53

18.1K 342 38
                                    




***More pa? Please support my newly printed book first hahaaha! Ang lagay, eh.

SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨

by Celine

Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping fee

To order, send me a message with the following info:

Book title
number of copies
Your location

For example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig City

We ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.

Thank you and we hope to hear from you soon! 💖

*******************

MULA sa kinatatayuan ni Lindsay na balkonahe ng casita ay kitang-kita niya ang pool. Dahil sa binuksang mga malamlam na ilaw sa paligid at may ilan sa mga iyon ang nagre-reflect iyon sa tubig.

The view was breathtaking. It looked magical. Pati kasi ang mga bilog na ilaw na nakasabit sa mga punong bukas na rin.

Ang unang pumasok sa isip ni Lindsay nang sabihin sa kanya ni Jared na mayroon itong paupahang resort sa Laguna ay iyong tipikal na itsura ng private pool for rent. Iyong may rectangular pool na may mga puting tile na may blue tile grout, may isang maliit na modernong bahay na may dalawang kuwarto kung saan puwedeng mag-overnight ang mga rerenta at iyong may medyo maluwag na bahagi kung saan puwedeng mag-party ang mga bisita.

Kaya ganoon na lang ang gulat ni Lindsay kanina nang itigil ni Jared ang sasakyan sa tapat ng isang malaking itim na wrought-iron gate. Pero nang tuluyang bumukas iyon ay napanganga na lang siya.

The place was a haven! It was obvious that a professional took care of the landscaping. Berdeng-berde ang paligid. The flowering plants were strategically located in between the luscious greens.

The big infinity pool was rectangular alright, but there were no white tiles with blue tile grout. Nang hawakan niya ang tubig sa pool, medyo mainit-init iyon. Hindi na siya nagulat. That part of Laguna was famous for its hot springs. Dahil sa Mount Makiling.

There were four cabanas with billowing white sheer curtains a few meters away from the edge of the pool. Sa bawal cabana ay may isang malaking daybed.

Tantya ni Lindsay ay nasa sampung metro ang layo ng tatlong casita sa isa't-isa. The one they were occupying was the biggest. It had one king-sized bed and a huge bathroom. Kumpleto sa gamit.

"I'm thinking of putting up a slide. What do you think?"

Nilingon ni Lindsay sa Jared. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Itim na board shorts lang ang suot nito. He was shirtless. May bitbit itong isang bote ng wine at dalawang wine glass. "Huwag na. Makakasira sa view." Hindi na magmumukhang natural kapag may paikot na slide.

"Sabagay," wika nito. "Ready ka nang mag-swim?"

Tiningnan niya ang sarili niya. She wore an off-shoulder turquoise sheer caftan that did not quite reach her knees over her white lace-up bikinis. May tali iyon sa may baywang. "Yes."

"Then let's go?"

They started walking towards the pool. "Ganito na ito nang mabili mo?"

Tumango si Jared. "I just had to spruce it up a little. Napabayaan, eh."

"Bakit binenta ng may-ari?"

"Ayon sa tsismis, nalugi daw sa negosyo. I don't really know."

"Ikaw ang nagpangalan?" Nakarating sila sa isang cabana. Naupo si Lindsay sa steps.

The Widow's Peak (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon