AMKSA Chapter 1: Father's request

9.9K 197 4
                                    

Jammy's pov:

"Klesh!!!!"

Ay putik!! =____= ang ingay ng mokong na to sarap sipain.. nasira pa tuloy ang beauty sleep ko. Takte wala namang pasok pero bakit ako ginigising ng maaga tong mokong nato.

"5 min. More kuya pwede??"

Pinikit ko ang mga mata ko.  Kainis na lalaking to umeepal sa tulog ko.

"Hoy!! KLESH KUNG HINDI KA PA TATAYO DIYAN BUBUHUSAN NA TALAGA KITA NG TUBIG!! "

Ay takte.  Bahala ka diyan. =____= ang sarap pang matulog eh.

*splaasshh

What the??!!! 

"KUYA!!!!! PUTIK KA TALAGA BA'T MO KO BINASA??!!"

Iniinit mo talaga ang ulo ko.  >.<

" oh! Ayan nagising ka na. Ang tagal mo kasing tumayo diyan kaya pinaliguan na kita. "

Sheteyy!! Tinulak ko siya palabas pero dahil malakas tong mokong na to ay hindi ko natulak..

"UMALIS KA NA NGA KUYA!! KAINIS KA TALAGA BA'T MO BA AKO GINISING NG MAAGA EH WALA NAMANG PASOK??! "

"Wag mo nga akong sigawan! Bubuhusan kita ng tubig ulit eh. Basta bilisan mo diyan sabi ni dad na pupunta tayo sa office niya. Dalian mo na nga, ang tagal mo talagang pandak ka."

Aba.. pandak daw?? Ako pandak?? Hahaha di porket matangkad lang siya sakin pandak na kaagad ako?? Matangkad kaya ako kaya lang mas matangkad nga lang siya sakin. =____=

"Fyi kuya hindi ako PANDAK!! sadyang mas matangkad ka lang sakin.  Tyupe!!  "

Binato ang unan sa kanya pero nailagan niya ito. Kainis talaga =____= bakit kaya ano namang gagawin ba't maaga kami ginising?? Kainis naman oh ito na nga lang yung araw na makakapagpahinga ako. Amp talaga!!

"Hahahaha parang ganun na din yun Klesh hahaha PANDAKLESH!!!"

At tumakbo siya palabas sa kwarto ko. Putik na kuya sarap upakan talaga.  Iniinis talaga ako umagang umaga. 
Naligo na ako at pagkatapos ay bumaba na ako.

"Hi yaya good morning!!  "

"Good morning din maam Klesh" sabi niya

Umupo na ako para kumain. Wow!! Mukhang masarap ang breakfast ko ngayon ah!! Dahil paborito kong food ang inihain.. ^O^ I'm already tempting. Yummy much!! Nam nam.. mapaparami ang kain ko nito.

***

Ang sarap ng kain ko. Busog na busog na ako.. ^____^

"Uhm kuya ba't mo pala tayo pinapatawag ni dad eh diba sabi niya na magpapahinga tayo ngayon??"

"di ko alam Klesh eh. Tumawag kasi siya kanina at may sasabihin daw siya sa atin na very important."

Psh!!  Kainis pinagising lang kami ng maaga dahil lang dun. Ganun na ba yun ka importante at kailangan puounta kami? Tsk!! Palagi naman eh basta walang pasok pinapapunta kami sa office niya. 

Ano nanaman kailangan nun. Hindi kami masyadong close ni Dad kasi palagi siyang wala sa bahay pati rin si kuya hindi rin sila gaanong kaclose.

"Ahh okay "

Akala ko pa naman free time namin ngayon.  Kainis nman oh! Kakagaling pa nga namin ng training kahapon tapos pinapatawag pa kami ngayon??!! Wala na bang oras sa pageenjoy sa sarili ko?? Aish!!

Anyway ako pala si Jammy Klesh Mendoza 17 years old. Nag aaral sa Wilson Academy.  Isa akong makulit, maingay, maldita minsan, pilosopo,  at astig na babae hahaha. Mahilig akong sumali sa mga karira ng mga kotse wala pa ngang nakakatalo sakin eh.hehehe hindi sa pagmamayabang sinasabi ko lang ang totoo. ^___<

Ang Maid kong Secret AgentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora