BUNOS CHAPTER 35: FLASHBACK

4.1K 93 16
                                    

Nathan's pov:

Pupunta kami ng mall ngayon ni pangit kasi e hahanda na namin yung kasal namin pero hindi pa namin alamn kung kailan mangyayari. We're living each other na. Hindi naman kalakiham yung bahay namin simple lang pero maganda. Parang siya yiieee :)

"Asungot!! Kunin mo nga yung bag ko sa kwarto ko!!" Sigaw ni Jammy nasa labas kasi siya ng bahay inandar yung kotse habang ako nandito pa sa kwarto ko kakatapos lang magbihis.

"Okay!!" Sagot ko

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto niya kinuha ko yung bag niya na nasa kama niya nakapatong nung kinuha ko yung bag niya ay napansin kong may nahulog na papel galing sa bag niya. Kinuha ko ito at tiningnan.

Nagulat ako sa nakita ko bigla nalang akong napaluha tae nababakla na yata ako.

Yung papel na nahulog ay hindi pala isang papel kundi isang litrato at ang laman ng litrato ay yung kaming dalawa ni Jammy mga bata pa kami.

Sabi ko na eh!! Siya si Jam my childhood bestfriend. I thought patay na siya she survive pala.

"Woyyy asungot ang ba't ang tagal m--"

Napalingon kaagad ako sa kanya na may mga luha sa pisngi ko after 10 years saka ko lang nalaman na siya pala yung best friend ko. Napatingin kaagad siya sa photo na hawak ko.

"Bakit di mo sinabi sakin??"

Agad siyang lumapit sakin at niyakap.

"I'm so sorry Nathan na di ko sinabi sayo after the accident nagkaroon ako ng amnesia almost 4 years ako nawalan ng alaala ganito kasi yung nangyari kinwento sakin ni dad." Sabi niya

FLASHBACK

EUNICE'S POV:

"Mom san ba tayo pupunta??" Mangiyak ngiyak kong tanong

"Aalis tayo baby tayo ng kuya at papa mo." Sabi ni mom

"Pero bakit?!! Maayos naman dito ah!"

"Basta anak sumunod ka nalang samin ng mom mo. Jake tulungan mo yung bunso mo na mag impake sa gamit niya." Sabi ni dad

"Opo dad." Sagot ni kuya

Agad lumapit si kuya sakin at tinulungan akong mag impake.

"Kuya natatakot ako." Naluluha kong sabi sa kanya

"Sshh wag kang matakot Klesh nandito lang ako ni dad at mom." Sagot niya

Agad kaming pumunta sa kotse. Nung lumabas na ako sa bahay ay nakita ko si Nathan nakatingin samin na may bahid ng pagtataka sa mukha. Nakasakay siya sa kanya bike. Dali dali akong lumapit sa kanya.

"Jam saan kayo pupunta?" Tanong niya

Sa tanong palang niya ay napaiyak na kaagad ako..

"B-ba't ka umiyak??" Pagtatakang tanong niya

"E-eh kasi Nathan.. A-aalis na kami lilipat na kami ng bahay." Sabi ko

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit?" Naiiyak niyang tanong

"Hindi ko alam."

"Iiwan mo na na ako??" Tanong niya nag simula nading pumatak yung yung mga luha niya.

"Nathan a-ayaw kitang iwan pero wala akong magawa."

"Klesh!!! Hali ka na!!" Sigaw ni dad

"Opo!!" Sagot ko

Tinutukan ko sa mata si Nathan at niyakap ko siya ng mahigpit

"Mag iingat ka Jam ha?? Mamimiss kita" sabi niya

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now