AMKSA Chapter 19

4.1K 113 1
                                    

Nathan's pov: 

Next week na ang pasko.  Psh!! Boring ang magiging pasko ko. Palagi naman eh. Tuwing pasko wala sila Mom and dad. Kaya kami lang dalawa ni Riye nagcecelebrate ng Christmas. Palagi nalang sila may business meeting.  Nakakainis na wala na nga silang oras samin eh. 

Bumaba na kami sa sasakyan. Dala dala ko na yung paper bag.  Nakapili na kasi ako ng damit.

"Para san ba yang shirt na yan huh?? Sa girlfriend mo ba yan??" Pagtatakang tanong niya.

"Wala ka na dun. At isa pa wala akong girlfriend noh! Heh. Anong akala mo sakin womanizer?? No way!! Yung mga barkada ko lang ang mga womanizer at hindi ako kasali dun" sabi ko sa kanya..

Totoo naman eh. Hindi ako isang playboy.
Reserve na ito sa babaeng impossible ng maging akin. Pero umaasa pa rin ako na hindi pa siya patay. Nung araw na inilibing siya ay hindi ako pumunta dahil hindi ako naniniwala na namatay siya.

"Owsss!! Seryoso wala pa?? Sa hitsura mong yan wala pa??" Tanong niya.

"Bakit ka ba tanong ng tanong tungkol diyan?? hindi pa nga ako nagkakagirlfriend maliwanag??  Hindi naman ako katulad ng ibang lalaki na nanakit ng damdamin ng babae psh!!" Sagot ko sa kanya. At pumasok na ako sa bahay. Kainis kasi tanong ng tanong.

"Hindi nanakit ng damdamin ng babae?? Wow lang huh BIG WORD.. eh ako bakit mo ko sinasagutan huh hindi ba yun masakit para sakin??" Tanong niya..

Huminto ako sa paglalakad.. psh!! Hindi pa ba siya titigil??

"Kasi iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Magaganda sila at pangit ka... at isa pa hindi naman nagmukhang babae eh para ngang mas nagmukha ka pang lalaki kaysa sa sakin" sagot ko. At tuluyan na ako pumasok.

Tong paper bag na dala ko para to sa kapatid ko.  Gift ko na to sa kanya ngayong pasko.

Jammy's pov: 

Walangyang lalaking yun sarap batuhin ng sapatos eh. Mukhang lalaki..  pasalamat siya pinipigilan ko lang na wag masyadong magalit sa gunggong na yun. Kainis nakakabadmood!! Urgh!!! Tsk!! Paskong pasko pero napaka talaga nung lalaking yun.

Tatanda talaga ako ng maaga nito ng dahil sa gunggong na yun. Puro nalang ako hb. Eh nakakairita na. Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha yung bag na itim.
Dahil wala ako sa mood pupuntahan ko ngayon ang Quantum Building.  Ang daldalhin ko lang ay yung gagamitin ko. Ang bigat kaya kung dadalhin ko lahat.

Tinawagan ko na si kuya para ihatid niya ako. Ilang sandali ay nagtext na siya sakin na nasa labas na siya ng bahay.

Dahan dahan akong lumabas sa bahay. Agad akong sumakay sa kotse ni kuya.

"Sigurado ka ba talagang ngayon mo na to gagawin Klesh??" Pag alalang tanong ni kuya.

"Oo kuya. " sagot ko. Pinaandar na niya ang kanyang kotse at tumungo na kami papunta sa Quantum building. 

Nagpark kami sa tapat nung building.  Tiningnan ko kung anong oras na. Malapit ng mag 7 ng gabi.

"Mamayang 7:00 na ako papasok kuya. " sagot ko. Tumango naman siya.

Makalipas ang ilang minuto ay 7:00 pm na.
Kaya naghanda na ako.

"Kuya. 40 min. Lang ako dun sa loob. Pag lalagpas ng 40 min. At hindi pa rin ako nakabalik ay sumunod ka na. " sabi ko sa kanya.

"Klesh isuot mo to" sabi ni kuya sabay bigay sakin ng isang wireless headset.

Kinuha ko kaagad at sinuot.
Lumabas na ako sa sasakyan.

"Klesh mag iingat ka" sabi niya at ngumiti lang ako.

"Kuya naririnig mo ko??" Pagtatanong ko.. 

Ang Maid kong Secret AgentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora