4

40.5K 729 6
                                    

"OH, my, God, Lindsay! For real? Your mom and dad talked about semen and ejaculation over breakfast? Seryoso ka?"

Napahugot ng malalim na hininga si Lindsay sa sinabi ng kausap sa telepono na si Raven. "Nababaliw na talaga sila," wika niya.

"I know, right! I mean, semen's okay. And I've told you before that I swallow, right? Pero-"

"Eew, Raven, puwede ba!" Nanlalaki ang mga matang putol ni Lindsay sa sasabihin ni Raven. Sanay na siya sa pagiging bulgar nito at prangka, pero alas-nuwebe pa lang ng umaga. May hangganan ang naturalesa niya sa ganoong mga bagay.

Pagdating ni Lindsay ng opisina kanina ay agad niyang tinawagan si Raven. Ito lang kasi ang puwedeng makinig sa mga rant niya. Aside from being her assistant for ten years, Raven was also her bestfriend.

"Okay, okay, erase-erase na 'yon," anito. "Pero paano? I mean paano nila isiningit ang in-vitro sa kuwentuhan?"

Humugot si Lindsay ng malalim na hininga. "Okay lang naman no'ng una. Usual stuff lang like gusto daw nila na magkapamilya ako. Para daw maging happy ako. Gusto daw akong ireto sa Podiatrist. Just being my normal, nosy parents."

"Podiatrist naman ngayon? Ano na nga 'yong last? 'Yong basurero?"

Tumawa siya. "May-ari naman ng mga Hazardous Waste Treatment Plants."

"Pareho na rin 'yon," wika ni Raven. "And of course, you told them you did not need a man to be happy?"

Kahit hindi siya nakikita ni Raven ay tumango si Lindsay. "Of course," aniya. Iyon naman kasi talaga mismo ang sinabi niya sa mga magulang niya. "Akala ko, end of discussion na. And then they dropped the bomb." Humugot si Lindsay ng malalim na hininga at ikinuwento na ang buong pangyayari. Matiyaga namang nakinig si Raven.

"Pero girl, huwag kang magagalit, ha?" wika ni Raven nang matapos siyang magkuwento. "It's been three years since Henry left. Paano kung may makilala ka tapos magustuhan mo."

Lindsay sighed. "You very well know what my answer will be."

"Baka naman nasasabi mo lang 'yan kasi wala kang nakikilala?"

Umiling si Lindsay. "I can't imagine myself being with another man."

Bumuntong-hininga din si Raven. "Hay naku, si Henry naman kasi... Gone too soon talaga. 'Di ka tuloy happy ngayon."

Napapikit si Lindsay sa sinabi ni Raven. Si Raven lang ang may lakas ng loob na magsabi ng ganoon sa kanya.

Sino ang mag-aakala na ganoon kaagang mawawala si Henry? He lived a healthy lifestyle. Pero dahil sa isang lasing na driver ng truck, sa isang iglap ay nagtapos ang lahat ng pangarap nila na bumuo ng isang pamilya.

Nadala naman si Henry sa ospital. He fought for a good three days. Three heart-wrenching days. At hindi na yata kahit kailan makakawala si Lindsay sa trauma na idinulot sa kanya ng pananatili nilang iyon sa ospital. At the Intensive Care Unit to be exact.

She stopped watching Grey's Anatomy, her favorite TV series, after the tragedy. Hindi na niya kayang makakita ng mga taong naka-hook sa mga ventilator.

Natatandaan pa ni Lindsay kung paano niya humagulgol nang i-discuss sa kanya ng limang doktor ni Henry ang tungkol sa DNR - Do Not Resuscitate - pagkatapos ng unang cardiac arrest ni Henry. Hindi lang pala siya basta humagulgol. Pakiramdam niya noon ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Ipinaliwanag sa kanya ng mga doktor na sa Glasgow coma scale ay fifteen ang highest score ng isang gising na gising na tao. But Henry... he only scored three. Meaning, he was totally non-responsive. He could no longer open his eyes, there was no verbal response from him as well as motor response. He was just lying there in his hospital bed hooked to all sorts of scary-looking machine.

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon