5

29.8K 520 21
                                    


"ANO'NG ibig mong sabihin na hindi ako puwedeng pumunta d'yan sa condo mo? Nasa Grab na ako."

Napapikit si Jared sa sinabing iyon ni Hyacinth. Ipinatong ang ulo sa sandalan ng couch. Hinilot niya ang sentido. "Not tonight, Hyacinth. Marami akong kailangang tapusing trabaho." He was lying. Hindi trabaho ang iniisip niya. Hindi iyon ang gumugulo sa utak niya.

"Promise, I won't get in the way. I can even give you a back rub or something."

Pinigilan ni Jared ang mapahugot ng malalim na hininga. "I need to focus on something. I can't afford any distraction."

"So I am now a distraction? Ako? Distraction?"

Nagbuga ng hangin si Jared. "I'm sorry, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Pagod lang ako," wika niya. "Bukas na lang tayo mag-usap."

Pero suminghal na si Hyacinth. "Ano'ng mag-uusap bukas? I'm not going to talk to you tomorrow, Jared. I'm not going to talk to you ever again."

Iyon ang palaging sinasabi ni Hyacinth kapag may usapan sila na hindi niya ito nasisipot. "I'll make it up to you tomorrow night. Promise." Pinilit ni Jared na maging malumanay.

"Ngayon ang gusto ko, Jared!"

"Hyacinth-"

"'Know what I'm gonna do tonight, Jared? I'm going to go to the club and hook-up with the very first guy I meet. Hindi ako nagbibiro!"

Hindi makapaniwala si Jared sa narinig. "Hyacinth-"

Pero hindi na siya binigyan ni Hyacinth ng pagkakataon na sumagot pa. Pinutol na nito ang tawag.

Napatitig si Jared ang iPhone niya. He could not help but wonder if Hyacinth would really do what she had said. Kayang-kaya ba nitong gawin ang ganoon? Bahagyang nakaramdam ng guilt si Jared dahil na-realize niyang wala siyang pakialam kung gawin nga ni Hyacinth ang sinasabi nito. O baka dahil masyado lang gulung-gulo ang isip niya. May mabigat kasi siyang pino-problema.

Iyong pinag-usapan nila ni UGL kanina.

Muli ipinatong ni Jared ang ulo sa sandalan. Sa meeting nila ni UGL kanina, sinabi na naman nito kung gaano kalaki ang tiwala nitong magagampanan niya nang maayos ang tungkulin niya sa kompanya. Na naniwala itong dahil sa kanya ay lalong lalago ang negosyo.

And then UGL dropped the bomb. Anakan daw niya si Lindsay.

Yes, that was the exact word that his boss had used. Anakan. Hanggang ngayon ay napapangiwi pa rin si Jared sa ginamit nitong termino.

Alam ni Jared sa puso niya na hindi binabastos ni UGL ang sarili nitong anak. Masyado na lang siguro itong desperado. Nang sabihin nito sa kanya kaninang umaga ang tungkol sa problema nito at ni Lindsay, hindi niya inaasahan na iyon ang naisip nitong solusyon. Na siya pala ang sinasabi nitong solusyon.

Pumikit si Jared at nanariwa na naman sa isipniya ang napag-usapan nila ni UGL. 

******

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon