Chapter 3

3.7K 96 11
                                    

Recess time na noong tiningnan ko si Eerie Girl sa likod. Pero yung parang pasilip lang baka pandilatan na naman ako. Pero pagsilip ko, wala na siya. Kaya pala hindi na malamig ang pakiramdam ko.

"Ang bilis naman niya umalis" Pabulong kong sinabi.

Di ko alam kung nalipad ba o nalapat ma lang sa sahig yung paa niya. Tuwing kasing kakausapin ko or dadamoves ako, wala na agad. At ni katiting na sound ng pag alis niya wala kang maririnig or mararamdaman. Hindi talaga siya mapirmi sa paligid ng mga tao.

"Uyyy iba na yan bro ah! Hinahanap mo na si Eerie Girl ah" Sabay tawanan ng barkada.

Ito na naman tong mga epal na to. Palibasa hindi nila naeexperience yung nararamdaman kong inis at takot sa babaeng to eh. Dati naman pag nakakakita ako ng babae, gustong gusto ko lang makipag flirt sa kanila pero ngayon wala. Mas gusto ko pang matulog. Iniwan ko na nag mga ungas at lumabas na ako. Mauupakan ko yung mga yun eh.

Kung tutuusin, ang dali mag quit eh. Pabor nga sa kin yun kaysa naman pakabahin ko yung sarili ko dito sa takot. Kaya lang, hindi ko talaga ugali ang magquit. That would be the last thing that I'll do in my life.

"What a freaky girl!"

Napabalik ako at nakita ko dun sa sulok malapit sa Science Lab na may binubully na naman yung mga seniors. Hindi naman ako nagulat ng nangbubully na naman sila. Ang kinagulat ko yung binubully nila.

"Yela?" Tumingin silang lahat sa kin, well, except kay Eerie Girl. Well, di ko pala sure kung nakatingin siya sa kin kasi natatakpan ng mahabang bangs yung mga mata niya.

"Ken? Oh well. Long time no see" Sabi ng babaeng matangkad na may mahabang kulot na buhok.

Di ko alam kung sino to. Basta alam ko cheerleader to at laging nangingibabaw ang matinis niyang boses tuwing nagkakasigawan na sa basketball court pag may laban kami.

"Anong ginagawa niyo sa kanya?" Nagkatinginan pa sila na parang nagtataka kung bakit ko tinatanong yun.

"You mean to this freaky girl? Wala naman. We're just playing with her." Inikot ikot pa nitong babaeng to yung buhok ni Yela na nakayuko lang at pinapanis ang laway at ni wala man lang reaksyon sa mga nangyayari.

"Go away." Nakakuyom ang mga kamao kong nakatingin sa kanila.

Seriously, anong mapapala mo sa taong mas mahina pa sayo? Nakakatawa talaga ang mga bullies. Palibhasa mga babae kaya konting inggit lang kung ano ano ng pinagsasabi at ginagawa.

" What do you mean Ken? Pinagtatanggol mo ba tong freak na to?" Oo? Hindi? Bakit ba tanong ng tanong to?!

"No. I want her as my toy so go away." Nagkatiginan muna kami bago sila ngumiti.

I made sure na nakaalis na nga sila bago ko lapitan si Eerie Girl. Pagtinging ko, nakatayo na siya bigla sa likod ko. Halos mapatalon ang puso ko sa gulat. Nakatayo lang siya at parang masama ang loob na tinulungan ko siya. Seriously ano bang saltik ng babaeng to? Alam ko weird siya pero wag naman niyang sagadin! Aba nakakaubos din naman ng pasensya. At isa pa di siya nagsasalita kaya di ko sure kugn ano bang issue niya sa katawan.

"Are you okay Yela?" Hindi siya sumagot, nilayasan niya lang ako.

Nagulat ako sa bigla na lang niyang pag alis na parang wala siyang kausap.Talaga naman, hindi lang pala freak tong babaeng to, wala ring manners. Hinabol ko siya hanggang sa makarating na kami sa School Garden.

"Hey! Aren't you going to thank me?" Naglalakad pa rin siya samantalang ako mukha ng aso kakasunod sa kanya. Kung nahihiya ma siya magthank you, pwede namang ngumiti.

"I didn't ask for your help. Go away" Malamig niyang sabi.

"Ano?! Bakit ba sa akin ang tapang tapang mo pero kanina halatang halata na hindi ka lumalaban." Lumapit siya sa kin. Tumingkayad siya para bumulong sa tenga ko. Lalo akong nanlamig at kinilabutan. Feeling ko napapaligiran ako ng negative energies.

"Kung ayaw mong mapahamak. Lumayo ka sa kin." Tinulak niya ko ng mahina at umalis na hindi man lumilingon.

Hindi ko alam kugn saan ko nakuha yung lakas ko para di matumba. Para dalawang sentence lang yung sinabi niya, nanginig na agad buong pagkatao ko. Nakakakilabot talaga siya. Ano bang meron sa kanya?

Parang lumulutang ang isip ko ng nagpasya akong bumalik sa classroom ng bigla akong mabangga ng isang tumtakbong studyante. May iba pang mga tumatakbo takbo at ang ingay ng school ground. May away ba ng frat? O may mga babae na namang nagsasabunutan?

Ang daming estudyante sa labas. May ambulance din. Maya maya nagulat ako sa nakita ko. Yung mga seniors na nambubully kay Yela, lahat sila halos tumitirik yung mata at nagsusuka. Biglang hinawakan nung isa si Yela na nakatingin din sa kanila.

"Anong ginawa mo sa min?! Mangkukulam ka!" Hinihila niya yung uniform ni Yela.

Halatang takot din si Yela. Nakatingin kaming lahat sa kanila. Hinila na ng mga guard yung babae at pinapasok na kami sa mga room namin.Itinayo ko si Yela na napaupo na sa sobrang lakas ng paghila sa kanya nung babae sa kanya kanina pero tinabig lang niya yung kamay ko at tumayo mag-isa tapos naglakad na.

Magkasunod kaming naglakad papunta ng room at tulad niya, rinig na rinig ko rin yung pinagsasabi sa kanya ng mga studyante habang naglalakad kami. Pagpasok namin sa room, nagsitahimikan din ang lahat at nakatingin sa kanya hanggang sa makaupo siya.

"Bro! Ano yung kanina?" Lumapit sa kin si Ryan at alam ko sa sinasabi niya eh parang si Yela ang tinutukoy niyang dahilan ng mga pangyayari kanina.

"Pre, mukang delikado ata ang pinasok natin ah" Nakatinginan pa sila Marco at Pao. Narealize din nila sa wakas ang mga inirereklamo ko.

"Kung ayaw mo na Ken, okay lang. Mahirap na baka madeds ka pa diyan" Seryosong usapan na nauwi tong bet na to.

"Hindi pare. Ituloy natin to"Nagkatinginan sila ng dahil sa sinabi ko.

Maaaring may kinalaman nga si Yela sa nangyari kanina dun sa mga babae. Pero ang pinagtataka ko kahit na parang may alam siya bakit natatakot pa rin siya? Hindi ba dapat ang mga taong may kakayahang makasakit ng kapwa, madalas ay di natatakot? Parang may mali. At yan ang dapat alamin.

Habang tumatagal mas nacucurious ako sa kanya at sa mga nangyayari sa paligid ko. Kahit itong Eerie Girl na to, by just being plain, surprisingly she became interesting in my eyes.

"Marco, I have a favor bro."

I guess before making a move, I should start with the basic.


My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon