AMKSA Chapter 10: New School

4.4K 121 1
                                    

Jammy's pov:

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang siya ay nagmamaneho.. napaka awkward nga ng atmosphere eh.. =___=
Pinark na niya ang sasakyan niya sa parking lot dun sa likod ng campus.. malaki din tong Academy na to huh..

Bababa na sana ako pero pinigilan niya ako.. ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking to =____=

"Oh!! " sabay abot niya sakin ng mga apat na makakapal na libro.. aanhin ko to??

"Anong namang gagawin ko dito??" tanong ko sa kanya. 

"Kainin mo..  syempre dadalhin mo.. hindi porket scholar ka ni dad ay hindi ka na magiging yaya.. tandaan mo ako ang boss mo and you should follow me. " sabi niya sakin.

Blah blah blah!!! Inirapan ko lang siya at kinuha ko yung apat na makakapal na libro.. putik ihahagis ko to sayo eh.. =____=

Nasa likod lang ako niya nakasunod parang buntot eh.. ng makarating na kami sa hallway ay pinagtitinginan na kami ng mga estyudante..Teka nga lang  Ako ba yung pinagtitinginan o sadyang tong pangit na nasa unahan ko?? 

"Oy girl sino kaya yang buntot ng buntot kay papa Nathan?? Kapal ng face huh kala mo kung sinong maganda eh ang pangit pangit naman parang si dora lang eh kulang nalang lagyan ng bangs  " sabi nung mukhang bebe na babae. At nagtawanan sila kasama yung katabi niya.

"Hahaha oo nga girl.. parang taong grasa eh. " sabi naman nung isa. At nag tawanan sila ulit.

Psh!! Magbubulungan na nga nalang rinig ko pa.. =____= barilin ko kayo ng matahamik eh. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.. like duh!! Wala akong time para pansinin ang mga mukhang zombie na  mga babae dito.. =____= it's just a waste of time. 

Bigla nalang may lumapit kay Nathan na tatlong lalaki. Well nakasuot sila ng varsity. Mukhang mga basketball players to eh. Mga ka TROPAngit pala niya =______=.

Bigla silang lumingon sakin.

"Oy pare sino to??  Bagong babae mo?? Hahahaha bago na pala taste mo sa mga babae ngayon Nathan mga low class na pala" sabi nung lalaking brown yung buhok..

Loko pala tong lalaking to sinong tinatawag na LOW CLASS?? ako?? Hahaha isampal ko pa sayo kotse ko eh. Mga choosy pala tong tropangit ni Nathan kala mo kung sinong mga gwapo psh!! Oo na gwapo sila pero ang papangit naman ng mga ugali.

"Hahahaa oo nga pare.. Ang dami namang magaganda diyan diba?? Yung maputi sexy tsaka maganda pa. " sabi naman nung lalaking parang isang koreano. 

"Love is blind nga naman hahaha. " sabi naman nung naka number 2 na lalaki.

Psh pare pareho nga sila. =_____=

"Hahaha. Ano ba kayo hindi ko yan bagong babae noh secretary ko lang yan. Asa ko pa yan magiging girlfriend eh ang pangit pangit nga eh hahaha. " sabi ni Nathan at tumawa lang sila..

Napakuyom nalang ako ng aking mga palad. Babarilin ko na talaga to eh pigilan niyo ko.. =_____=

"Dwaesseo (whatever)" sabay irap ko sa kanila at tumungo na ako sa classroom.
Psh!! Wala na nga ako sa mood..  mas ginawa pa nilang worse ang mood ko.

Bago pa man ako makalayo ay narinig ko pang may sinabi yung Tropangit ni Nathan. Yung lalaking mukhang koreano.

"Wow!! Pare may lahing Korean pala yung sekretarya mo.  astig ah!!" At pumasok na ako sa classroom buti nalang at alam ko na ang classroom ko kaya hindi na ako mahihirapan sa paghanap. =_____= gusto ko ng umuwi.

*****

Discuss lang ng dicuss ang subject teacher namin. Ni isa walang pumasok sa utak ko. Ikaw ba naman may katabi kang isang gunggong na pangit. Tapos wala pa ako sa mood kaya eto ako ngayon nagsusulat ng kung ano ano sa notebook ko.

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon