1

59.4K 720 27
                                    


NAPAKUNOT ng noo si Lindsay nang makitang walang tao sa breakfast room. She had been expecting to see her parents. Pero wala doon ang mommy at daddy niya. Imposible namang tulog pa ang mga ito dahil mag-aalas siyete na.

Pumihit si Lindsay.

"Ay, kabayo!"

Kung hindi maagap na nakaiwas ang kawaksing si Odette ay malamang na nagkabanggaan sila.

"Sorry po, Ma'am Lindsay," anito. Hinawakan ang dulo ng damit nito. Yumuko.

Pinigilan ni Lindsay ang mapahugot ng malalim na hininga sa hitsura ni Odette. It was as if Odette was expecting to be slapped or something. And to be honest, it did not sit well with Lindsay. Hindi niya gusto ang ganoong iniaakto ng mga tao kapag nasa paligid siya. Na para bang nakakatakot siya. Totoong hindi siya palaimik, pero hindi naman siya nananakit sa kahit na anong paraan. "It's okay, Odette. No harm done."

Sumulyap kay Lindsay si Odette pero agad din yumuko. "Thank you, Ma'am."

Kung ano ang ipinagpapasalamat nito, walang ideya si Lindsay. "Where's Mom and Dad?"

"N-nasa poolside na po sila, Ma'am," sagot nito. Nag-angat ng tingin pero muli ding yumuko. "D-doon po nagpahanda ng breakfast ang mommy n'yo."

Hindi na matandaan ni Lindsay kung kailan sila huling nag-breakfast sa poolside. "Sige, Odette, thank you."

"Thank you, po, Ma'am," sagot din nito.

Palaging ganoon si Odette. Kahit ito ang may nagawang pabor para sa kanya nagpapasalamat pa rin. Madalas naman ay napapalampas ni Lindsay. Pero minsan, naiinis siya. "Welcome," medyo paangil na wika niya.

Nag-angat ng tingin si Odette. Bakas ang pagtataka sa mukha. "Ma'am?"

"Kapag may nagpasalamat sa 'yo, ang sagot mo dapat, 'welcome,'" wika ni Lindsay.

"Opo, Ma'am," anito. "Thank you, Ma'am."

"Welcome," angil niya uli sabay iling. Tinalikuran na niya si Odette. Mamumuti ang buhok niya dito.

Mabibilis ang mga hakbang na tinungo na ni Lindsay ang direksyon ng likod bahay kung saan naroon ang pool. Napakatahimik ng paligid. Nagi-echo pa ang lagutok ng Manolo Blahnik niya sa marmol na sahig.

Kung sabagay, kahit naman noong maliit pa si Lindsay ay ganoon na rin sa bahay nila. Sila lang naman kasing tatlo ng mga magulang niya at mga kawaksi ang nakatira doon.

Paglabas ni Lindsay sa lanai ay dinig na niya ang tawanan ng mommy at daddy niya. Lumiko siya pakanan at napangiti siya sa nakita. Sinusubuan ng daddy niya ang mommy niya. Thirty six years nang kasal ang mga magulang ni Lindsay, pero minsan ay para pa ring newly-weds ang mga ito kung umakto.

Magkahalong lungkot at saya tuloy ang naramdaman ni Lindsay. Kung sana man lang inabot nila ni Henry ang ganoong edad nang magkasama. Pero maaga siya nitong iniwan.

Napapikit si Lindsay. Naramdaman niya ang paghapdi ng ilong niya, senyales ng namumuong mga luha. Pero bago pa man pumatak ang mga iyon, humugot na siya ng malalim na hininga. Walang maidudulot na maganda ang sobrang pagdadalamhati. Siya rin ang mahihirapan.

Noong una, nahihirapan talaga siyang talunin ang lungkot. Araw-araw siyang umiiyak. Parang palaging may pumipiga sa puso niya. Pero sa paglipas ng mga araw, buwan at taon, nagagawa na niyang i-kontrol ang emosyon. Nandoon pa din ang sakit; sa tingin nga niya ay hindi na iyon mawawala kahit kailan. But after three years, the pain and emptiness had, somehow, became more manageable.

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now