AMKSA Chapter 21:

4K 104 0
                                    

Nathan's pov:

Pagkatapos ng klase namin ay dumeritso kaagad ako sa gymnasium..  Nainis parin ako sa pangit na yun... iniwan ba naman ako kanina?? Psh!! Nandito siya ngayon sa likod habang dala dala yung mga libro ko.. hindi pa rin maipinta yung mukha niyang pangit..

"Oy pre!! Long time no see!!" Bati sakin ni Bryan sabay akbay sakin.

"Anyare ba ba't ka absent ng isang linggo??" Tanong ni Flix

Hinunad ko yung damit ko at nagpalit ng jersey ko.

"Ito kasing Kim nato nagkasakit kaya dinala ko sa hospital baka matuluyan at ako pa ang masisisihan pagmatuluyam tong babaeng to.. " sabi ko sa kanila.

"Hahaha ang harsh mo naman pare..kahit pangit yang si Kim babae pa rin yan.  " sabi ni Henry

"Ehem kailan ka pa nagkaroon ng awa sa babae Henry??" Tanong ni Bryan.

"Haha wag mong sabihing may gusto ka kay Kim??" Sagot ni Flix.

Binatukan niya si Flix kaya napaaray ito.

"Hahaha tengene ako magkakagusto sa kanya no way!! May respeto lang ako.. haha" sagot niya.

"Hahaha himala siguro pre kung magkakagusto ka sa Pangit na yun" sagot ko.

"Sige na praktis na nga lang tayo" pagpatuloy ko. 

Ilang oras ang lumipas ng pagpapraktis namin ay napansin kong wala na si Kim sa inuupuan niya. San na naman kaya pumunta yung pangit na yun.

Ilang sandali ay tumigil na kami sa pagparaktis.

Kinuha ko yung extra shirt ko sa bag at nagpalit.

Kinuha ko yun mga libro ko. Tsk! Nasan na naman kaya yung Kim na yun.
Hinanap ko siya kung saan saan halos maikot ko na ang campus pero walang Kim ang nakita ko.

Hayy nako!! Talaga yung babaeng yun pinapahirapan ako. Papunta ako sa park bahala. Siya diyan iiwan ko na yung pangit na yun. Nung papunta na ako sa park ay nakita ko siyang nakatayo at nakatalikod na parang may tinitingnan.. kaya binilisan ko ang paglakad ko.

Ito nanaman yung weird side ng babaeng to.

"Hoy Pangit!! " tawag ko sa kanya.

Jammy's Pov:

Nagulat ako ng biglang tumawag sakin si Nathan. Kaya agad agad kong binaba yung kamay kong may hawak ng baril at agad agad humarap sa kanya at dahan dahang nilagay ko yung baril sa likod ko.

"Ano bang ginagawa mo dito huh?? Alam mo bang hinanap kita kung saan saan.  " sabi niya.

"Wala nangpapahangin lang bawal ba yun?? At isa pa di ko naman sinabi na hanapin mo ko eh psh! " sagot ko

"Aba't!! Dapat nga magpasalamat ka dahil hinanap pa kita kaysa iwan kita dito. " inis na sagot niya.

"Duh!! " at agad akong pumasok sa kotse niya.

Napatitig pa rin ako sa likod ko dun sa tinutukan ko ng baril kanina. Alam kong may matang nakatingin dito ngayon. Alam na talaga nila ang bawat kilos namin. Kaya kailangan ko talagang maging handa.

Pumasok na sa sasakyan si Nathan at pinaandar na yun kotse.  

Nakatingin lang ako sa labas. Hanggang sa nakita ko yung Carnival..  24 na pala bukas emeged!! Pupunta ako diyan.. pagkatapos ng klase ko dederitso ako dito.

Pagkadating namin sa bahay,ay nagluto muna ako. Kumain na sila at dun lang ako sa kwarto kumain. Habang kumakain ako ay napaisip ako na babalikan ko ulit yung building ni Nash. May kailangan akong kunin at idownload sa computer niya.

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon