AMKSA Chapter 31

3.3K 94 4
                                    

Maaga kaming kaming nagising dahil maaga namin gagawin ang misyon. Nasa sala ako habang si Nathan ay nasa kusina umiinom ng kanyang kape ang tagal kasi matapos uminom parang isang balde ng kape ang ininom eh..

Naalala ko yung Susi na nakita ko sa box kaya kinuha ko ito sa bulsa ko napatutok ako ng maigi sa susi kung para san ba ito..

NATHAN'S POV:

Napatingin ako kay Jammy parang ang seryoso naman niya masyado sa pagtutok sa susi ka kung makatitig parang papatayin niya ito. Kaya may naisip akong ideya hahaha.. kumuha akong ng isang maliit na marble sa table at hinagis ko sa kanya..

*pok*

Forehead shot ..hahahaha
Nabitawan niya yung susi dahil sa gulat niyang natamaan siya sa noo niya..

" puta!!!! Gago ka talaga Nathan!!!! " galit na sabi niya

" hahaha seryoso mo kasi masyado eh haha"

"Pag ako talaga nag ka bukol papatayin talaga kitaaa!!!" Sigaw niya sakin

"Hahaha subukan mo" pang iinis ko sa kanya

"Urghhh!!!" Napatayo siya at kinuha niya yung susi. Nagulat siya ng pinulot ang susi..

"isa pala itong usb" gulat na sabi niya

"Ha??"

"Gago sabi ko Usb pala tong susi nato" dali dali niyang kinuha ang laptop niya at binuksan. Ininsert niya ang usb at nagulat siya sa nakita niya. Pinuntahan ko siya sa sala at tiningnan ang laptop.

" may isang warehouse pa pala si Nash " sabi niya

NASH POV:

At dahil ginulo ng mga batang yun ang opisina koguguluhin ko din ang pamilya ng lalaking yun haha tingnan lang natin..

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay na pinagtataguan ng parents ni Nathan kasama ko ang mga kasamahan ko naghihintay kami ng tamang oras para pasukin ang bahay nila may nga gwardya sa labas kaya hindi kami agad makakapasok kinuha ko ang laptop ko at sinumulan na ang plano. Na connecta ko yung satellite ng kuryente sinwitch off ko ito kaya nag brown out sa buong subdivision agad kaming lumabas at hinanda ang mga armas namin.. nagpanic na ang mga tao sa loob ng bahay nila kaya sumugod na kami.. binaril ng mga kasamahan ko ang lahat ng gwardya na nakapalibot sa labas ng bahay nila gumamit kami ng silencer para hindi kami marinig pinasok namin ang bahay nila. Pinapunta ko sa itaas ng bahay ang mga kasamahan ko at naghintay lang ako sa baba.. narinig kong nagpuputukan na ng baril sa itaas ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na ang kasamahan ko na dala na nila ang parents ni Nathan.

"Kamusta ka na Joston Mike Scott it been a year since hindi tayo nagkita haha gulat ka ba??"

"Walangya ka talaga Nash kung ano ano nalang talagang kabalastugan ang naiisip mo hindi na ako kailangan pang magulat dahil sa simula pa lang alam ko ng ikaw yun"

"Haha mabuti naman kung ganun pakialamero kasi yang anak mo eh nagdala pa ng isang batang agent na babae hahaha mga walangya magbabayad kayo sa ginawa niyo sakin... takpan niyo ang mga mata at bibig nila at ipasok niyo na sila sa kotse!!!"

Utos ko sa kanila sabay alis ko sa bahay.. pumasok na ako sa kotse ko..

JAMMY'S POV:

"pupuntahan ko yang warehouse na yan ngayon"

"Huh?? Anong ikaw lang sasama ako"

"wag na dito ka lang mas mabuti ng nandito ka lang dahil walang mangyayari sayo ng masama"

"Hindi pwede dapat sasama ako!! Ako ang kailangan nila"

"Kaya nga eh ikaw ang kailangan nila kaya dito ka lang dahil kung may mangyari sayo katapusan ko na rin di ko alam kung anong gagawin ko kapag may mangyari sayo ng masama"

Napatigil siya matapos sabihin ko yun at nagulat din ako sa nasabi ko Puta ano ba yung nasabi ko >.<

" i-i mean mapapatay ako ng Papa ko kapag di ko nagawa ang misyon ko. Geh magbibihis lang ako"

Pumasok na ako sa loob at nilock yung pintuan biglang uminit yung pisngi ko sheyytt ano ba tong nararamdaman ko at ano ba yung nasabi ang corny.

NATHAN'S POV:

Nagulat ako sa nasabi niya kanina at parang namula din ako sa nasabi niya oo I admit Gusto ko na si Jammy kasi habang tumatagal na magkasama kami ay napapalapit din ang puso ko sa kanya. Ayaw ko din na may mangyari sa kanya na ng dahil sakin napaupo nalang ako sa sofa at hindi maalis sa isipan ko yung sinabi niya. Lumabas na si Jammy sa kwarto niya habang tinatali niya yung buhok niya. Hinanda na niya ang kanyang mga armas na dadalhin kinakabahan na ako sa gagawin niya.

"Oy asungot pupunta na ako dito ka lang. Kung may mangyari dito tawagan mo kaagad ako wag kang gumalaw sa mga gamit dito dahil puputulin ko talaga ang kamay mo pag ginawa mo yun." Sabi niya sakin

Sinsuot na niya ang kanyang backpack at lumabas sa condo niya. Dali dali ako tumayo at pumunta sa pintuan at binuksan ko ito.

"Jammy!!" Sigaw ko sa kanya buti nalang at naabutan ko pa siya..

"Oh??!!"

Pinuntahan ko siya at lumapit sa kanya at tsaka ko siya hinalikan nagulat siya sa ginawa kong paghalik sa kanya. Agad akong bumitaw sa halik. Nakita ko siyang natulala.

"Mag ingat ka please"

Ngumiti siya sakin

"Oo ikaw rin ah"

At umalis na siya..

Sana walang mangyaring masama sayo doon Jammy..

TO BE CONTINUED...

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon