AMKSA Chapter 14

4.1K 123 3
                                    

NAgising nalang ako na masakit na masakit yung mga paa ko tsaka yung ulo ko. Kainis dahil ito kagabi nung pagtakbo ko.  .. nagkaroon na siguro ako ng muscles hahahaa.. pero seryoso masakit talaga T^T promise.

Gusto kong tumayo pero ang bigat bigat ng katawan ko. Nung nakatayo na ako ay napahawak nalang ako sa pader. Putik!! Nahihilo ako.. dahan dahan akong lumakad papuntang pintuan ng mahawakan ko na yung doorknob ay sumakit na ng sumakit yung ulo ko hanggang sa natumba ako biglang nagblack out lahat.

*****

Nathan's pov: 

Kringggg!!!

Nagising nalang ako dahil sa lakas ng tunog tong alarm clock na to. Bumangon na ako at inoff yung alarm clock. Kainis.. inaantok pa ako.

Naligo na ako at nagbihis. Bakit parang ang tahimik ata sa kusina?? =_____= tulog pa siguro yung pangit na yun. Kainis.  Maid pa naman.  Tsk!

Pumunta na ako sa kwarto ni Riye at ginising siya. Wala kasi sila Mom at Dad ngayon nasa Davao sila para isang business meeting.

Bumalik ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko..

"KUYAAAAA!!!! " sigaw ni Riye.

Halos kumabog ang puso ko dahil sa biglaang pagsigaw nung kapatid kong may sayad sa ulo.

Dali dali akong bumaba.. ano na naman kaya ang nangyari.. nakita ko siya na nasa loob ng kwarto nung pangit.. biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

"ANO BA ANG NANGYARI HUH.. BA'T KA--" naputol ang sasabihin ko ng makita ko si Kim na nakahandusay sa sahig.

Halos ma froze ako sa kinatatayuan ko.. at dali dali akong tumungo kay Kim.

"Kuya anong nangyari kay Noona???" Pag alalang tanong ni Riye.

Grabeh sh*t ang init niya.

"Riye dito ka lang at sabihin mo sa ibang yaya na sila na ang mag handa sayo.  Okay.. isusugod ko lang to sa hospital si Kim.  " sabi ko sa kanya.

Tumango lang si Riye at puno ng pag alala ang expresyon niya.

"Mag ingat kayo kuya" sabi niya at tumango lang ako.

Binuhat ko si Kim na ang init init at isinakay ko siya sa sasakyan ko. Kainis!! Pinaandar ko kaagad ang sasakyan.

Yan kasi eh!! Dahil ito sa nangyari kagabi na ang basa basa niya. Tsk! San ba to nanggaling kagabi at naabutan ng ulan??

Ng makarating na kami sa hospital ay dinala kaagad siya sa ng mga Doctor. Nasa labas lang ako naghihintay Sa resulta ng doctor at hindi ako mapakali baka kung ano na ang mangyari sa babaeng yun.

Lumabas na ang doctor kaya napatayo ako.
"Kaano ano ka ng patient?? " tanong ng doctor

"kaibigan po..Ok lang po ba siya doc??" Pagtatanong ko.

"Oo ok lang siya buti at nadala mo kaagad siya dahil kung natagalan iyun baka lalala yung lagnat niya. yung cause ng lagnat niya ay yung sugat niya sa kanyang binti nagkaroon ito ng infection. Ang kailangan lang niya ay magpahinga at hintaying magising yung patient. " pagpalinawag nung doctor.

May sugat siya sa binti??? Pano siya nagkasugat sa binti??  Eh wala naman siyang nakaaway.. 

"Si..sige po salamat po doc" sabi ko..

Pumasok na ako kwarto ni Kim. At nakita ko siyang nakahiga sa kama at may nakakabit sa kanyang bibig.

Napatingin ako sa orasan mag sisix na ng umaga. Tiniwagan ko muna sila Henry para sabihing hindi muna ako makakapasok.

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now