilang lilibuhin.

"Are you going to give the guys some money?" Ako na." Binuksan ni Lindsay ang bag niya.

Pero pinigilan siya ni Jared. "Ako na. Pangkape lang nila 'to."

"Jared..."

Tumingin sa kanya si Jared. "It's okay, Lindsay. Konti lang 'to." Then he scratched his brows with his knuckles.

Dahil bukas ang pintuan at nakabukas ang overhead light, nakita ni Lindsay ang uling sa noo ni Jared. Nanggaling marahil sa kamay nito. "Wait," wika niya. Itinaas pa niya ang kamay niya.

Hindi rin naman gumalaw si Jared. Pero bahagyang nakakunot ang noo na para bang hinihintay ang sasabihin niya.

"You have something on your..." Bago pa napag-isipang mabuti, natagpuan na lang ni Lindsay ang sariling naglalabas na ng tissue mula sa bag niya at pinupunasan na ang noo ni Jared.

Hindi niya alam kung sino sa kanila ni Jared ang mas nagulat sa ginawa niya. Pero sa sandaling dumampi ang kamay niya sa noo ni Jared ay 'tsaka niya biglang napag-isipan kung tama bang ginawa niya iyon. Puwede namang kasing sabihin lang niya iyon kay Jared at ito na mismo ang pupunas niyon.

Tumikhim si Lindsay. "May dumi kasi sa noo mo," aniya. Ipinakita niya ang tissue. Itim iyon. "Uling 'ata."

Ngumiti si Jared. "Salamat," wika nito. Tumikhim din. "Sandali lang, ha? Ibibigay ko lang 'to sa kanila."

Tumango si Lindsay.

Nang isara ni Jared ang pintuan ay muling pumikit si Lindsay. Ano na lang kaya ang iniisip ni Jared? Pero agad din niyang pinalis ang nasa utak. Wala namang masama na magpakita siya ng pag-aalala dito. Ito nga ibinigay pa ang jacket nito sa kanya. Inaalalayan siya. Ihahatid pa siya.

Huminga si Lindsay nang malalim. Muling sumandal. Ramdam niya ang pamimigat ng talukap ng mga mata niya. The last thing on her mind before she dozed off was the enticing and comforting smell of Jared's jacket.

****


The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon