Chapter 7

3.4K 81 18
                                    

Unti unting lumalapit ang mukha ko kay Yela. Balak ko lang naman siya takutin pero natetempt akong halikan siya. At ang mas nakakaexcite pa dun, halatang kinakabahan siya *smirk*

BLAGGGGGGGGGGGGGGGGGG!

Nagulat kaming dalawa bigla ni Yela sa gulat. Mukang di naman siya nag iisa sa bahay nila. Sa totoo lang mukang may kasama siya.........at mukang naiinggit ata yung kasama niya sa bahay kaya inistorbo niya kami. Naudlot tuloy ang pananakot ko kay Yela. Malapit ko na siyang makiss eh, magkadikit na nga ang mga ilong namin. Tssss istorbo!!!!

BLAGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!

"Hoy Eerie Girl! Akala ko ba wala kang kasama dito?" This time tinulak na ko ni Yela. Mukang nakikiramdam lang siya kanina kung may nalaglag na gamit pero mukang may nambabagsak talaga ng mga gamit nila.

"Ha? Oo wa...wala nga." Hindi ako magkandaugaga sa pagbuhat sa sarili ko para makaupo sa sofa nila. Ang sakit ng pagkakalaglag ko lintek!

"Eh sino yun? Istorbo!  First kiss mo na sana yun diba?" Sabay himas ko sa likuran ko.  Nakascore na sana kung di dahil sa istorbong kasma sa bahay ni Yela.

"Ano! Ewan ko sayo." Pinigilan kong matawa dahil sa pamumula ng mukha ni Yela. Baguhan sa mga ganitong bagay kaya kahit simpleng first kiss di siya mapanatag.

"Sows...kunwari pa. As if naman may iba pang gustong humalik sa yo hahahahahaha!"Halatang naiinis na yung mukha ni Yela. Atleast nagiging normal na facial expression niya. Di katulad dati, parang bato. Nuknukan ng tigas ng mukha...laging poker face.

Habang pinagtatawanan ko si Yela, bigla naman akong may nakitang tumakbo sa kitchen. Di ko sure kung sino pero babae eh. Baka kapatid niya. Ata.

"Uyyyy! May babae oh. Sino yun?" Pabalik balik pa ang takabo nito sa kitchen. Mabilis nga siyang nakkaatakbo at sumisilip silip sa amin.

"Wala naman ah." Lumingon si Yela para tingnan pero tumakbo kasi yung babae kaya di niya nakita. Pero sure akong babae yun eh. Mas bata lang siguro sa min kasi maliit eh...or hindi.

"Anong wala. Meron! Tumakbo dun oh, kitchen niyo ata."Tumingin lang si Yela sa kin  tapos tiningnan niya kung saan nagpunta yung bata.Syempre sumama ako no.

Grabe, ang laki ng bahay nila. Well, malaki din naman bahay namin no pero may maids kami. Sila kasi mukang wala.

"Wala naman Ken eh."Oo nga wala yung bata dito. Eh pero saan naman kaya nagpunta yun?

Sure kasi ako na may nakita akong pumunta dito. Inikot ikot ko yung tingin ko. Maya maya nakita ko na ulit yung bata. Andun siya sa may parang papuntang backyard nila. Nakita ko agad kasi glass sliding door lang ang pagitan.

"Yela...yun! Yun yung bata oh."Tinuro ko yung bata na nakaupo dun sa labas ng kitchen  nila. Tumingin din si Yela pero mukang di niya ata kapatid.

Nilapitan namin yung bata pero noong malapit na ko, pinigilan niya ko sa tuluyang paglapit ko. Pati ba naman bata tsk! "Sino yan Yela?"

"Ah...ah...yung anak ata  ng kapitbahay namin." Tumitingin tingin sa amin yung bata habang nakaupo lang at nakahawak sa mga binti nito. May mga dala rin itong mga laruan pero madumi at sira na. "Nakikipaglaro lang siguro ng tagu taguan kaya dito nagtago. Tara na...."

Wow, close pala sila sa mga kapait bahay nila. Isipin mo pumapayag siya na papasukin yung bata sa bahay nila. Siguro gustong gusto niya ang mga bata.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now