Chapter 23

5.5K 119 7
                                    

DANIEL POV


Sabado ngayon at dahil dun, nandito lahat ng barkada, eh ako? eto at nakalupasay sa kama ko habang nakikinig sa Ipod ko.

Lahat ng barkada which means nandito din sina Hannah, Janine at Sae. Nandun lahat sila sa living room at masayang nagkukwentuhan. Wala kasi ako sa mood, medyo nahihirapan pa din ako makapag move-on sa nangyari na sagutan namin ni ice.

Tapos may dinagdag pa siyang "Wala na, naubos na" Eh ano yun? >____< kainis! Kahit isang hint wala man lang akong makuha. Tapos isa pa, ano yung akala niya pwede? SHIZUUUUU.

Hay buhay, napaka gulo. Muntik ko nang makalimutan na kasali na nga pala ako sa cheersquad, dapat ba akong matuwa?Ayaw nga ni Ice na sumali ako dun.PAKINSYEHT. >___> Bat ba si Ice ng si Ice? Pwede bang si... uhm.. si RAJ na lang! Yun.

=_______=

*Rawr*

Yun ang sinasabi ng tiyan ko, TT___TT Gutom na pala ako. Bababa ba ako?Hayyyys. Wag na lang pala, tiyaga tiyaga muna sa gutom.

TIYAN: PAKAKAININ MO BA AKO OR WHAT?!! PUNYETA KANINA PA AKONG NAGPAPARAMDAM SAYO! HOY DANIELLA MAG MOVE ON KA NA NGA SA MGA SINABI NI ICE! LINTEK PATI AKO NADADAMAY! ISA PA AT PAABUTIN KO TO HANGGANG SA MATIGOK KA NA!!!!

Yan na nga ba ang sinasabi ng tiyan ko. =____= Anyway wala akong magagawa kundi ang pumunta sa kusina at doon lumamon.

Lumabas ako ng kwarto pero rinig na rinig ko ang ingay nila.

"Hoy Lance, panalo na ako, laki na ng utang mo sa akin! Magbayad ka na nga, nakakahiya ka kay Janine!" Raj

"To naman OA, sige mamaya, mananalo din ako tiwala lang, teka teka Dars, wag mo ngang kunin ang piattos ko" Lance

"Damot! Janine penge nga!"Dars

"Ayaw ko! Belat! Kay Tano kay humingi!"Janine

"Hoy wag mo nga akong matawag na Tano, Flatty booby!" Tano ah este Kyohei

"Kyo, wag mong ganyanin si Janine, dalawa kami ni Keith dito" Lance

"Bahala kayo!"Kyohei,

Nagkatinginan lang si Keith at Janine. May something ata sa dalawang to ah.Well bumaba na din ako, napansin ako ni Dars pero patuloy lang sila paglalaro nung card. Ewan ko kung anung tawag dun.

Nagulat na lang ako sa nakita ko sa kusina, kaya pala hindi ko sila nakitang dalawa sa living room, si Hannah at si Ice, pareho silang nakatayo at alam ko, nag uusap sila. Napatingin silang dalawa sa akin, ngumiti naman si Hannah pero si Ice, lumihis lang siya ng tingin.

"Daniel!! Bakit di ka sumasali sa amin dun? Minsan lang tayong magka sama sama ah" tapos nagpout pa siya.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now