AMKSA Chapter 6: Personal Alalay

4.7K 135 4
                                    

Gumising ako ng maaga para mag luto ng breakfast.  Naligo muna ako at nag ayos. Inilagay ko ang baril ko sa kaliwang binti ko at sa kanan naman ay yung kutsilyo. May belt kasi tong binti ko para dun ko ilagay ang kutsilyo at ang Baril.

Just in case lang kung may masamang mangyari. For protection na rin. ^o^ girl scout yata ako. Haha nagluto na ako ng breakfast simple lang ang dish ko. Omelette with fried rice.

Nung matapos na akong mag luto ay nilapag ko dun sa lamesa. Bumaba na silang lahat maliban kay Nathan.  Ba't ang tagal gumising ng lalaking yun. At dahil tagabantay ako sa kanya. Edi gigisingin ko nanaman siya.

And as usuall hindi nanaman nakalock yung pintuan niya. Hinawi ko yung curtina para magkaroon ng liwanag dito sa loob dahil ang dilim talaga paran multo ang nakatira rito.

"Hoy!! Nathan Gumising ka na nga diyan tanghali na. " sabay alog alog ko sa kanya.

Ang hirap kasing pagisingin eh. Kainis. Kumuha akong ng tubig sa c.r niya at humarap sa maamong mukha ng lalaking to. Pag titingnan mo ang mukha niya kala mo mukhang anghel pero demonyo pala.

"Nathan Joshua Scott kung hindi ka pa gigising diyan bubuhusan na talaga kita ng tubig. " pagbabanta ko sa kanya.

I can feel it. Alam kong gising na ang mokong to.  Tamad lang bumangon.

"Try me. " yan lang sinabi niya.

Putik.  Sinusubukan talaga ako hah.

"Heh. Let see. " binuhos ko sa kanya ang tubig ma may yelo. At ayon.  Parang isdang nawalan ang tubig ang mokong napatayo kaagad. Hahaha kala niya siguro nagbibiro lang ako.

Tawa lang ako ng tawa. Buti nga sayo. Bleehh!!!

"Sh**tt bakit mo yun ginawa huh??!!!" Galit na sabi niya.

Hahaha.  Nag eenjoy ako sa lalaking to.

"Bakit?? Diba sinabi mo sakin try me?? Kaya ginawa ko. Kala mo siguro hindi ko gagawin noh?? Hahah diyan ka nagkakamali"

At nagcrossed arms ako sa kanya.

"Bwesit kang babaeng ka. Hindi ko yung palalagpasin. Wala kang respeto sa amo mo. " inis na sabi niya.

"Excuse me. Respeto??  Haha alam mo pala yun?? Kala ko kasi di yung nag eexist sa dictionary mo. " sabi ko sa kanya sabay ngiti ng mapang asar.

I'm enjoying this.

"Bwesit ka. Sa susunod na babasain mo ko ulit.. " pinutol ko ang sinabi niya dahil nag salita ako.

"Ginawa ko lang yun dahil ang tagal mong gumising. Kaya pinaliguan na kita para di kana mahirapan. Bakit ano ang gagawin mo sakin huh??" Sabi ko kanya.

Kala niya siguro hindi ko papatulan tong mokong na to.

"Aba ang lakas ng loob mong pagsagutan ako ng ganyan. Pasalamat ka babae ka. Dahil kong hindi sinuntok na kita sa mukha mo." Sabi niya.

Psh! Suntok lang pala. Kung barilin ko kaya tong mokong nato sa mukha. Haha pasalamat siya gwapo siya kaya sayang kong babarilin ko yung mukha niya. Haha

"Haha. Kahit pa mababae ako o hindi hindi ako takot sayo. *wink* bumaba ka na diyan kong ayaw mong maubusan ng pagkain "

At bumaba na ako. Hindi ko kailangan mag sayang ng oras sa mokong na yun. kung hindi lang dahil sa trabahong to edi sana nasa Korea ako ngayon namamasyal. Putik kasi tong agent thingy na to eh dinamay pa ako. =_____= 

Nasa kusina na ako naghuhugas ng pinggan. Kahit mayaman ako noh marunong din ako sa mga gawaing bahay. Tinuro kasi yan ni mom samin ni kuya na dapat hindi daw kami palaging nag uutos sa kasambahay namin. Kaya ayun taga luto at taga hugas ako ng pinggan samantalang si kuya ay naglilinis ng sasakyan at sa bahay.

Ang Maid kong Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon