AMKSA Chapter 8: Oplan: Beat that Guy

4.4K 134 11
                                    

Itinaas ko ang kamay ko kahit hirap na hirap na ako sa mga dala kong paper bags. Putik kasi tong lalaking to ang tamad.

"Ako,  ako ang lalaban sayo." Sabi ko sa kanya. nagulat naman siya . Bakit ngayon lang ba siya may nakalaban na babae sa isang karera??

Hahaha. Ngumiti siya sa akin. Akala siguro niya hindi ako marunong magdrive ng kotse.

Nagulat naman si mokong dahil nagpresenta ako na ako ang kakalaban sa kupal na mayabang na yun.

"Haha . Marunong kang magdrive??" Sabi niya na may bahid na pang aasar. iniinit niya talaga ulo ko.

"Oo bakit?? Gulat ka??" Sabi ko sa kanya.

"Heh! Ako magugulat? Heh no way!! . Baka nga hindi kalang aabot ng 1 round eh. Natalo nga ako na magaling mag maneho ng kotse ikaw pa kaya na isa lang maid. " sabi niya sakin.

Nanlilisik na ang mata ko sa kanya. At kinuyom ko yung kamay ko. Heh. Kakainin mo lang din yang sinasabi mo sakin.

"Heh. Diyan ka nagkakamali . Mr. Nathan. Hindi mo ko kilala kaya wag mo kaagad ako husgahan. Just watch and learn. Ipapamukha ko sayo kung gano ako kagaling maglaro ng ganito. " sabi ko sa kanya. At kumindat ako sa kanya.

Napangiti na lang ako haha.

"So be it! " sabi niya sakin.

At ningitian ko lang siya umupo ako sa seat kung saan nakaupo kanina si Nathan. Hinanda ko ang sarili ko.

"Seryoso ka nga talaga miss" sabi nung lalaki.

"Heh. Oo naman noh. Bakit natatakot ka na baka matalo ka ng isang babae na katulad ko??" Sabi ko sa kanya.

nakita ko siyang nainis sa sinabi ko kaya napangiti lang ako.

"Heh! Di ako takot noh. Wala akong kinakatakutan." Sabi niya.

"Ganun ba" sarcastic kong sabi. sabay naming hinulog ang token.

Namili na ako ng sasakyan kong gagamitin. At ang pinili ko ay isang ferrare na kulay pula.

The game starts in..

3.
.
.
Hinanda ko na ang sarili ko. Tatalunin kita bastard.
.
.
.
2
.
.
.
I will defeat you dahil tinalo mo si yung mokong na yun edi tatalunin rin kita.
.
.
.
.

1
.
.
.
.
Go!!!

At pinaharorot ko ang kotse ko. Naunahan ko siya kaya ramdam ko ang pagkagulat niya. Ang dali lang pala talunin tong lalaking to. =____=
Naabutan niya ako at dumikit sakin. Haha alam ko na ang technique na to mr. Dumikit rin ako sa kanya. Nasa right side ko siya at ako naman sa left side. Biglang may malaking puno ang humarang kaya binilisan ko. Bumilks rin ang takbo niya.

Haha hindi niya siguro nakita ang isang malaking puno. na nakaharang kaya patuloy lang ako sa pagdrive. Malapit na kami sa puno. Malapit na.
.
.
.
.malapit na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At breneak ko ang sasakyan ko. Napadrift nga yung kotse ko dahil sa lakas ng pagkabreak. Nakita ko ang nanood samin na namangha sa ginawa ko napasmirk nalang ako. Kaya yung lalaki ay nabunggo dun sa puno. Yan kasi ang yabang. Kaya lumiko ako at binilisan ko ang pag maneho. Hahaha. At ako ang nanalo. ^o^ woahh!!! wahahaha. Ano ka ngayon?? Nganga??

halatang gulat na gulat ang lalaki sa ginawa ko. At hindi pa rin niya matanggap ang pagkatalo niya.

"So akin na ang 8k?? Loser. " sabi ko sa kanya. Inabot naman niya ang 8k sakin.

"Wahaha wala ka pala pre eh. Babae lang pala ang makakatalo sayo" nagulat ako nung sinabi yun nung mokong hahaha.

Alam ko ring namangha ang moko na yun sakin. Nakita kong inis na inis ang lalaki dun kay Nathan. Lumapit ako kay Nathan.

"So ano ka ngayon huh??" Sabi ko sa kanya.

"Senwerte ka lang pangit. " sabi niya.

Hahaha sus kung alam ko lang na nahihiya niyang sabihin ang pagkapanalo ko haha.

"Hahaha amin amin din pag may time" sabi ko sa kanya.

Lumabas na siya sa timezone . At sumunod ako.

"Ang dali lang talunin ng mokong na yun di po pa nagawa??" Sabi ko sa kanya.

"Senwerte ka lang Kim. Kaya wag kang magmayabang " cold niyang sabi. Hahaha.

Alam kong nainis siya sakin. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Hindi ako masenwerte noh! Sadyang MAS magaling lang ako sayo. " sabi ko sa kanya.

Hahaha. Hindi ako mayabang noh. Ikaw kaya tong nanghahamon dun sa lalaki eh talo pala psh!! =____=

"What ever!" Sabi niya. At pinagpatuloy lang ang paglalakad. Pumunta na kami sa parking lot.

Gabi na pala. Ang tagal pala namin dun sa loob. Eh ikaw kaya halos buong inikot namin. Kulang nalang pati rooftop ng mall puntahan namin. Grabeh kasi tong lalaking to kung saan saan napapadpad eh bibili lang pa ng damit. =______= pinapagod lang talaga ako netong mokong na to.

*****

Nasa kwarto na ako.  At nakahiga.  Nilalaro ko ang kutsilyo ko. Miss ko na si Kuya at si Dad.

****

Nathan' s pov:

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko habang nakatutuk sa kisame. Iniisip ko ang nangyari kanina sa mall. Habang iniisip ko yung ay di ko mapigilang matawa. Haha. 

Grabeh yung Kim na yun. Napakaamazonang maid. Sa lahat ng maid dito siya ang pinaka weird. At ang reklamador. Feeling ko nga siya pa ang nagmukhang boss sa kalagayan na to eh. Namangha ako sa ginawa niya kanina dun sa pagtalo dun sa lintik na lalaking yun.

Di ko akalain na ganun kagaling maglaro ng car race si Kim. Habang tinitingnam ko ang mukha niya ay ang familyar talaga niya sakin. Parang nakita ko na siya somewhere. Pero di ko matandaan. Inaamin ko maganda si Kim. Pero siguro mas gaganda yun pag pumuti yung babaeng yun. Ang itim kasi.

Nung kasama ko siya kanina sa mall she reminds me of someone. Parang feeling ko matagal ko na siyang kilala. Kaya lang nakakainis yung ugali ng amazanong yun.

May kinuha akong picture sa wallet ko. Ito ang picture ko kasama ang childhood friend ko.  Kaya lang namatay siya dahil sa isang car accident. Kaparehong kapareho talaga sila ng ugali nung amazonang yun kaya parang feeling ko kasama ko ang best friend ko. Una palang kita sa kanya nung ginising niya ako sa kwarto ko ay nagulat ako dahil akala ko siya si Jam.  Pero hindi pala.

Kung buhay lang siya ngayon edi sana masaya na ako. siya kasi ang unang babaeng nagpatibok ng pusk ko. 14 years old pa kami nun nung napagdesisyonang ng pamilya niya na  lumipat at bumalik ng states . At yung araw na yun ay magtatapat na sana ako sa kanya ng mabalitaan kong naaksidente sila. kaya dun nawasak ang damdamin ko. Dead on arrival daw siya sabi sakin nung mommy niya.

Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko. Kung buhay Lang sana siya ngayon for sure maganda yung babaeng yun. Ano kayang hitsura niya ngayon?? 

Initinago ko na ang litrato sa wallet ko.  Miss na miss na talaga nita Jam.  Walang papalit ng pagmamahal ko sayo.

To be continued...

Sino kaya si Jam?? Abangan ^O^

Ang Maid kong Secret AgentHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin