AMKSA Chapter 33

3.1K 87 17
                                    

NATHAN'S POV

Matapos akong tawagan ni Nash ay kinakabahan ako dahil hawak nila si Jammy, dali dali kong sinout ang jacket ko at humarorot patungong warehouse. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero isa lang ang pumasok sa isip ko ang iligtas si Jammy at patayin si Nash. Nang makarating na ako ay nagtago ako sa isang malaking puno sa likod sa warehouse. Maraming mga bantay sa labas mga 5. Inilabas ko na ang aking dalang baril at nilagyan ko ito ng silencer, dahan-dahan akong pumunta sa kabilang kahoy hanggang sa...

*bogsshh*

napatumba ko yung isa. Napalingon ang 2 kaya agad agad ko silang binaril biglang nagpaputok ang dalawa pa kaya napatakbo ako sa may mga malalaking tube ng bakal sa gilid, biglang tumahimik kaya kinuha ko yung cellphone para tingnan kung nandoon pa ba sila at bigla nalang silang nagpaputok kaya muntikan nang maputukan ang hawak kong cellphone medyo napa buntong hininga ako at may halong kaba.

"hooo!! kaya ko to!!" sabi ko sa sarili ko

kumuha akong ng bato at hinagis ko sa may kahoy sabay labas na tinataguan ko at pinapaputukan ko silang dalawa kaya ayun deadz. Dali dali akong tumakbo sa may pintuan at agad agad na itong binuksan.

pagkapasok ko ay sobrang dilim kaya sinuot ko yung night vision glasses ko. Puro box ang mga nakikita ko at ang sobrang tahimik ang laki pala ng warehouse na ito. Umakyat ako sa itaas at may nakita akong ilaw sa bandang kaliwa kaya dahan dahan akong lumapit ng makita ko sa Jammy na nakaupo sa isang upuan at nakatali ang kanyang mga kamay at binti habang naka takip ng tape ang kanyang bibig. Puno ng pasa ang kanyang mukha at may dugo sa kanyang noo. Nagalit ako sa nakita ko sa kanya walangyang Nash talaga yun!!

May mga nakabantay sa kanya mga 3 pero malalaking tao. Dahan dahan akong lumapit sa isa na malapit sakin at bigla kong sinaksak ng kutsilyo ganun din ang ginawa ko sa isa at sabay hagis ko ng kutsilyo sa isa pa. Nagulat si Jammy nang makita niya ako. tinanggal ko yung na nasa bibig niya.

"Nathan!!"

"Jammy kailangan na nating umalis dito"

"Nag-alala ako sayo kala ko kung ano na ang nangyari sayo"

"G*g* dapat nga ako ang mag alala sayo eh ikaw ang nahuli"

Nang itatanggal ko na yung mga nakatali sa kanyang binti at mga kamay ay bigla nalang may humampas sa aking ulo kaya bigla nalang nagdilim ang aking paningin. 

JAMMY'S POV:

Nagulat nalang ako ng may humampas sa ulo ni Nathan kaya nahimatay siya. 

"Nathan!!!" sigaw ko

"hmm!! WELL WELL WELL sabi ko na nga ba pupunta rito ang lalaking to Mr. Scott maling mali ang pagpasok niya sa warehouse ko hahaha" sabay tutok ni Nash ng baril kay Nathan.

"wag na wag mong ituloy yan Nash kung ayaw mong mamatay at makulong sa impyerno!!" galit kong sigaw sa kanya.

"hahahaha!! pano mo ako papatayin eh nandyan ka nga  nakatali naku Ms. Mendoza wag mo akong susubukin baka ikaw ang mauna papuntang impyerno haha" 

"walangya ka talaga Nash kahit kailan!!"

tinalian nila si Nathan at dun siya itinali sa may isang malaking poste ng bakal. Ilang oras ang nakalipas ay bigla nalang akong may narinig ng tunog ng sasakyan sa baba ng warehouse kaya umalis yung nagbantay samin. Bigla nalang nagising si Nathan

"Jammy" sabi niya

"tatakas tayo rito"

ginagalaw galaw ko yung mga kamay ko para matanggal ang lubid na nakatali sa akin. Ginagalaw galaw ko ito ng todo hanggang sa matanggal ito kaya dali dali kong tinggal ang lubid sa binti ko at pinuntahan si Nathan. 

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now