10

26.8K 425 3
                                    


PAGPASOK ni Lindsay sa loob ng kuwarto niya ay agad siyang naupo sa gilid ng kama. After kicking her three-inch stilletos, she flexed her toes. Miyerkules pa lang pero pakiramdam niya ay Biyernes na. Hindi kasi maubus-ubos ang mga meeting niya. Pakiramdam niya ay drain na drain na siya.

Lindsay knew that only a long, luxurious bubble bath can make her feel better. Pero kailangan muna niyang magpahinga sandali kaya humiga siya. At hindi na niya napigilan ang mapapikit nang lumapat ang likod niya sa kama.

Tumagilid si Lindsay. Hinila niya ang isang malaking unan. Yayapusin na sana niya iyon nang mag-ring ang iPhone niya.

Lindsay groaned but she did not move an inch. She was determined to just ignore the call. Muli na lang siyang pumikit.

Pero patuloy lang ang naging pag-ring niyon. Natapos ang tawag, pero umulit.

Napahugot si Lindsay ng malalim na hininga. Umikot siya, inabot ang iPhone at napakunot ng noo. It was Jared.

Bilang lang sa daliri ang mga pagkakataong tinatawagan siya ni Jared kapag hindi na oras ng trabaho. Sinagot niya ang tawag. "Hi, Jared!"

"Nasa bahay ka na?" He sounded curt.

Hindi man lang nag-'hello' si Jared. Ni wala ang inaasahan ni Lindsay na paghingi nito ng pasensya sa pagtawag nito. Pero nagtataka man ay sinagot niya ang tanong nito. "Kakadating ko lang. Why?"

"I'm about ten minutes away from your place. I'll pick you up. We have to go back to the office."

Ganoon na lang ang naging pagsikdo ng dibdib ni Lindsay. Napatayo na siya. That was the very first time that Jared asked her to go back to the office. At gabing-gabi na. Ibig lang sabihin ay may hindi magandang nangyari. "Why, what happened?" Kahit gabi ay operational ang planta. May mga empleyado doon. May mga puwedeng masaktan.

"Calm down. Everything is under control," wika ni Jared. "May sumabog daw sa may Motorpool. I don't have the details yet. Hinihintay ko ang tawag ng plant manager."

Bahagyang napayapa ang kalooban ni Lindsay dahil hindi sa production area. That was the heart of the operations. "Is anybody hurt?"

"Wala daw," wika ni Jared. "Wala rin daw masyadong damages but I have to go and check. I know you would also want to do the same."

"Bakit hindi nila ako agad tinawagan?"

"Ako na lang daw ang tinawagan para ako ang magsabi sa 'yo. Baka daw kasi mag-panic ka."

Magpa-panic talaga si Lindsay. Hanggang ngayon nga nanginginig pa rin ang mga tuhod niya. "Magkita na lang tayo do'n," wika niya.

"No, just wait for me. Gabi na. Madilim na sa Sumulong. Just meet me at the driveway in four minutes."

Hindi na binigyan si Lindsay ni Jared ng pagkakataon na makasagot pa. Pinutol na nito ang tawag.

Lindsay's unit was on the twenty-third floor. It will take her three or four minutes to get to the building lobby and few seconds more to reach the driveway. Wala na siyang oras pa kahit shower lang.

Habang naglalakad papunta sa walk-in closet ay inaabot na ni Lindsay ang zipper ng bestida niya. Nang matanggal iyon ay ibinato na niya iyon sa hamper. Naka-undies na lang na lumapit siya sa rack kung saan maayos na naka-hanger ang mga jeans niya. Basta na lang siya humila ng isa. It was a pair of mid-rise skinny jeans. Lumapit siya sa kabilang rack at kumuha ng isang dark blue na roundneck baby Tee. It had short sleeves. Habang isinusuot niya ang inabot na loafers ay tigas ng kakadasal niya na sana nga ay tama ang impormasyong nakuha ni Jared at wala talagang nasaktan.

Bumalik si Lindsay sa kuwarto at kinuha ang iPhone at ang bag niya. Mabilis na siyang lumabas ng unit at tinakbo na ang elevator.

Habang naghihintay ng elevator ay pinindot ni Lindsay ang numero ng Plant Manager. The line was busy. Isinunod niyang tinawagan ang numero ng guardhouse. Busy din. She considered calling her dad but quickly decided against it. Mamaya na lang, kapag kumpleto na ang impormasyon niya. Ni hindi siya sigurado kung nakalapag na ba ang mga ito.

Bumukas ang elevator. Dali-dali nang pumasok si Lindsay. Nang sumara ang elevator ay napatingin siya sa replekson niya sa pintuan. Her hair was a mess. Marahil dahil sa mabilisan niyang pagbibihis.

She fished out a pen from her bag. Ipinusod niya ang buhok. Bahagya siyang napasimangot nang makitang umangat ang T-shirt at nakita ang tagiliran niya. Nakalimutan pa naman niyang magdala ng cardigan.

Pero wala nang oras para bumalik siya sa unit. Nanghinayang siyang hindi ang sasakyan niya ang gagamitin. May mga damit siya doon.

Sinuwerte si Lindsay na wala nang iba pang sumakay sa elevator kaya mabilis siyang nakarating sa baba. Lakad-takbo niyang tinungo ang main entrance ng building.

Nakita niyang naka-park na doon ang itim na FJ Cruiser ni Jared.

Bumukas ang pintuan ng driver's side at lumabas si Jared. Umikot ito at binuksan ang pintuan para sa kanya.

"Thank you," wika ni Lindsay at agad nang pumasok sa sasakyan. Nang isara ni Jared ang pintuan ay isinuot na niya ang seatbelt.

"What happened?" tanong ni Lindsay nang makaupo si Jared sa harap ng manibela.

Pinausad na ni Jared ang sasakyan. "Ni-review nila ang CCTV. Nakita daw si Larry na naninigarilyo malapit sa drum ng mga langis."

Nanlaki ang mga mata ni Lindsay. The plant was supposed to be a no-smoking compound. Istrikto nilang pinapatupad iyon. "The mechanic who forgot to put back your radiator cap?"

Ilang buwan na rin ang nakakaraan, biglang umusok ang hood ng sasakyan ni Jared habang nasa highway ito. Nang tingnan, nakitang hindi pala nailagay ang takip ng radiator kaya bumubulwak na ang tubig. Mabuti na lang at hindi nag-overheat ang sasakyan. "Oo, siya."

"Dapat talaga no'n tinanggal na lang siya." Nabigyan lang noon ng red tag memo si Larry dahil sa negligence nito. "Hindi na ako papayag ngayon na hindi siya ma-terminate."

"I'll talk to HR," wika ni Jared.

Lindsay spent the next few minutes talking on the phone. She called her secretary. She called the plant manager. She even called the head of security.

Nang wala na siyang maisip na tawagan, tumingin siya kay Jared. "Should I call my Dad?"

Sumulyap si Jared "Let's get all the details first."

Tumingin si Lindsay sa dinadaanan nila. Tantya niya ay wala nang isang kilometro ang layo nila sa planta. "Yeah, I guess you're right. Baka magpanic pa siya."

Ilang sandali pa ay lumiko na si Jared mula samain highway. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw na ang truck ng bumbero.

***

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now