AMKSA Chapter 5: Lazy Boy

4.8K 132 0
                                    

Gabi na ngayon. At nandito lang ako sa viranda nagiisip. Putik first day ko palang pero ang worst na ng araw ko dahil sa mokong na yun.

Pati rin pala yung matandang maid na yun sarap lagyan ng tape sa bibig makapag utos wagas.

"Sensya ka na pala kay madam"

"Ay baklang palaka!!"

Halos mapatalon ako sa viranda dahil sa gulat napahawak tuloy ako sa dibdib. Takteng babaeng to sumusulpot nalang bigla bigla gusto niya yata magkaroon ako ng sakit sa puso.

"Sensya na hehe kala ko kasi namalayan mo na nandito ako." Sabi niya.

"O-ok lang. "

Nagsmile lang siya sakin at tumingin sa malayo.

"Tungkol dun kay madam pagpasensyahan mo na. Ganun lang talaga ang matAndang yun masungit pero mabait yun. " sabi niya.

yung matandang yun mabait??!! Mukha ngang papatayin ka na sa titig ng matandang yun.

"Mabait?? Eh sinusungitan nga ako nun. feeling ko hindi kami magkakasundo ng matandang yun"

"*giggles* ganyan lang talaga yun basta sa mga bagong maid.  Dahil ayaw niya sa tamad at maingay na maid. "

Ahh kaya pala nung kumakanta ako eh pinapatahimik ako ng matandang yun.

"Ahh ganun."

"Oo. Uhm oo nga pala kamusta ang pagiging maid mo kay master Nathan??"

Yung lalaking yun?? Kala mo mabait yung pala kabaligtaran ng mabait.

"Grabeh napakasungit pala ng taong yun. "

Tumawa lang siya. May mali ba sa sinabi ko eh totoo naman.. =___= sapakin ko kaya to.

"Hehe ganyan po talaga si Master Nathan. Kaya nga walang nagtatagal na maid sa kanya dahil napaka maldita daig pa ang may monthly period na babae. "

Natawa nalang yung babae. Sa sinabi ko. Takte kasi yung lalaking yun. Pasalamat siya ganito ang hitsura ko.

"Hahahaha nakakatawa ka talaga Kim. Haayaan mo na ganun talaga si Master mainitin ang ulo. " sabi niya.

"Ahh ganun ba. Geh magluluto lang ako ng pagkain dahil mag sisix na pala ng gabi. "

Tumango lang si Maye at nagsmile sakin.
Pumunta na ako sa kusina dahil baka gutom na ang binabantayan ko. Sino kaya ang gusto papatay sa pamilyang to. Baka siguro dahil sa business.  Aish wag ko muna yan iisipin.  Ang iisipin ko muna ay yung lulutuin ko .

Ano kaya ang magandang dish?? Ah alam ko na ipagluluto ko nalang sila ng Korean Dishes. Yeah that would be great. ^o^

Sabado pala ngayon kaya for sure walang pasok yung mokong na yun at mababantayan ko siya pero bago yun magluluto muna ako.

Naghanda ako ng mga ingredients buti nalang completo sila at unutusan ko si Melly yung isang kasambahay dito para bumili ng fish meat at shrimp. Para sa sushi, sashimi at tempura na gagawin ko.

Habang nagluluto ako ay biglang dumating ang mokong. Uminom siya ng tubig.

"Pakikuha nga nung cookies sa ref" utos niya sakin aba. Ano ako utusan ng lalaking to?? Taga luto lang ako noh. Bwesit na lalaking to.

"Inuutusan mo ba ako??" Sabi ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. Aba aba ang taray ng lalaking to.

"Oo. Maid ka diba?? Bakit aangal ka??" Sabi niya.

Hinigpitan ko ang paghawak ng sandok.  Kumukulo dugo ko sa lalaking to. Sarap ibato tong sandok na hawak ko.

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now