Understanding

3.7K 74 4
                                    

*knock *knock *knock

"Pot? Si Ate Jo, to. Pwedeng pumasok?"

Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang kapatid. "Ate."

"Umiyak ka, Pot? Anong problema?"

"Wala to, Ate.", saka naglakad papunta sa kama niya at humiga.

"Pati ba naman si Ate, paglilihiman mo pa? Pot, anong problema?"

Hindi muna siya nakapagsalita. "Ate? Hindi ko kasi maintindihan e."

"Ang alin?"

"Mas naiintindihan ko yung reaction nina Mommy at Daddy bout sa prod ko. Pero yung kay Matteo, hindi e."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Akala ko, okay lang, kasi di ba, tinawagan pa niya ko kahapon na nagustuhan niya tapos kanina, biglang sasabihin niya na sobra yung prod ko na hindi magandang tingnan sa mata ng mga tao, lalo na sa mga lalaki."

"Pot, baka naman nag-o-over react ka lang. Hindi sila sanay. Well, sina Mommy, alam mo naman yun, di ba?" saka humiga sa tabi niya. "Alam mo bang hinihintay ka ni Matteo sa baba kanina pa?"

"Ayoko na muna siyang makausap, Ate. Hindi kasi maganda yung paguusap namin kanina e."

"Naiintindihan kita, Pot. Pero, ano bang sinabi pa niya sayo?"

"Sabi niya, hindi niya gusto yung prod ko. Na too much daw ang performance ko. Na napasobra, hindi magandang tingnan. Lalo na na nga daw sa mga mata ng lalaki. Na ayaw niya kong pinagpyepyestahan."

"Napaka-posessive naman pala ng boyfriend mo, Pot."

"Yun na nga, Ate e. Kilala mo ko when it comes to performing, bigay lahat."

"I know, right, Pot."

"Hindi sa binabalewala ko yung reactions and feelings nila. Pero di ba, Ate. Ito yung gusto ko, yung mahal ko. I owe my success to my fans, sa viewers kaya nga nagkaron tayo ng ganitong buhay. Kaya gusto ko lang mabigay yung pinaka the best ko, Ate."

"Alam ko, Pot."

"Pero hindi nila maintindihan yun. Ano bang akala ni Matteo, sinasadya kong magGaganon don. Nagkataon lang na kailangan kong iproject yung kanta."

"Inabot na naman ng insecurities niya at pagiging seloso."

"Ate, siya lang ba? Eh, bakit ako, yung mga kissing scenes niya, tinatanggap ko at inintindi. Kasi alam ko, trabaho niya yun. Gusto niyang mabigay lahat para sa role niya. Wala naman siyang narinig sakin e. Sinusuportahan ko nga siya. Pero siya, inuuna niya yung selos niya."

"Hay, Pot. Haba ng hair mo. Ramdam ko, kahit na ikli pa rin ng buhok mo.", saka tumawa. "Pero, Pot. Intindihin mo na lang ulit, baka naman kasi----"

"Kasi ano, Ate?"

"Baka naman, bothered lang siya sa mga admirers mo."

"Huh? Ate, ikaw, alam mo, dami mong alam."

"Oh, bakit? Di ba totoo naman? May nakakalusot ngang flowers, di ba?"

"Ate naman."

"A, basta, Pot! Bumangon ka na, bumaba ka na, at tapusin mo na ang sadness ng jowa mo."

Hindi ako umimik.

"Pot, dali na. Kawawa naman si Matt e."

"Fine! Bababa na ko."

My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon