Chapter 8

3.3K 71 20
                                    

Nandito lang ako sa labas ng unit ko...nakaupo at nanginginig sa takot! Lintek na bata yun, akala ko cute yun pala nakakatacute! Ngayon tuloy tinitiis ko ang lamig at kahihiyan habang inaantay si Eerie Girl. Kung tutuusin, kasalanan niya naman lahat. Kung sumipot na lang siya at hindi nag inarte kanina edi malamang mahimbing akong natutulog ngayon -_____________-++

"Diba si Ken Mendoza yan?"

'Oo nga no. Anong ginagawa niya diyan?"

"Kawawa naman siya"

Talagang pinarinig pa sa kin yung usapan nila ah. Lintek na Eerie Girl yan! Asan na ba siya? Wasak na wasak na pagkalalaki ko dito ah. Hanggang dito ba naman kasi nakasunod yung mga kampon niya eh.

"Ken...okay ka lang ba?" tanong niya habang tumatakbo papalapit sa kin

"OKAYYYY?! SA TINGIN MO BA OKAY LANG AKO?! Eh andyan nga sa loob ng unit ko yang kampon mo at nakipaglaro pa ng habulan sa kin."

Biglang naglabasan yung mga tao sa ibang unit. Pero wala pa rin akong pakialam kahit magising

sila or batuhin pa ko ng sandok dito basta mapalayas lang yang tiyanak sa loob ng unit ko >____<

"Wag ka ngang maingay diyan. Para kang bakla eh"

"BAKLA?! ANONG BAKLA ANG PINAGSASABI MO DIYAN?! Hindi mo ba naiintindihan... may tiyanak sa unit ko at galing yun sa bahay mo. Ngayon kung hindi mo nagegets, sa mundong to... hindi normal na makakita ang isang normal na tao na katulad ko ng mga ganung bagay. Siguro sayo oo pero sa kin hindi. KAYA PALAYASIN MO YANG BATANG YAN SA UNIT KO!"

"SHHHHHHH!"

Biglang tinakpan ni Yela yung bibig ko at tumingin na masama sa kin. Hindi ko na talaga alam kung kanino na ba talaga ako matatakot... kay Eerie Girl or dun sa bata?! Pakshet namang buhay to oh!!!

"Pag hindi ka tumigil ng kakareklamo diyan...iiwanan kita dito"

"AKALA MO PAPAYAG AKO?! SASAMA AKO SAYO KAHIT SAAN KA MAGPUNTA HANGGAT HINDI MO NAPAPAALIS YUNG TYANAK NA YAN SA UNIT KO"

"Sige para mas marami ka pang masamang tyanak diyan sa unit mo... Ngayon, mukang hindi mo naman kailangan ng tulong ko kaya aalis na ko. Wala akong planong magpuyat para lang samahan ang maingay at mukang tangang baklang katulad mo."

Hindi ko talaga maalis na matulala pag nagsasalita si Eerie Girl. Napaka cool...napaka calm... nakakakilabot. Brrrrr!

Natauhan naman ako  ng bigla bigla siyang tumayo at naglakad ng palayo sa kin. Mukang totohanin nga niya yung mga pinagsasabi niya kanina ah ~_________~

"YELAAAAA! SAN KA PUPUNTA?"

"uuwi na"

"ANONG UUWI?! PAANO YUNG TYANAK SA UNIT KO?!"

"bahala ka na dyan sa buhay mo"

Ano?! Anong bahala na ko sa buhay ko? Dapat siya ang maging responsable sa nangyayari sa kin. Horror house na tong unit ko at alam kong siya lang ang makakapagpaalis sa masamang elemento dun. Makikita mo Eerie girl. Akala mo hanggang dito lang ako... Dont ever underestimate me! *smirk*

"Yela... ganun na lang ba? Iiwan mo na lang ako pagkatapos ng gabing to?"

Naglabasan na naman yung mga taga ibang unit. Si Yela naman halatang gulong gulo sa mga pinagsasabi ko. Ayus may audience na! Total naman ginulo ako ng kampon niya edi ang leader nila ang guguluhin ko ngayon hahahaha!!!

"Ilang gabi na natin to ginagawa. Wag ka naman ganyan. Natatakot ka ba?"

"Ha? Natatakot saan?"

"Papanagutan naman kita eh! Wag mo na kong iwan."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Eerie girl at dumami ang mga bulong bulungan. Tumakbo siya papalapit sa kin at kinakausap ako ng pabulong.

"Hoy...anong sinasabi mong pananagutan? Nababaliw ka na ba?"

"ANO? WAG KA NAMANG GANYAN! MAHAL NA MAHAL NAMAN KITA AH! WAG MO NAMANG ILAYO ANG MAGIGING BABY NATIN"

"Ken... anong pinagsasabi mo diyan?"

"NGAYON KA PA LALAYO KUNG KELAN MAY NABUO NA TAYO!? ANAK KO DIN YAN!"

Halatang napikon na si Eerie Girl at tinulak na ko papasok ng unit ko. HAHAHAHAHA! It seems like I won. Bakla pala ah? Sige lang...ipapakita ko sayo ang tunay na Ken Mendoza.

"Ano? Bakit di ka pa umalis? Akala ko ba wala kang balak magpuyat at samahan ako. Anong ginagawa mo dito sa loob ng unit ko ha?! Siguro gusto mong ituloy yung naudlot nating kissing scene kanina"

"Dito ba? Dito sa loob ng unit mong may tyanak?"

Oo nga pala...nakalimutan kong may masamang elemento dito. At talagang pinaalala pa ng babaeng to ah. Kailangan tuloy magpakagood boy hanggang mapaalis siya ni Eerie Girl.

Naglakad si Yela palibot sa sala. Syempre ako nakatingin lang. Tiningnan niya yung paligid. Tssss, pano niya naman makikita ng malinaw eh ang dilim dilim sa loob ng unit ko eh.

"wag mong bubuksan yang ilaw"

"Ha? Eh pano natin makikita yung tyanak na yan kung di natin bubuksan yung ilaw"

"makinig ka na lng sa kin"

"Wait... but what exactly is she? Bakit nakakatakbo siya ng mabilis at bigla biglang nawawala"

"spirit... hindi matahimik na kaluluwa"

Ka...lu...lu..wa?! KALULUWA?! Ba..bakit andito siya sa unit ko? Bakit niya ko sinusundan? Wala naman akong connection sa batang yun ah TT___________TT

"Hoyyyy Yela, antayin mo naman ako. Yela!"

"Shhhh, wag ka ngang masyadong maingay diyan"

'Bu..buksan natin yung ilaw"

"Ayaw niya ng ilaw eh"

"Ha..ah..ano ba yang batang yan"

"wag ka ngang masyadong dumikit sa kin"

"ba..bakit naman?"

"lalo ka lang matatakot"

"Im not afraid. Im just nervous"

Tinuloy na ni Yela  yung paghahanap sa bata. Lahat ng kwarto, cabinet ultimo mga kaldero pinagbubuksan ko. Pero hindi pa rin namin makita yung tyanak na yun. Alas kwatro na oh =___________=

"kahit mga multo hindi magtatago diyan" saway ni Yela nung chineck ko yung toilet bowl.

"malay mo lang naman diba! -______________-++"

Sunod namang chineck ni Yela yung kwarto ko. Yung cabinet ko na may collection ni Superman at ng mga toy cars pati yung mga collections ko ng caps at damitan....nagkagulo! Parang dinaanan lang naman ng tornado. Tokwang multo yan oh!

"hindi kaya umalis na yung batang yun? Alas kwatro na hindi pa natin nahahanap oh"

"Strange. Dati naman mahirap paalisin ang mga ganung spirit."

"Eh kung nandito pa siya eh nasaan na? Hindi na sobrang laki ng unit ko para di makita yun no. Ano ba naman yan?! Inaantok na ko eh hayyy tssk"

"Lagi talaga silang nagtatago. Para naman ikaw lang ang napupuyat"

Bigla bigla na lang nanlaki yung mata ni Yela pero cool pa din siyang tingnan. Teka... baka nakita niya na yung bata...sa...saan?

"Huyyy! What's wrong?"

"Wag kang gagalaw"

Bigla niyang hinawakan ang balikat ko tsaka pumikit ang nagsimulang magbabanggit na kung ano anong kakultuhan. Tokwaaaaaa namannnnn talagaaaaaa! TT____________TT

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon