AMKSA Chapter 3: First day of Mission

5.4K 138 3
                                    

Nagising ako ng maaga.  Di ko alam kung bakit baka siguro sa excite na maging yaya?? Haha putik. Sa lahat na pwedeng gawing e trabaho sa akin ni dad yaya talaga ano kaya ang nakain nun. Tumayo na ako sa kama at naligo pagkatapos ay pumunta na ako sa sala. Nakita ko si dad na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning Dad. " bati ko sa kanya.

Bigla namang napatingin sa akin si Dad. 

"Oh Good morning din anak. Kumain ka muna ng breakfast para mamaya sisimulan muna ang mission mo. "

Umupo na ako sa table. At nagsimulang kumain. Tapos ng uminom ng kape si dad. Bigla niyang tinawag ang assistant niya.

"Uhm pwede mo ba kunin yung bag na may damit dun sa office ko?? "

"Sige po sir " at nag bow yung assistant niya tapos lumabas.

"Anak mag ingat ka sa mission mo huh. Wag kang mag alala palagi din kitang babantayan. "

"Opo dad. I will"

"Good girl"

Pumasok na yung assistant niya na may dalang isang bag. At ibinigay ito sa akin.

"Anak nandyang ang susuotin mong damit para mamaya. Yan yung maid costume mo. Mamaya dadarating yung hairstylist para gupitin yang buhok mo at para i makeover ka na rin. "

"S-sige po dad. "

Biglang hinawakan ni dad yung kamay ko.

"I know you can do it my litte girl.. "

At nagsmile siya sakin. Opo dad gagawin ko ito para sayo at para rin kay mama at sa kuya ko. Hinding hindi po kita bibiguin promise po yan. Pagkatapos kung kumain ay dumating na din yung baklang hairstylist ko.

"Good morning po Sir. Mendoza " at nag bow siya

"Pati rin po sayo Ms. Mendoza " at nag bow rin siya sakin.

"So ikaw na bahala sa anak ko basta gawin mo yung style na hinding hindi kaagad siya makikilala "

"No problem sir. Gagawin ko po yun. "
At lumabas na si dad.

"So ang ganda mo palang babae.  Kaya for sure mas gaganda ka pa sa gagawin kong hairstyle sayo gurl. Para maging bongga ang beauty mo. "

Siguraduhin mo lang bakla baka ikaw ang gugupitan ko =__= umupo na ako at sinumulan na niya akong gupitan.

R.I.P sa Buhok kong mahaba. 

After mga ilang minutes ay natapos na rin.

"Oh diba bongga isa ka nang dyosa.!!" Sabi niya.

Tiningnan ko kong ano ang naging kalabasan sa histura ko baka kasi  hindi ako magmukhang tao sa hairstyle na ito.

Woah!! Bagay sa akin ang hairstyle. Isang slash hairstyle ang ginawa niya sa akin. Ok lang siya nagmukha pa rin akong tao.

Sunod niyang ginawa sa akin ay nilagyan niya ako ng foundation sa buong katawan ko para maging  brown din yung balat ko. Putik sayang yung makintab at maputi kong balat kung tatakpan lang ng foundation.. =____=

Ano ba tong ginawa ni dad sakin?? Sabi niya maid ang trabaho pero bakit  Para tuloy akong nagmukhang taong grasa. kamukha nung mga taong namamasura ganyan ganyan yung hitsura ko. Putik talaga. mamasura siguro ako dun sa bahay ng mga Scott at mag bebenta ng bote,  lata at plastic.  Tapos tulak tulak ko ang isang kariton.  O di kaya may karga akong isang sako. Wahh!! Iniimagine ko palang para na akong taong kinakaawaan.

Pero ok lang maganda naman. Bawing bawi rin naman sa kagandahan ko. First time silang makakakita ng magandang basurera. Hahaha

Tumingin ako ulit sa salamin. Ayun umitim na ako dahil sa foundation at Concealer.  Ano ba kasing trip ni dad at ganito ang makeover niya sakin??

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now