34 (Warning: tweetums)

33K 503 35
                                    


*****

"'YONG sinabi mo kay Tita Mildred, how true was that?"

Tumingin sa kanya si Jared. Kumunot ang noo nito. "Alin do'n?" Pumitas ng isang ubas sa hawak nitong tangkay, isinubo.

Nang matapos silang mag-shower kanina, nag-order na lang sila ng room service para sa lunch nila. At ngayon, ilang minuto pagkatapos nilang mananghalian, magkatabi na silang nakasandal sa headboard ng kama. Naka-jeans lang si Jared at walang suot na pang-itaas. Siya, naka-T-shirt at panties lang.

Tiningnan ito ni Lindsay ng masama. "You very well know what I'm talking about Mister Alqueza."

Jared grinned but did not say anything. Muling nagsubo ng ubas.

Pinandilatan niya ito. "What?"

"Buong buhay ko, ngayon lang 'ata ako na-turn-on na may tumawag sa akin ng Mister Alqueza... Sounds really dirty. Ulitin mo nga."

Inabot ni Lindsay ang unan. Inihampas iyon kay Jared. "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo!"

Tumawa si Jared. "Alin nga kasi? 'Yong girlfriend?"

"Ano pa ba? Kung meron, sabihin mo na ngayon para alam ko kung dapat pa ba nating ituloy 'to. I'm not going to have an affair with a guy who is in a relationship."

"Sinabi ko na lang kay Tita Mildred mo 'yon kanina para tumigil na sa kakatanong. Medyo intrigera, eh."

"So, wala nga? 'Yong totoo. Don't you dare lie to me."

"I had one for a year up until last week."

Umawang ang mga bibig ni Lindsay. Nagkuwenta siya sa utak niya. "You had a girlfriend when Vivid happened?"

Mukhang naintindihan naman ni Jared ang ibig niyang sabihin. "We broke-up two nights before that... I think?"

"You think you broke up two nights before Vivid or you just think you broke up?"

Kinamot ni Jared ang batok nito. "Both?" He winced.

Hindi makapaniwala sa Lindsay sa naririnig. "Hindi mo alam kung break na nga kayo?"

Tumingala si Jared. Parang sandaling nag-isip bago tumingin sa kanya. "Eh, sabi niya ayaw na niya akong makita, ano'ng gagawin ko?"

Lindsay would have to admit she really felt uneasy. Kay Jared mismo nanggaling na isang taon ang itinagal ng relasyon nito sa sinasabi nitong girlfriend nito. At ganoon-ganoon na lang 'yon? "You did not even try to win her back?"

"Should I?"

Natigilan si Lindsay. Hindi nga pala niya alam ang dahilan ng away ng mga ito. Alam niyang wala siyang karatang magtanong. At sa tingin niya ay hindi rin maganda na pagkuwentuhin niya si Jared tungkol sa past relationship nito. "Well, I guess, it depends on the circumstances. Bakit nga ba ako nakikialam?"

Nagkibit ng balikat si Jared. "Hanggang doon na lang din siguro kami ni Hyacinth."

So, Hyacinth was the ex's name. Lindsay could not think of an appropriate answer to that. Hindi na lang siya umimik.

"So we're good?"

Tumango si Lindsay. "I guess we are. I just don't want anyone to get hurt with what we have doing."

Umayos ng upo si Jared. "Speaking of getting hurt, I know I was a little rough earlier. Did I hurt you?"

Hindi napigilan ni Lindsay ang mapangiti. "Hindi," aniya. "But Jared, isn't that something that should have happened last night? You, pinning me to the wall? Rough sex in less than three minutes? My God, daig pa natin ang teenagers na may raging hormones!"

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now