14

23.9K 411 5
                                    


VIVID – that was the name of the club and it obviously catered to Manila's elite. Pagpasok pa lang kanina nina Lindsay ay may nakita na siyang dalawang celebrity. It was the kind of club that had a guestlist. Iyon kahit marami kang pambayad ay hindi ka basta-basta papapasukin kung wala ka sa pre-approved guestlist.

The place was jam-packed. Punung-puno ang dancefloor na para bang hindi kalagitnaan ng linggo. They were dancing to the DJ's mix. Sa dami ng tao ay halos magkakadikit na ang mga nagsasayaw. Pero mukhang masaya pa rin naman ang mga ito.

Of course everyone was happy. Being in a place like Vivid was all about enjoying. Kahit naman matagal na talaga mula noong huling pumasok si Lindsay sa isang club, alam pa rin naman niya ang sayang naidudulot ng pagpunta sa ganoong lugar.

Napatingin si Lindsay sa kaliwa nang may humawak sa braso niya. It was Raven. "Let's go straight to the mezzanine. The party's gonna be at the biggest Skyroom."

Alam ni Lindsay na ang VIP area ang ibig sabihin ni Raven. "How did you meet this manager, again?"

"Oh, I met him in one of those clubs at The Palace. I just can't remember if it was at The Revel or Valkyrie," wika ni Raven.

Hindi naman nagmongha si Lindsay para hindi niya malaman na ang dalawang binanggit ni Raven ang pinakasikat sa mga club sa The Fort.

"Oh, did you know that it's not even called Valkyrie anymore? It's now called Xylo." Nagbuga ng hangin si Raven bago sumimangot. "Of course you wouldn't know."

Malay ba niya? Umigkas ang isang kilay ni Lindsay sa sinabi ni Raven. "Does that make me less of a person?"

Tumawa si Raven. Yumakap ito sa braso ni Lindsay. "I'm just kidding. Just make sure you enjoy yourself tonight, sis. Sayang ang outfit natin."

Lindsay would have to admit that Raven looked classy in the form-fitting strapless little black dress that showcased her lovely cleavage. Siya, pinili niyang magsuot ng kumportable sa kanya. She wore a black wrap-around sleeveless dress with a hemline a little above her knees. Her sandals with sky high heels felt comfortable, too. Pinabayaan lang din niyang nakalugay ang lampas balikat na buhok niya.

Nang makalapit sila sa hagdan ay awtomatikong tinanggal ng bouncer ang cordon na harang para makapasok sila.

"Thank you, Bryan," wika ni Lindsay.

Bahagyang ngumiti ang bouncer. "My pleasure, Miss Raven."

Napamaang si Lindsay. Hindi na siya nagtaka kanina na napakadaming binabati ni Raven pagpasok nila ng club dahil obvious namang party animal si Raven. Pero ang maging first name basis ito sa mga bouncer...

"How often, exactly, do you come here? My God, parang lahat na lang kilala mo. You even know the bouncers."

Hindi itinuloy ni Raven ang pag-akyat sa step ng hagdan. Pinikot nito ang mga mata. "Ganoon katagal ka na lang talagang hindi lumalabas. Noong panahon mo 'ata kasi taga-bugbog lang ng mga nanggugulo ang mga bouncers. Ngayon, my dear friend, kasama na sa work nila ang kilalanin ang mga patrons. O baka naman 'yong mga pretty ones lang like me ang kinikilala nila. I don't know."

Pinaikot din ni Lindsay ang mata. Hindi naman siya pinansin ni Raven. Nauna na itong umakyat. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.

"There they are!" Hindi maitago ni Raven ang tuwa na itinuro pa ang isang bahagi ng mezzanine.

Tantya ni Lindsay ay nasa limampung katao ang nandoon. All well-dressed. Kung sa baba may dalawang celebrities, dito sa taas ay may lima.

"C'mon, I'll introduce you to my friends." Wala nang nagawa pa si Lindsay nang hilain na siya ni Raven palapit sa mga kaibigan nito.  

***

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon