Chapter 42

1.8K 36 6
                                    

Chapter 42

Nagulat ako ng nagpark si Ken sa tapat ng isang theme park. Seriously, 9 pm na at akala ko uuwi na kami. Naconfirm ang hinala ko ng bumaba siya sa sakayan at pagbuksan ako. Ngiting ngiti siya habang inaantay ang kamay ko na humawak sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano bang ieexpect ko pero baka gusto lang niya magpapicture dito. Total may kunwaring castle ang theme park at para kaming nakacostume at wala kaming picture kanina sa prom.

“Anong gagawin natin dito, Ken? Gabi na oh.” Hinila niya lang akong papasok at pinagtitinginan kami ng mga tao. Tinanggal niya ang coat niya at pinatong niya sa mga balikat ko. Natuyo na kasi ang tubig sa katawan ko pero medyo basa pa ang damit ko na mababa ang likod.

May mga lumapit pang nagpapicture at akala ata eh part kami ng attraction sa theme park na to. Kaliwa’t kanan ang pagtanggi namin ni Ken sa lahat ng nalapit. Naglakad lakad lang kami at mukang wala siya balak sakyan ang kahit anong rides. At pakiramdam ko rin mahihirapan akong umupo sa kahit anong rides. Baka sumabit pa sa roller coaster ang gown ko at biglang mapunit. Baka magalit si Jenny, hiram lang to eh.

“Magdadate lang tayo Yela. Gusto ko sa maraming tao. Gusto kong matandaan mo na may isang araw sa buhay mong never kang nag isa.” Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. Nagpicture picture pa kami sa Iphone niya. Halos lahat ng crew sa bawat rides at attractions, inuutusan niyang picturan kami. At ang mokong todo kapit sa bewang ko at minsan umaakbay pa. Parang di kami nanggaling sa matinding dramahan kanina. Nagpilitan pa kaming sumakay sa ferris wheel. Gusto daw niya kasi ng picture na parang malapit kami sa langit at yung kami lang talaga. Halos di ako makaupo sa loob ng ferris wheel dahil sa laki ng damit ko.

Akala ko dati never magiging masaya ang mamasyal pag gabi dahil ang gabi ay punong puno na kababalaghan pero hindi pala lalo na’t napupuno ng ilaw ang paligid at parang buhay na buhay ang bawat puntahan namin. Napadaan kami sa isang parang kwartong kulob. Maraming ilaw at kurtinang iaba iaba ng kulay. May maliit na lamesa gitna na may bolang Kristal. Kinikilabutan naman ako kaya ayokong magtagal pero sinalubong kami ng isang matandang babae noong palabas na kami.

Nakamahaba siyang damit at may balot ang ulo pero laglag ang puti nitong buhok. Mayroon pa siyang parang bato sa kanyang noo. Tiningnan niya lang kaming dalawa at saka inayang umupo. Huhulaan daw niya kami. Itong si Ken mukang excited samantalang ako halos mamatay sa kilabot. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako naniniwala sa mga manghuhula pero kadalasan sa mga napapanood at nababasa ko, nagkakatotoo ang mga sinasabi nila lalo na’t binabase nila ito sa nakaraan.

Inayos na ni Madam Laide ang kanyang baraha. Una kwento pa ng kwento si Ken at tanong ng tanong kung anong mangyayari sa aming dalawa. Ngumingiti lang si Madam at parang may sinisilip sa likuran naming dalawa. Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam ko sa mga oras na to, may kaluluwang nakasunod sa amin. Inuusisa din kami ni Madam bago muling balasahin ang mga baraha.

“Pumili ka binata.” Sabi ni Madam habang si Ken ay pinulot ang pang gitnan baraha at ibinigay kay Madam. Pumili ulit ng dalawa si Ken bago iharap ni Madam ang mga baraha sa amin.

Tiningnan ko ang mga baraha. Tarot cards ang gamit ni Madam. Medyo may kalumaan na ito. Tanda na matagal na itong ginagamit at malamang ay bihasa na sa pagbabasa o pagbibigay kahulugan ang nagamit nito. Umiiling si Madam habang pinagmamasdan ang mga barahang nabunot ni Ken. Di maiwasang kumunot ng noo ko dahil hindi ko alam kung mabuti o masama ang mga actions niyang yun.

“The Hanged Man.”Unang sambit ni Madam ng ipinakita ang isang barahang parang nakabaliktad. “Oo o hindi. Tungkol sa pagpaparaya ito binata. Ngunit hindi sayo tumutukoy ang baraha.” Nagkatinginan kami ni Ken. Siya ang nagpapahula tapos di siya ang tinutukoy? Sunod na pinakita ni Madam ang baraha ng isang babae. “The High Priestess. Nakabaliktad ang baraha sa kin. Ibig sabihin mahihirapan kang intindihin kung saan nagmumula ang pag ibig na yun.” Sunod na pinakita ni Madam ang pinakahuling baraha. “The Tower. Tanda ng pagwawakas ng relasyon.”

Pumikit si Madam pagkatapos ng malabong panghuhula niya sa amin. “Madam Laide, teka lang pero bakit ang labo po? Wala akong naintindihan.” Kinamot kamot pa ni Ken ang batok niya. Tanda ng pagkalito at walang ideya. Ganyan kasi ang ginagawa niya tuwing nageexam kami sa Physics. Tumingin naman si Madam sa amin at pakiramdam ko tumagos ang tingin niya.

Nakaramdam ako ng hangin sa likuran ko.

“May nakalimutan ka binata. At ang kapirasong yun ang dahilan ng lahat ng to.” Hindi ko na talaga mailarawan ang mukha naming dalawa ni Ken. “Napupuno ito ng inggit at kalungkutan. Isang di natapos na nakaraan ang kanyang ibinabalik. Isang masamang enerhiya ang bumabalot dito. Malabo. Malabo.”

Malabo nga. Wala akong naintindihan eh.

Hinila ko na si Ken, palabas ng booth ni Madam Laide. Humangin ng malakas, parang may bagyo. Niyaya ko ng umuwi si Ken. Malapit na man na kami sa bahay ewan ko ba kung bakit pa kami dumiretso dito imbes na nagpahinga na lang kesa napapaisip ng mga bagay na di naman dapat. Kinabahan din ako sa mga sinabi niya.

“Uy Ken, saan tayo pupunta? Uwi na tayo!” Di ko namalayang nakalabas na kami ng theme park pero hindi kami  pumunta sa pinagparkan niya ng kotse.

“Uuwi na nga! Ingay nito oh. Gabi na baka magising yung mga natutulog. Gusto ko hanggang makarating tayo ng bahay, para pa rin tayong nagdadate.” Gusto ko siyang sipain ng sinabi niyang maglalakad kami. Bukod sa mabigat ang damit ko, masakit na ang paa ko. Ang taas taas kaya ng heels ko tapos paglalakarin niya ko. “What? Kung magdridrive ako, hindi ako makakapagconcentrate sa pakikipagdate sayo.” Tumawa pa ang mokong palibasa walang inaalala.

Nauna ng naglakad si Ken at parang nagpapahabol ang walangya. Inipon ko naman ang gown ko ng hindi sumayad sa lupa at padabog na sinundan siya.  Cool na cool siyang naglalakad habang nakapamulsa pa siya sa pantalon niya. “Oh I forgot.” Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang nagsalita. Hindi ko alam pero lumuhod siya sa daan pero isang leg lang. “Come on Yela! You dont want a piggy back ride? Gusto mo ba pabridal?” Tumatawa siyang tumayo pero hinawakan ko yung balikat niya para bumalik siya sa pagkakaluhod sa lupa.

Mas kakayanin kong buhat niya ko at di makita ang mukha niya no kesa naman di ako huminga sa pabridal na pagbuhat niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya saya ko at nakalimutan ko na ata agad ang pagkapahiya ko kanina. Feeling ko tuloy ang haba ng buong gabi.

“Yela, naniniwala ka ba sa sinabi ni Madam Laide kanina?” Napaisip tuloy ako sa sinasabi ni Ken. Lahat ng sinabi ni Madam kanina, masama eh.

“Ano ba dun? Parang lahat kasi yun nakakatakot pakinggan.” May binanggit pang masamang enerhiya si Madam kanina. Ano yun multo? Kaluluwa? Masamang espirito?

“Yung tungkol sa The Tower. Yung takda daw ng pagtatapos ng relasyon. Kinabahan ako dun ng sobra. Pakiramdam ko kasi para sa tin yun eh.” Muntik ko ng matanggal ang pagkakakapit ko sa kanya. “Oh come on, Yela. Wala lang tawag sa relasyon natin but we both know that we’re attracted to each other. Wag mo ngang ideny na nagnanasa ka rin sa kin.” Tumawa ng malakas si Ken. Pinaalalahanan ko ang sarili ko na pagkababang pagkababa ko mamaya sa likuran niya, tatadyakan ko siya ng malakas.

Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. As usual di kinakaya ng sarili ko ang kakapalan ng pagmumukha ni Ken. “ Hula lang yun. Paranoid ka. Tsaka di naman lahat ng relasyon tungkol sa pag ibig lang.” Bumuntong hininga lang siya at sumeryoso ang mukha. Napuno ulit ng katahimikan ang daan.

Nasa gate na kami ng subdivision ng binaba niya ko pero di ko natadyakan, ni nakurot di ko nagawa. Hinawakan niya lang ang mga kamay ko. Holding hands kaming naglalakad sa gitna ng kalsada, sa ilalim ng buwan. Kahit di ako tumingin sa salamin, alam kong pulang pula na ang mukha ko. Not to mention, pinagpapawisan yung mga kamay ko. Nakanguso pa si Ken sa tabi ko at halatang nagpipigil ng tawa. Jusko nakakahiya talaga!!!

Pagkadating naming sa tapat ng bahay, madaling madali kong tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. Tumawa tawa lang siya at nag goodnight na bago pumasok sa bahay niya. Natatawa din ako pero nabawi ng isang aparisyon ang paningin ko. Nakatayo siya at nakasilip sa bintana. Nakatingin siya sa bahay nila Ken gamit ang malulungkot niyang mata.

Si Angela.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now