AMKSA Chapter 15

4.3K 118 0
                                    

Nathan's pov:

Nagising nalang ako ng parang may tumutusok tusok sa kamay ko.

"Hoy! Gunggong gumising ka na diyan Hoy!"

Inangat ko ang ulo.. =____= nakatulog pala ako. Tiningnan ko kung anong oras na mag tethree na pala ng hapon. Gising na din pala tong babaeng to.

"Nathan. Lumabas na tayo dito.  Ok na ako...  " sabi ni pangit.

anong ok?? Tumayo ako at nilagay ko yung kamay ko sa noo niya..
Ang init init pa nga ng babaeng to tapos sasabihin niyang ok siya??

"Hoy! Pangit hindi ka pa magaling.  Ang init init mo pa nga tapos sasabihin mong ok ka na?? " sabi ko sa kanya.

"Ehhhhh????!!!! Gusto ko ng umuwi!!!  Ayaw ko na dito madaming mumu. .. " sabi niya..

The heck???!!! Is she out of her mind?? Pinagloloko ba ako ng babaeng to??

"Hoy pangit matapos mo kong pagdramahan kanina?? Tapos mag aasta kang bata?? Abnormal ka na eh. May sayad ka na ata sa ulo. =_____= hindi bagay sayo. " sabi ko sa kanya.

"Nathan!! *pout* i want foods I'm hungry.. pleaseeee pretty pleaseee???" Sabi niya sabay puppy eyes..

What the??!!! Ganito ba talaga siya pag nasobrahan sa lagnat??  Putik!! Kainis... =____= para talagang bata tsk!

"O sha bibili na ako. Dito ka lang wag kang tatangkang lumabas kung ayaw mong mapilayan. " sabi ko sa kanya.

"Yeheyyy!!! Kamsahamnida Nathan!!!! " sabi niya... sabay ngiti ng malapad.

Ayan na naman siya sa alien language na yan.. =____= Ngayon ko lang siyang nakitang nakangiti ng ganyan ka lapad. Eh kasi sa bahay puro cold expression ang mukha niya lalo na pag kasama ako.

Ito lang yung araw na nakita ko siyang masaya na parang bata. =___=

Lumabas na ako at bumili ng makakain ng take out nalang ako sa kfc. Para hindi na ako matagalan baka kung ano pa ang gawin ng pangit na yun lalo na't naging abnormal ang ugali nun. Delikado na baka mag suicide yun sa loob mapapatay ako ni dad at mom nito.

Patungo na ako ng hospital dahil gutom na rin ako. Walking distance lang naman ang layo ng Hospital eh...

Nasa may eskineta na ako ng biglang may humarang sakin na tatlong lalaki.  Mga kasing edad ko lang. Ano kayang kailangan nito sakin.

"Oy pare kailangan mong sumama samin. " sabi nung isang lalaking naka cap

Sumama?? Niloloko ba ako ng mga ulol na to?? =____=

"Sumama saan?? Ano bang kailangan niyo sakin huh??" Pagtatanong ko.

"Hindi kami ang may kailangan sayo kundi ang boss namin. Sumama ka na kung ayaw mong mamatay ang pamilya mo" pagbabanta sakin nung isang lalaking naka leather jacket na kulay itim.

P*t* dinamay pa pamilya ko?? Ano bang atraso ko sa kanila eh wala naman akong maalala..  may sayad ata sa ulo eh.

"Hoy mga gago. Wala akong panahon sa paglolokohan niyo wag niyong idamay ang pamilya ko dito kung ayaw niyong malagot sakin. " sabi ko sa kanila napakuyom nalang ako ng aking mga palad.

"Heh.. hindi kami nagbibiro pare seryoso kami. " sabi naman nung isang lalaki na nakamask na itim.

Hinanda ko na ang sarili ko. Alam kong aataki sila sakin. Hahawakan niya sana yung kamay ko pero iniwas ko ito kasabay ng pagsuntok ko sa mukha niya.

Kaya napaupo siya sa sakit. Agad akong hinwakan sa balikat nung dalawang lalake pero mas malakas ako kaysa sa kanila kaya sinipa ko yung isa sa ano niya at siniko ko naman yung isa sa dibdib. Agad kong kinuha yung tinake out kung pagkain at tumakbo.

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon