52

15.5K 339 76
                                    

hay, daming ganap lately, d tuloy naka-update.

ay naku...

pero eto na. ieedit pa rin o baka tanggalin pa rin at iincorporate sa ibang scene pero ganito na lang muna.

as usual, may tugtog uli sa tenga kanina.

kissing you was not waht i have planned

and now i'm not so sure jsut where i stand.

i was not looking true love.

but now you're looking at me.

you're the only one i can think of

you're the only one i see...

hay naku, lumang kanta. d ko pa naman masyadong feel ang mga lumang kanta. pero it got me in the mood kaya keri na,

dig in, friends...

tell me what you think. talk to me. kelangan ko nga kausap.

*************

***More pa? Please support my newly printed book first hahaaha! Ang lagay, eh.

SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨

by Celine

Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping fee

To order, send me a message with the following info:

Book title
number of copies
Your location

For example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig City

We ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.

Thank you and we hope to hear from you soon! 💖

LINDSAY woke up with Jared's arm draped on her waist. Nakasubsob pa siya sa may leeg nito.

Sarado ang mga kurtina kaya walang ideya Lindsay kung madilim pa rin ba sa labas. At kahit gusto sanang niyang abutin ang iPhone sa bedside table o kaya ay silipin ang alarm clock para tingnan kung anong oras na, hindi niya magawa. Tulog na tulog pa kasi si Jared. Ayaw pa niyang gisingin ito. He needed all the sleep he could get. Napuyat ito sa pagbabantay sa kanya.

Hindi na napigilan ni Lindsay ang mapangiti. Itataas na sana niya ang kamay niya para haplusin ang pisngi ni Jared pero hindi niya itinuloy dahil baka magising ito. It was not easy because even with his eyes closed and with his soft snore, he looked really gorgeous. And this oh-so gorgeous man was so into her. Na sa lahat ng gwin nito ay palaging ang kapakanan niya ang iniisip nito.

Pinigilan ni Lindsay ang mapahugot ng malalim na hininga nang maalala ang pinag-uusapan nila ni Jared kagabi bago siya nakatulog. It was about the past but somehow, Jared managed to navigate the conversation to their current situation. Hindi na lang nagpaparinig si Jared kagabi. Diretsahan na siya nitong tinanong kung puwede na daw ba siya nitong ligawan. Diretsahan na siya nitong tinanong kung kakayanin ba niya itong mahalin uli kagaya noon. And in her vulnerable state, she gave him answers she had not really thought about thoroughly.

Hindi masyadong maalala ni Lindsay ang lahat ng napag-usapan nila. Hindi siya sigurado kung lahat ba ng nasa utak niya kagabi ay nasabi niya. But she remembered Jared smiling so sweetly. Masaya ito sa lahat ng mga sinabi niya.

Because she unwittingly and inadvertently gave him hope.

Sa naisip ay nakagat ni Lindsay ang ibabang labi niya. Hindi kasi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang iyon. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang panindigan ang lahat ng sinabi niya kagabi. She had plans. And hindi niya alam kung kakayanin ba niyang isantabi ang lahat ng plano niya at harapin ang lahat ng takot niya. 

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now