Chapter 29

2.4K 57 35
                                    

Ilang araw na kaming di nag uusap ni Yela. Parang nawala na rin ng excitement yung buhay ko. Ewan ko kung yung excitement ba na dulot ng bet or excitement na dulot ng mga reactions niya sa tuwing nagkakaencounter kami. Napakaunpredictable kasi ng mga reactions niya. Kung ibang babae ang magrereact ng mga reactions niya, malamang wa epek sa kin yun eh.


Pero siya kasi yun. Biruin mo yung parang tigang niyang mukha mabubuhayan ng expressions. At kung dati lagi akong napapanis kakaintay sa kanya para magsalita eh ngayon kahit papaano nagsasalita na siya. At hindi lang basta salita. Salitang may laman at laging nagpapareact sa kin. Kaya masakit man sa ego kong aminin, namimiss ko siya....


HAAAA?!?! Saan ko nahugot yun?



*sigh*


Hayyyy Yela, magpansinan na sana tayo...



*sigh*

Bakit ba ganyan ka? Minsan sweet, minsan amazona...



*sigh*



Wala naman akong ginawang masama sayo diba?

*sigh*


"Wala ka nga bang ginawang masama?"



"Ano ba yan Ken, puro hininga mo na nahihinga namin ah!"


"Gago ka Ryan!"


"Kasi naman bro, tigilan mo na yang kakamukmok. Kung di basketball practice inaatupag mo, yang pagmumukmok naman. Okay lang mag multi tasking pero ang sagwa eh. Di bagay sayo!"


"Ikaw kaya makaramdam na matatalo ka na sa pustahan, di ka magmumok?"


"You're the great Kenneth Mendoza. Walang santong dasalan sayo, santong paspasan lagi kaya anong tinatanga tanga mo diyan? Asa room si eerie girl. Bahala kang dumiskarte kung paano kayo mag uusap"

Potek naman talaga! Yun nga yung problema eh. Di ko alam kung paano didiskarte. Ngayon lang naman may naoffend sa kin eh. Most of the time, mahal ako ng girls. Well, siya lang naman ang hindi....sabi niya!

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon