AMKSA Chapter 23

3.9K 100 0
                                    

Nathan's pov:

Inaccept ko yung deal niya haha kala niya siguro hindi ako magaling dito. Heh.. tingnan lang natin pangit.. nanghahamon pala huh kaya pagbibigyan kita.

Binigyan na kami ng ale ng tigtatatlong tennis ball. Ningitian ko siya ng nakakaloko at ngitian niya din ako ng panghahamon.. hanggang sa sabay kaming nagbato nung bola. Pabilisan kami sa pagtumba ng mga bote paramihan kasi kami.

Sh*t takte nakakalamang na siya huh. Mas binilisan ko pa ang pagbato nung bola kaya nalamangan ko siya. Nakaubos kami ng benteng bola.. napagod ako sa kakahagis. 
Ang resulta?? Ayun tie kaming dalawa.. halos mabutas na namin yung booth ni ale dahil sa,bilis at lakas naming magbato ng bola hahaha nakakatawa nga eh.. 

"Heh!! Sayang mananalo na sana ako eh tsk! Next game ano??!!" Tanong niya sakin..

Tiningnan ko siya..

"Heh! Sige ba!!" Sagot ko.

Kaya pumunta kami sa ibang game booth.. nasa likuran ko lang siya habang siya ay namimili ng booth.  Habang tumatagal napapagaan ang loob ko sa pangit nato. Inaamin ko masaya at masarap siyang kasama kahit na puro kami pagtatalo nito. Ang daldal kasi eh hindi nauubusan ng topic. Haha kahit may pagkawierdo tong babaeng pangit nato.

Huminto siya sa isang booth.

"Next game will be here.. " sabi niya.

Ang sunod na game na lalaruin namin ay baril na kailangan mon barilin ang mga kriminal na cartoon nakamotion sila kaya umiikot sila paiba iba may mga victim din pero kailangan yung killers lang ang babarilin mo ang madaming killers na mababaril sa loob ng 1 min. Ay ikaw ang mananalo. Haha lupet din mamili ng game tong pangit na to ah.. haha

Tumingin siya sakin ng nakakaloko.

"Heh.. ano game or surrender??" Pang aasar niya sakin.

"Hindi ako yung tipong tao na hindi basta basta nagsusurrender heh.. game ako!!" Sagot ko sa kanya.

"Well let the game starts.. manong maglalaro kami nitong gunggong nato. " sabi niya dun kay manong.

Kinuha ko na yung baril na gagamitin ko.

"So sino ang unang maglalaro??" Pagtatanong niya.

"Ladies first so ikaw mauuna.." sabi ko sa kanya.

"Okay.. no problem with me " sabi niya.

Himala ata na parang walang asaran ang nangyayari ngayon nakakapanibago lang haha.. hindi ako sanay.. 

Nagload na siya ng bala sa baril.  Well mga kulay pula na maliliit na bilog yung bala niya.

Ako ang nag time sa kanya para walang dayaan..  naninigurado lang noh..

Tinutok na niya ang kanyang baril sa mga cartoon killer... tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya yun. Sanay na sanay ata humawak ng baril tong pangit nato ah. The way na humawak siya ng baril at magpoint sa object ay sanay na sanay talaga. Marami pa talagang mga bagay na hindi ko pa nalalaman sa babaeng pangit nato. Nah bakit ba ako nagkainteres na malaman.. tsk.

Nagsign na ako ng signal sa kanya..
Ready...

Start....

NOW...

Sinimulan na niyang magpaputok ng baril. Nganga lang ako sa nakita.. wtf??!!! What the f is this woman??!!!  Grabeh ang galing niyang gumamit ng baril..  p*t* ni ako hindi ko pa masyadong alam kung pano ang tamang posture at handling ng baril pero tong babaeng pangit nato sa tingin mo  parang araw araw nakahawak ng baril dahil sanay na sanay talaga siya..

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon