AMKSA Chapter 16

4.4K 114 8
                                    

Jammy's pov:

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sheteyyy nasan ba ako?? Inayos ko ang paningin ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si gunggong na natutulog sa sofa at napatingin ako sa kamay ko may nakatusok kasi na parang hose.

Nasa hospital ako???!!!! Pe..pero bakit?? Ano bang nangyari sakin?? Sa pagkakaalala ko masakit yung ulo ko nun at parang nahihilo ako hinawakan ko yung doorknob then blagg!! Hindi ko na maalala kung ano na ang nangyari sakin.

"Hoy!! Nathan!!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh!! Just give me a break Kim." Inaantok niyang sagot.  Pero nakapikit pa rin yung mga mata niya..

"Anong just give just give me a break diyan.. hoy!! Gumising ka diyan gunggong kung ayaw mong ibato ko tong bakal sayo!!" Sigaw ko sa kanya.

dinilat naman niya ang mga mata niya.

"Hoy!! Abnormal na pangit wag na wag mo kong sigawan diyan huh. Ano bang problema mo??" Galit na tanong niya.

Aba anong problema ko???!! Nagcrossed arms ako at tiningnan siya ng seryoso.

"Anong problema ko???!!! Ikaw ikaw ang problema ko!! Pano ako napunta dito huh??!" Tanong ko sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. Abay loko tong lalaking to ah. 

"Pano ka napunta dito??!! Sa tingin Mo pano nga ba??!! Obvious naman siguro na sinakay kita sa kotse papunta dito " pamimilosopo niya..

"Aba!!! Wag na wag mo kong pipilosopohin Nathan..  sagutin mo ko ng maayos. " sagot ko.

"Pano kita sasagutin ng maayos.. kung ang tanong mo ay hindi maayos??? Obvious na nga tinatanong pa. Nasan ang common sense mo san napunta??" Sagot.niya..

Iniinit niya talaga ulo ko.. urrghh!! Kainis...

Tumayo siya at tumungo sakin...

"Hoy!! Anong gagawin mo???!!! Rarapen mo ko noh???!!" Sigaw ko sa kanya.

Pero hindi Pa rin siya tumigil sa paglapit sakin.

"Ikaw rarapen ko???!!  Hahaha nanaginip ka ba ng gising?? Ayaw kong rumape sa mga babaeng pangit na kagaya mo.NEVER!!   " sabi Niya sabay tawa.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang inilagay ang kamay niya sa noo ko.

"Magaling ka na nga.. dahil mababa na ang lagnat mo at bumalik ka na din sa dati mong ugali. " sabi niya.

Bakit ano bang nangyari sakin??? 

"Hoy!! Gunggong anong pinagsasabi mong bumalik ako sa dati?? " pagtatanong ko.

"Naging abnormal ka.  Pupuntahan ko lang ang doctor. " sabi niya at lumabas na siya.

Ano bang ginaw--- what the???!!!

Kutsilyo ko yang nakatusok sa pader ah!! pero bakit may picture ng isang artista??

PANO NAPUNTA ANG KUTSILYO KO SA KANYA????!!!!!  Waaahhhh!!! Huhuhu sana sana wala akong ginawang kalokohan nung nilalagnat ako huhuhu..

Lintik ako ngayon T^T bumukas yung pinto at pumasok na si gunggong na may kasamang isang doctor.

Tumungo sakin yung doctor at nilagyan ng thermometer yung kili kili ko. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ito.  Kinuha ng doctor yung thermometer at tiningnan.

"Ok na siya. Pwede ka ng makauwi ang girlfriend mo iho . Magaling ka na siya.   " sabi nung doctor.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni doc. Nagkatinginan kami ni gunggong,

Ang Maid kong Secret AgentWhere stories live. Discover now