Chapter 12

3.2K 72 17
                                    

Ayun kahit feeling ko lalagnatin ako pumasok pa rin ako sa school. At si Eerie Girl? Pag gising ko, wala na siya. Asa namang magigising akong nandoon pa siya. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room, mga nakakalokong ngiti at mga fishing na tanong ang inabot ko sa barkada na nuknukan ng mga tsismoso at daig pa ang mga babae sa pangho-hot seat -___________-++

"Oh Ken kamusta naman kagabi? Hot night ba?"

"Naturuan mo ba maigi?"

"Ano? Swak ba?"

"Ayun walang nangyari. Okay pa rin kami"

"Walang nangyari?"

"Okay lang? Yun lang?"

Halos malaglag yung tenga ko sigaw nila. Hindi naman ako bingi, sisigaw ba dapat? Tsaka para namang nakakapagtaka na walang nangyari. Magtaka sila pag may nangyari. Dahil yun...yun ang horror! Tsss...

"Nakakagago na kayo. Wala nga -_____-"

"Pre, babae yun. Kayong dalawa lang sa condo mo habang malamig ang gabi dahil sa aircon mo tapos ang isasagot mo lang walang nangyari. Na okay lang at wala pang kabuhay buhay"

"Eh sa yun nga lang ang nangyari.Malamig pa din ang condo ko. Walang pinagbago ang relationship namin. Nakakatakot pa din siya.  At minulto na naman ako kagabi. Ano may tanong pa? Tumahimik na nga lang kayo!"

Sobrang nakakaasar tong mga to. Akala ba nila higad ako na sobrang kating kati at makakita lang ng babae eh magpapahagod na? Ang aga aga eh, nakakaasar na. Maya maya dumating na rin si Yela pero hindi niya ko tiningnan ni tinanong man lang kung di ba bumalik yung multo at nag goodmorning sa kin. Mukang seryoso nga siya sa pagpapalayo sa kin.

So ganun na lang talaga yun? Hindi ako makakapayag na iiwan na lang ako sa ere nitong babaeng to. Aba paano na lang ang premyo ko na sports cars ng mga ugok kong kaibigan? Paano na lang ang pride ko? Halos maatake na nga ako sa puso dahil sa sandamakmak na multo na nakikilala ko tapos magpapatalo pa ko? No way dre! Below the belt masyado yun. Tsss bahala na.

"Yela, mamaya gagawa tayo ulit ng project. Konti na lang naman na eh tapos na tayo kaya tapusin na natin."

"Saan?"

"Dito na lang. Nasa locker ko naman yung materials."

"Sige"

Balik kami ulit sa isang tanong, isang sagot na pag uusap. Papanisin na naman niya yung laway niya. So ibig sabihin mamaya aamagin na naman akong kasama siya. Shet naman. Feeling ko pati ako nadedetach na sa totoong mundo kakasama sa weirdong to eh.

Mabilis na natapos ang araw at nakita ko na lang ang sarili ko na nagawa ng project kasama siya. Sobrang hirap ba talagang maging normal Yela? -____________-++

"Yela, topic naman diyan! Batong bato na ko dito"

"Alam mo masyado kang madaldal para maging lalaki"

"Eh nakakabagot na eh. Puro na lang project inaasikaso natin dito!"

"Yun lang naman ang dahilan kung bakit pa tayo nag uusap at nagpapansinan eh. Kaya pwede ba tantanan mo na ko at tumahimik ka na lang"

Nadali niya ko dun. Pero ano daw? Tantanan at tumahimik na lang daw ako? Hindi pwede yun. Not now. Wala akong balak mapahiya. =_______________________=

"Yela naman!"

"Ano ba Ken?!?"

"Bakit kasi ang tahimik mo?"

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon